Sunday, August 30, 2009

bogchalilaytz cum tanpulutz






Friday, August 28, 2009

cd warehouse

Kapag nagpapatugtog ako ng CD ay biglang bumabalik sa isipan ko yung isang kilalang tindahan ng cd jan sa makati noong araw. Dun kasi sa nasabing tindahan ay puede kang umorder ng mga rare cd releases. Kahit hindi naman rare cd basta yung mga hindi mo mabibili sa mga lokal music store natin ay kaya nilang kunin para sa iyo. Marami rin akong naharbat sa nasabing tindahan ng cd. Sa kanila ko naorder yung Bob Dylan "Good As I Been To You", Billie Holiday, John Lee Hooker, Killer Lord ng Lords of the New Church, Lou Reed Live, Angel Romero, Supertramp Live in Paris at marami pang iba na naestapa naman nung mga magagaling na audiophile kong kaibigan kuno. Sayang nga lang at nagsara na sila dahil na rin sa pagkalat ng mga P2P sa internet. Iba pa rin kasi yung habang nakikinig ka ng pamoso mong cd ay may binabasa kang pabalat. Hindi katulad nung mga downloaded na music, pag ikinasa mo na sa dedicated cd player mo ay nakatunganga ka na lang. Kasi wala ka man lang mabasang pabalat at kailangan mo pang igoogle yung artist para malaman mong yung buong album na pinapakinggan mo ay ni lip sync lang pala nung mga buset.

Wednesday, August 26, 2009

noypi

May natanggap akong forwarded chain e-mail, kung saan binatikos na naman ng kapwa noypi ang sarili niyang kakosa. Nung binabasa ko ang nasabing chain e-mail ay napagisip-isipan kong isang suntok na naman ito at isang hindi makalunok laway na katotohanan sa tunay na ugali ng noypi. - kulang tayo sa disiplina. Isang ehemplo na binigay nung naporward na chain e-mail ay yung hindi natin pagsunod sa simpleng batas trapiko. Katulad na lang nung paghinto ng ating sasakyan kapag pula na ang ilaw sa traffic lights. Nakakatuwa, kasi ako mismo ay madalas kong banggitin sa mga kasakay ko sa sasakyan, na kaya laging barado o trapik sa kakalsadahan natin ay dahil sa kawalan ng disiplina ng mga noypi. Pero madalas ko ding sabihin sa kanila na bakit kapag naligaw tayo sa loob ng subic ay sumusunod tayo sa batas trapiko nila.

Likas lang kaya tayong mga noypi na mahilig sumubok sa kakayahan natin na sumuway sa batas at matutuwa kapag tayo ay nakalusot dito? Pera teka, saan papasok ngayon yung kasabihan na "isa ang pinoy sa pinaka madesiplinang tao sa asia"? Tila yata palamuti lang ang kasabihang iyon. Ang natatandaan ko kasi noong araw, kapag inaabangan namin ang pagdaan ni pangulong marcos at kanyang alipores, kami ay sinasabihan ng mga guro namin na kumaway at iwagayway ang bandera ng pinas. Sa likod namin ay ang mga naglalakihang puting pader na may nakasulat na "sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan". But that was long ago.

Monday, August 24, 2009

A hustle here and a hustle there


I came across an article that says multitasking is bad tor our health. HUWATT? Everybody's doing it (multitasking, that is). Our oldies were doing it for a long time, even before the computer invaded our houses and the word multitasking was invented. I remember my grandma doing multitasking - cooking our dinner while watching "Tawag ng Tanghalan" on a black and white tv set. IMHO there is nothing wrong with multitasking, as long as your brain can handle it with gusto. No short circuit please. It's nice to (all at once) do homework while you're listening to your fave music on a cheap mp3 player... while others are happy doing their regular exercise on treadmill while watching "Baywatch" recorded reruns on betamax.


Kids (like me?) are now more prone to multitasking. With all the gadgets in tow (cellphones, wifi enabled laptop, mp3, mp4, mp5, mp6, mp7 players, psp and tamiya), things get easier done and all at the same time, sans the homework. Me? oh I also do multitasking. But only once: when I'm in a bathroom reading the latest issue of FHM.


Friday, August 21, 2009

Huwag daw akong umistambay at mag-combo ng mag-combo

Ito ang maganda kapag long vacation, may oras ka para ayusin yung mga trabaho mo. Tapos tira ka ng "40 winks", then dayo sa mga katropa mong matagal mo nang hindi nakikita. Ganun nga ang naging iterinary ko. Masarap din kasi minsan yung nagkukuwentuhan kayo nung mga kababata mo. Ang nakakagulat lang minsan ay may mga hinahanap kang mga dating kapit-bahay, yun pala ay mga nadedo na. Bigla ko tuloy naalala yung isa kong katropa noon na mahilig gumitara. Sabi nga nung isang kasama namin sa kuwadradong mesa na mas masaya pa raw ang buhay noon. Kasi nga naman nung dati ay kaunting bote lang ng mumurahing alak at isang gasgas na gitara ay masaya na kami. Sabi ko nga, kasi noong araw ay "virgin" pa ang mga isip namin at wala pa sa aming lahat yung tinatawag na materyal na bagay. Isa lang ang layunin namin lahat dati-magkasama sama sa playground at kapag dumilim na ay tumira ng mumurahing alak at kaunting jamming. Kung jamming rin lang naman ang pag-uusapan ay hindi kami nabibitin jan. Marami sa mga kababata ko ang mahilig kumanta, kaya lang puro pinoy rock. Yan kasi ang mabenta noon. Hindi matatapos ang mga sessions namin ng hindi kakantahin ang "buhay musikero, dukha, nena, almusal". Plakang-plaka yan nung mga kababata ko na si Lando at Jay/Jojo. Yan ang lokal simon at garfunkel namin dun sa dati kong tinitirhan Sayang nga lang at maagang pumalaot si Jay.


Sunday, August 16, 2009

She roll back down to the warm soft ground


Habang tumitira kami (yes enday, kami-kasi two) ng malamig na serbesa at nanonood ng pat metheny concert sa two channel na home theater set-up ay biglang napansin ko ang isang paru-paro sa loob ng bahay. Sus parang ang haba yata nun. Neweis, bigla tuloy akong nag trip na naman nung makita ko nga yung butterfly. Naalala ko tuloy yung lugar namin nung araw kung saan nagkalat ang mga paru-paro at tutubi. Ito yung panahon na kung saan mababait pa ang mga pipol. Mahahalata mo naman na ok pa ang buhay nung araw, kasi mismong yung mga tutubi at paru-paro nga ay hindi natatakot sa tao. Kapag nga pinapanood ko sila habang nagpapalipat-lipat sa mga halaman ay bigla na lang silang dadapo sa balikat at sa ulo ko. Ngayon kapag nakakita ka ng paru-paro, halos makiusap ka sa kanila na lumapit sa iyo. Alam na rin siguro nila na delikado na ang buhay nila kapag nadikit sila sa tao. Kailan kaya babalik yung ganoong klase ng buhay sa tao, yun bang puro kapayapaan lang ang iniisip nating lahat. Ah siguro masyado na akong nakakarami ng malamig na serbesa. Ang galing talaga ni Pat Metheny lalo na yung version niya nung Insensatez.

Wednesday, August 12, 2009

toreten mo


Bihira na akong mapasyal sa mga tindahan ng cd mula ng mauso ang mga shared mp3 files. Kaya laking gulat ko nung minsang mapadaan ako sa tindahan ng mga cd's. Marami pa rin palang mabibiling magagandang cd. Kaya lang halos puro commercial albums lang ang binebenta nila. Bihira ka makatsamba nung mga malulupit na albums. Kaya siguro namulaklak sa internet ang mga file sharing o P2P. Yan naman ang maganda sa internet, hindi madamot ang mga may ari nung mga rare albums. Kaya kapag may gusto kang mapakinggan na very rare albums o kaya yung mga discontinued music, isa lang ang pupuntahan mo...toreten mo agad.


Sunday, August 09, 2009

downgrade

Hanep din naman, mukhang naiwan na ako sa mga HT set up. May napuntahan kasi akong forum kung saan ang isang topic nila ay home theater set up. Nagulat na lang ako nung mabasa ko na 7.1 na ang gusto nilang HT set up. Sanababitz, nung huling nanood ako sa HT set up ko ay 5.1 pa lang. Ah sabagay masyado na ring matagal yung mga gamit ko sa HT. Siguro may sampung taon na rin naman ang mga iyon. Ang ganda na siguro ng mga lumalabas na gamit ngayon kapag rin lang HT ang pag-uusapan. Ang dami ko na ngang nakikitang mga blu-ray disk player, hdtv at dedicated 7.1 speakers. Haynaku, ang sarap talaga ng maraming salapi, sana patamain na ako sa lotto. Pero teka bakit hindi ko muna subuking mag downgrade kesa mag upgrade. Mas maganda rin naman tumunog yung two channels, lalo na kapag maliit lang ang kuwarto mo. At saka ang mga pinapanood ko lang naman sa HT ko ay yung mga video ni Hay...oops yung mga video nung Haybol namin sa province...he he maganda kasi, nostalgic.

Wednesday, August 05, 2009

maraming salamat po mam

Nung pinapanood namin (yes enday, namin-kasi may kasama akong dalawang chikiting, isang boy at isang girl), ang coverage nung kay tita cory ay bigla kong tinanong at pinasulat sa isang papel kung sino si cory sa kanila. Ito ang kanilang naging tugon:


First off, I must disclaim that I lived to witness the late Cory Aquino’s presidency. I know her only through other people’s words, and through information that I have discovered for myself. Now then, let me start.


Our former president, Cory Aquino, died on August 1, 2009, though everybody should have known that by now. I didn’t feel different when the news reached me; there was no apparent connection between me and the president. But her death did spark the “Cory Magic” within the Filipinos once again and, in extension, sparked some interest in me. So I reacted during conversations (regarding Cory) as if I totally honor her actions. In truth, I am at the very best “indifferent” towards her; after all, I don’t even know her. As I said before, I only hear her legacy through other people. That said, I concluded that, well, Cory wasn’t really that great of a president. I arrived at that conclusion from two sources: my father and my current philosophy professor (whose names I won’t divulge in).


First off, from my father: My father, while he pays his respects to the late president, doesn’t really hold her to the highest regards. This may be partly because of his exposure to the Marcos regime. He once told me that the Philippines was better off under Marcos’ command, if he just didn’t became corrupted from power (I can’t blame Marcos; face it, with great power comes great corruption). He also stated once that the Philippine economy dropped during Aquino’s time, and it was a very significant change. If I were my father, that reason would’ve already convinced me that Cory is not really that great after all.


Let me now share my philosophy teacher’s point of view. By virtue of philosophy (of course), he had deducted that Cory does not really deserve all the fuss that’s happening now. He argues that Cory only became such the hero that the Filipinos make her out of because she was the only woman for the job. Look at this important fact: Ninoy (Cory’s husband) was assassinated. And Ninoy was the Marcos’ natural enemy (so to speak). So it makes sense that Cory would run for presidency NOT for the service of people, but FOR the removal of the Marcos’ from power. She ran for the sake of dethroning Marcos. To add to this argument is that the Philippine economy declined during Aquino’s command.


Again, I disclaim that I have witnessed Cory’s presidency, so all that I have put here does not imply that these are my opinions. In fact, mine’s are otherwise. While she may not be the perfect woman for the job, I do applaud her for her courage and her determination to do “justice” for the Philippines and ultimately fight for democracy. That is how she became a hero: by showing that, with enough willpower, any people can change anything. She is remembered not for her presidency, but perhaps for her democratic point-of-view, and for her historical act of rekindling the Filipino spirit. THAT is her legend. THAT is her *ahem*yellow*ahem* string of fate. (ziv-born 1993).


I am really not interested in politics and still, up to now I can't understand what's the fuss about the death of Corazon Aquino or commonly known as Cory. But because we study Philippine History at school, I have a little knowledge about the icon of democracy we filipino's acknowledge--Cory Aquino.


I can say that Cory is a strong woman and a fighter. Despite the death of his husband Benigno Aquino or Ninoy, she still fought against Ferdinand Marcos for democracy, bravely and all by herself. A normal housewife couldn't fight against the most powerful man in a nation, especially after the death & loss of her husband. But if it is Cory, and if it for our country, she would do it. She did it successfully and was reigned as Philippine's FIRST WOMAN PRESIDENT. Everyone idolized and loved her for fighting bravely and for bringing back the democracy into the filipino's hands. Unfortunately, she didn't last as a president [dahil hindi ko alam kung ano ang nangyari kay FVR!].


Since then, she remained as a private woman of the society [ba yun?]. After several years, the Aquino's suprised us for announcing the severe colon cancer the former president has accumulated. Everybody prayed and supported her for fast recovery, the way people supported her while trying to oust Ferdinand Marcos.


Cory still lasted for a year after the Aquino's announcement. Just last August 01, the first Saturday of August, Cory passed away in the Hands of Jesus. [kasi nagdasal siya nung namatay, di ba?]. While everyone was agonizing over the death of Cory, I feel happy instead. Happy that at last, all the sufferings she had undergone was put to an end. Happy that at least, with that short life span God had given her, she already proved something to us Pinoys.


Indeed, Cory is a fighter. She fought for our country as well as with her disease. She deserves to be respected, to be remembered, to be treasured...and this grand funeral ceremony she is having right now. (zoe-born 1996).




Tuesday, August 04, 2009

e-google


Ito ang maganda sa panahon ng information technology. Kapag kasi may napagtripan kang isang bagay at gusto mo pang palawakin ang kaalaman mo dito, isang type mo lang sa google ay lalabas na lahat ang gusto mong malaman. Katulad na lang nung mapagtripan ko yung kalapati. Pagtype ko pa lang sa google ay isang rekwang impormasyon na tungkol sa kalapati ang bumulaga sa akin. May racing, giant, fancy, homer, burb, fantail, hungarian pigeon. Adobong kalapati, kalderetang kalapati, nilugaw na kalapati, lechong kalapati, turbong kalapati. Bigla tuloy dumumi ang isip ko at nag google naman ako nung salitang "kalapating mababa ang lipad". Ayun nadivert ako sa site ng mga-CONDOM.

Saturday, August 01, 2009

dos metros

Ito maganda kapag sabado, marami kang nakakalikot sa bahay maliban sa yagbols mo. Sa hindi nga sinasadyang pagkakataon ay nahalukay ko yung luma kong CB at two meter radio (ham radio). Para sa mga bagets na hindi na inabutan ito at puro cell phone na ang kinagisnan. Ang CB at two meter radio ay isang uri ng komunikasyon na ginagamit nung hindi pa uso ang cell phone. Bigla tuloy bumalik sa ala-ala ko yung mga araw na halos puyatin ako nung nasabing radio bilang "control" sa isang guwardiyadong frequency. Ito ang YM (yahoo messenger) namin noon. Dahil sa nasabing radio ay nakakapag usap kami ng mga katropa namin na halos hindi mo pa nakikita (eyeball) at puro handle (alias) lang tawag mo sa kanila. (exemplum gratia: bulldog, sny, coyote, taruc, green apple, maxell, bonjovi).

Marami rin kaming napuntahang aybolan nung araw dahil na rin dito sa radio. Halos lahat yata ng eyeball na dinaluhan namin ay parang piyesta. Ang daming chibug at alak. Siempre pa hindi mawawala yung paandaran at palakasan ng set-up nung radio. Sa sobrang adik nga namin nung araw sa radio ay halos lahat ng lugar namin sa bahay ay may nakatenggang handheld unit.

Ang maganda pa dito, kapag rin lang may okasyon na karadyo mo, sigurado mamomonitor agad dahil isang "break" lang sa mga karadyo, positive na lahat ang location kung nasaan sila. Nawala lang ang hilig namin dito nung pumasok na yung mga pocket bell, easy com at ito ngang cell phone. Nagkikita pa naman kami nung ibang mga karadyo namin. Wala na nga lang kaming dalang mga handheld radios. Pagkatapos namin maghiwalay ay isa na lang ang sinasabi namin sa isa't-isa-10-55.