Saturday, August 01, 2009

dos metros

Ito maganda kapag sabado, marami kang nakakalikot sa bahay maliban sa yagbols mo. Sa hindi nga sinasadyang pagkakataon ay nahalukay ko yung luma kong CB at two meter radio (ham radio). Para sa mga bagets na hindi na inabutan ito at puro cell phone na ang kinagisnan. Ang CB at two meter radio ay isang uri ng komunikasyon na ginagamit nung hindi pa uso ang cell phone. Bigla tuloy bumalik sa ala-ala ko yung mga araw na halos puyatin ako nung nasabing radio bilang "control" sa isang guwardiyadong frequency. Ito ang YM (yahoo messenger) namin noon. Dahil sa nasabing radio ay nakakapag usap kami ng mga katropa namin na halos hindi mo pa nakikita (eyeball) at puro handle (alias) lang tawag mo sa kanila. (exemplum gratia: bulldog, sny, coyote, taruc, green apple, maxell, bonjovi).

Marami rin kaming napuntahang aybolan nung araw dahil na rin dito sa radio. Halos lahat yata ng eyeball na dinaluhan namin ay parang piyesta. Ang daming chibug at alak. Siempre pa hindi mawawala yung paandaran at palakasan ng set-up nung radio. Sa sobrang adik nga namin nung araw sa radio ay halos lahat ng lugar namin sa bahay ay may nakatenggang handheld unit.

Ang maganda pa dito, kapag rin lang may okasyon na karadyo mo, sigurado mamomonitor agad dahil isang "break" lang sa mga karadyo, positive na lahat ang location kung nasaan sila. Nawala lang ang hilig namin dito nung pumasok na yung mga pocket bell, easy com at ito ngang cell phone. Nagkikita pa naman kami nung ibang mga karadyo namin. Wala na nga lang kaming dalang mga handheld radios. Pagkatapos namin maghiwalay ay isa na lang ang sinasabi namin sa isa't-isa-10-55.


0 comments: