May natanggap akong forwarded chain e-mail, kung saan binatikos na naman ng kapwa noypi ang sarili niyang kakosa. Nung binabasa ko ang nasabing chain e-mail ay napagisip-isipan kong isang suntok na naman ito at isang hindi makalunok laway na katotohanan sa tunay na ugali ng noypi. - kulang tayo sa disiplina. Isang ehemplo na binigay nung naporward na chain e-mail ay yung hindi natin pagsunod sa simpleng batas trapiko. Katulad na lang nung paghinto ng ating sasakyan kapag pula na ang ilaw sa traffic lights. Nakakatuwa, kasi ako mismo ay madalas kong banggitin sa mga kasakay ko sa sasakyan, na kaya laging barado o trapik sa kakalsadahan natin ay dahil sa kawalan ng disiplina ng mga noypi. Pero madalas ko ding sabihin sa kanila na bakit kapag naligaw tayo sa loob ng subic ay sumusunod tayo sa batas trapiko nila.
Likas lang kaya tayong mga noypi na mahilig sumubok sa kakayahan natin na sumuway sa batas at matutuwa kapag tayo ay nakalusot dito? Pera teka, saan papasok ngayon yung kasabihan na "isa ang pinoy sa pinaka madesiplinang tao sa asia"? Tila yata palamuti lang ang kasabihang iyon. Ang natatandaan ko kasi noong araw, kapag inaabangan namin ang pagdaan ni pangulong marcos at kanyang alipores, kami ay sinasabihan ng mga guro namin na kumaway at iwagayway ang bandera ng pinas. Sa likod namin ay ang mga naglalakihang puting pader na may nakasulat na "sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan". But that was long ago.

0 comments:
Post a Comment