Ito ang maganda kapag long vacation, may oras ka para ayusin yung mga trabaho mo. Tapos tira ka ng "40 winks", then dayo sa mga katropa mong matagal mo nang hindi nakikita. Ganun nga ang naging iterinary ko. Masarap din kasi minsan yung nagkukuwentuhan kayo nung mga kababata mo. Ang nakakagulat lang minsan ay may mga hinahanap kang mga dating kapit-bahay, yun pala ay mga nadedo na. Bigla ko tuloy naalala yung isa kong katropa noon na mahilig gumitara. Sabi nga nung isang kasama namin sa kuwadradong mesa na mas masaya pa raw ang buhay noon. Kasi nga naman nung dati ay kaunting bote lang ng mumurahing alak at isang gasgas na gitara ay masaya na kami. Sabi ko nga, kasi noong araw ay "virgin" pa ang mga isip namin at wala pa sa aming lahat yung tinatawag na materyal na bagay. Isa lang ang layunin namin lahat dati-magkasama sama sa playground at kapag dumilim na ay tumira ng mumurahing alak at kaunting jamming. Kung jamming rin lang naman ang pag-uusapan ay hindi kami nabibitin jan. Marami sa mga kababata ko ang mahilig kumanta, kaya lang puro pinoy rock. Yan kasi ang mabenta noon. Hindi matatapos ang mga sessions namin ng hindi kakantahin ang "buhay musikero, dukha, nena, almusal". Plakang-plaka yan nung mga kababata ko na si Lando at Jay/Jojo. Yan ang lokal simon at garfunkel namin dun sa dati kong tinitirhan Sayang nga lang at maagang pumalaot si Jay.
Friday, August 21, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment