Kapag nagpapatugtog ako ng CD ay biglang bumabalik sa isipan ko yung isang kilalang tindahan ng cd jan sa makati noong araw. Dun kasi sa nasabing tindahan ay puede kang umorder ng mga rare cd releases. Kahit hindi naman rare cd basta yung mga hindi mo mabibili sa mga lokal music store natin ay kaya nilang kunin para sa iyo. Marami rin akong naharbat sa nasabing tindahan ng cd. Sa kanila ko naorder yung Bob Dylan "Good As I Been To You", Billie Holiday, John Lee Hooker, Killer Lord ng Lords of the New Church, Lou Reed Live, Angel Romero, Supertramp Live in Paris at marami pang iba na naestapa naman nung mga magagaling na audiophile kong kaibigan kuno. Sayang nga lang at nagsara na sila dahil na rin sa pagkalat ng mga P2P sa internet. Iba pa rin kasi yung habang nakikinig ka ng pamoso mong cd ay may binabasa kang pabalat. Hindi katulad nung mga downloaded na music, pag ikinasa mo na sa dedicated cd player mo ay nakatunganga ka na lang. Kasi wala ka man lang mabasang pabalat at kailangan mo pang igoogle yung artist para malaman mong yung buong album na pinapakinggan mo ay ni lip sync lang pala nung mga buset.
Friday, August 28, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment