Sunday, August 16, 2009

She roll back down to the warm soft ground


Habang tumitira kami (yes enday, kami-kasi two) ng malamig na serbesa at nanonood ng pat metheny concert sa two channel na home theater set-up ay biglang napansin ko ang isang paru-paro sa loob ng bahay. Sus parang ang haba yata nun. Neweis, bigla tuloy akong nag trip na naman nung makita ko nga yung butterfly. Naalala ko tuloy yung lugar namin nung araw kung saan nagkalat ang mga paru-paro at tutubi. Ito yung panahon na kung saan mababait pa ang mga pipol. Mahahalata mo naman na ok pa ang buhay nung araw, kasi mismong yung mga tutubi at paru-paro nga ay hindi natatakot sa tao. Kapag nga pinapanood ko sila habang nagpapalipat-lipat sa mga halaman ay bigla na lang silang dadapo sa balikat at sa ulo ko. Ngayon kapag nakakita ka ng paru-paro, halos makiusap ka sa kanila na lumapit sa iyo. Alam na rin siguro nila na delikado na ang buhay nila kapag nadikit sila sa tao. Kailan kaya babalik yung ganoong klase ng buhay sa tao, yun bang puro kapayapaan lang ang iniisip nating lahat. Ah siguro masyado na akong nakakarami ng malamig na serbesa. Ang galing talaga ni Pat Metheny lalo na yung version niya nung Insensatez.

0 comments: