Ito ang maganda sa panahon ng information technology. Kapag kasi may napagtripan kang isang bagay at gusto mo pang palawakin ang kaalaman mo dito, isang type mo lang sa google ay lalabas na lahat ang gusto mong malaman. Katulad na lang nung mapagtripan ko yung kalapati. Pagtype ko pa lang sa google ay isang rekwang impormasyon na tungkol sa kalapati ang bumulaga sa akin. May racing, giant, fancy, homer, burb, fantail, hungarian pigeon. Adobong kalapati, kalderetang kalapati, nilugaw na kalapati, lechong kalapati, turbong kalapati. Bigla tuloy dumumi ang isip ko at nag google naman ako nung salitang "kalapating mababa ang lipad". Ayun nadivert ako sa site ng mga-CONDOM.
Tuesday, August 04, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment