Saturday, December 25, 2010

Pasko 2010

Yahoohoo, Pasko na naman. Sarap ng feeling pag gising mo pa lang may naka ungaong nang namamasko sa iyo. Ang malupit pa nito ayaw na nilang makinig sa sinasabi mong "PATATAWARIN". Medyo demanding na sila, kasi nga naman pasko na, dapat magbigay ka na sa kanila, bulls@#%.


Ang isa pang maganda kapag pasko ay yung palitan ng palitan ng kung ano-ano ang mga party pipol. Kagabi nga, disperas ng pasko ay nakaligtas na ako sa hapunan. Nakikain na lang ako sa mga neighbor kong nagpapanggap na maging mabait na tao, kahit isang taon silang assh@#%.


Dun naman kina Ermat at Erpat ay nagkalat din ang chibug, may walang kamatayang menudo na kasing tigas na mukha nung naka ungaong na namamasko sa harap ng haybol ko. Tapos may mainit na sokolate na simula pa lang nung bata ako ay taon taon yata ko itong naiinom, kaya obese na tuloy ako dahil sa sokolate na yan. At siempre hindi mawawala sa mesa nila Ermat at Erpat ang hamon...hamon na bilog, hamon na haba, hamon na napanalunan ko sa raffle, hamon na bigay ng kapitbahay nila, hamon na bigay nung dealer ng Avon, hamon na bigay ng barangay, hamon na napanalunan ni Ermat sa perya at hamon na tira nung mga nag inuman kagabi. Mayroon ding quezo...quezo na bilog, quezo na haba, quezo na napanalunan ko sa raffle, quezo na bigay ng kapitbahay nila, quezo na bigay nung dealer ng Avon, quezo na bigay ng barangay, quezo na napanalunan ni Ermat sa perya at quezo na tira nung mga nag inuman kagabi.


Marami ring tinapay, gusto nyo malaman kung anong klase at saan galing yung mga tinapay? tinapay na bilog, tinapay na haba, tinapay na napanalunan ko sa raffle, tinapay na bigay ng kapitbahay nila, tinapay na bigay nung dealer ng Avon, tinapay na bigay ng barangay, tinapay na napanalunan ni Ermat sa perya at tinapay na tira nung mga nag inuman kagabi.

MALIGAYANG PASKO SA ATING LAHAT.

Sunday, December 12, 2010

food tripping sa haybol


Iyan ang maganda kapag kulang ka sa budget. Hindi ka nakaka-alis ng haybol.


Kaya kung ano na lang ang available sa ref (read: yung malapit nang mapanis) ay yun na lang ang gagawin mong tanpulutz.


Saan ka pa, binagoongan yan na puno ng liempo. Yung isa naman ay ang pinakamasarap na tapa na natikman ko.


Siempre bale wala lahat iyan kung walang katernong malamig na serbesa...sarap.


Saturday, December 04, 2010

Ermats etc



Paskong pasko na talaga ang klima sa pinas. Ang dami ko nang nakikitang naka saudi style na jacket. Ang maganda pa nito ay unti unti na ring napupuno ng krismas layts ang mga haybol. Nung minsan nga ay niyaya ko sina erpats at ermats na magbisita krismas layts kami. Ang dami kasing mga haybol na magaganda ang mga palamuti. Siempre tapos makabisita sa mga naggagandahan haybol, ang next naman namin agenda ay yung chibug. Isa rin ito sa mga kadugtong ng krismas ispirit. Hindi lang chibug kungdi nagsasarapang chibug. At kapag masarap ang bogchi, ang kasunod na niyan ay toma. 


Matapos naming maka chibug at kaunting toma ay kinuha ko na yung chit sa resto na pinasyalan namin. Nung marinig ni ermat yung salitang chit ay natawa siya. Sabi niya sa akin ay huwag mong isusulat yung mga salitang iyan sa blog mo dahil mahahalata ang iyong edad. Kasi nga naman puro ermat, erpat, chibug, toma, chit o kung minsan jefroks ang nailalagay kong salita sa blog. Kaya nung marinig ko sa ermat na pinagtatawanan niya ang lenguwahe ko ay tinignan ko siya ng direcho sa mata at sinabi ko sa kanya na "ELOW POH".


Saturday, November 27, 2010

food tripping at David's Tea House


Buwakanabits to pieces, kaya pala ganun na lang ang tingin sa akin nung "waiter" na babae nung umoorder na kami ng chibug dito sa David's Tea House. Kasi ba naman ang inoorder ko sa kanya ay yung Peking Duck at Sea Food Shabu-Shabu. Wala raw kasi sila nito, sabi ko pa naman ay matagal na akong kumakain sa resto nila. Kaya naman pala, yung hinahanap kong walang kamatayan Peking Duck ay sa Choi resto ako nakakain. Pero sigurado ko mayroon silang Sea Food Shabu-Shabu. Meron nga raw, pero sa ibang branch nila.

Buti na lang at pinalusot na ako nung "waiter" na babae, kungdi bibigwasan ko sana na kaunti. Neweis, para naman hindi mainip yung ibang gusto na ring umorder ng chibug ay nagtiyaga na lang muna ako sa Camaron Rebusado, Soy Chicken, Beef with Broccoli (my favorite, kaya hindi na umabot sa piktyuran) at sanrekwang falalays, read: sinangag na kanin na maraming sahog na tira-tira nung ibang customer.

Hoy bastos , tatlo kaming lumantak niyan, ano kala nyo sa akin matakaw?
 

Saturday, November 20, 2010

clones (i wanna be myself)


Ito ang mahirap kapag may kasama ka laging buraot, read: buraot hahaha. Madalas kasi kapag may kinakainan o dinadayo kaming tomaan at marami ang chibug/pulutan, siempre hindi mawawala ang digitalan, read: kodakan sa mga old school. Uso na kasi ngayon na bago mo laklakin ang mga chibug/pulutan sa harap mo ay kailangan idokumento mo ito para maipaskel sa networking site mo. Pandagdag yabang ba. Kaya lang ang problema ko ay karamihan sa mga kuha kong chibug/pulutan, ito ay una pang naipapaskel nung kasama kong buraot sa networking site niya. Kaya ako heto parang clone na lang yung blog ko dun sa nasabing networking site.


Hindi bale, wala namang masamang tinapay sa akin at saka pikyur lang naman yan. Isa pa bihira naman ang nakakabasa ng blog ko dahil ayokong ipabanggit ang blog ko sa mga istasyon ng tv at radyo. Baka kasi ito pa ang maging dahilan ng pagsikat ko at siempre kapag sumikat ka na, nanjan na ang mga tukso.


Yun bang mga tukso na ikaw na ang magpapatoma sa mga tropa mo, ikaw na rin ang sasagot sa pulutan ninyo at ikaw na rin ang...teka teka parang lyrics yata ito kapag kinakantahan ka sa araw ng bertdey mo...sayo ang alak sayo ang pulutan, hapi hapi hapi bertdey...naway malasing mo kami. Mga busetttt!!!

 

Monday, November 15, 2010

beer per view

Nampucha muntik pang madale ang idol ng mundo nung makorner siya sa "korner"?. Ang tinutukoy ko ay yung laban ni kuya manny at antonio. Sino ba naman ang hindi matatakot kapag nakikitan mong naiipit yung pinustahan mong manok. Buti na lang sampung piso lang yung pusta ko, kungdi baka mas una pa akong inatake sa puso kesa kay mommy dionie. Ang nakakatuwa lang sa history ng buong laban ni kuya manny ay napanood namin ang laban niya ng walang sangkaterbang sponsor. Kasi...huwag kayong maingay ha, PPV yung pinanood namin, kaya halos walang maka jingle at walang gustong kumuha ng malamig na serbesa sa refrigerator.

Kaya lang kapag kasi nanonood ka ng boksing at sinasabayan mo ng toma, iisa lang lahat ang gusto ninyong mangyari, mapataob ang kalaban at pulutanin. Ang kaso lang halos maubos na yung serbesa naming malamig ay hindi pa rin tumataob ang damuho. Buti na lang at malakas ang tilian ng mga neighbor kong nakaungaong sa bintana. Dahil kung hindi malamang ilipat ko na lang wowowee yung pinapanood ko.

Teka maiba ako, buhay pa ba ang wowowee...ENDAYYYYY, ber pa nga yung ice koeld.

Sunday, October 17, 2010

I love my HD-TV









Susana bagets, something is happening here but I don't know what it is, Do you, Mister Jones?. Nadadaanan ko lang kasi madalas ang mga telebisyon na ito sa mga mall. Wala naman akong masyadong interes, dahil sabi ko nga sa sarili ko, telebisyon lang ito. Pero nampucha, nung minsang bigyan ko siya ng pansin, iba na pala ngayon ang mga telebisyon. Tanda ko pa kasi yung unang color tv namin (radiowealth). Tuwang tuwa na kami. Kasi dun ko nakita kung ano ang totoong kulay ni moby dick. Yung mga pailaw doon sa "in concert" series kung saan napanood ko ang steely dan, jim croce, BTO (takin' care of business) at grandfunk railroad.

Pero ngayon mas iba ang mga pakulay ng telebisyon, para ka nang may sariling sinehan sa haybol mo, kulang na lang talaga ay softdrinks at popcorn. Sana tumama na ako sa lotto para makabili na ako ng 3D tv na may libreng ray-ban na shades. Sarap sigurong mag trip lalo na kung ang palabas sa 3D tv  mo ay...John and Marsha.

Thursday, August 26, 2010

dream machine

Susana bagets, ang tagal ko na palang hindi nabibisita itong blog ko. Kasi naman yung usong networking site nakaka adik (wala pa akong sariling account doon). Paano ka ba namang hindi maaadik doon eh parang libre boso na sa buhay ng tao ang tema nung site. Kasi ba naman bawat kilos nung mga may account doon ay kinukuwento nila at may kasama pang pictures. Iba na talaga ang panahon, lalong lumiit ang mundo. Sana balang araw mauso yung software o kaya ay chips, na kapag gusto mong maging dalubhasa sa pag gigitara ay ikakabit lang sa gilid ng ulo mo ala salonpas yung nasabing software o chips tapos nun magaling ka nang gumitara. Sigurado mas mahal kung ang gusto mong ikabit na software o chips sa ulo mo ay yung bang isa kang gigolo o sa tagalog-manyakis.

Saturday, August 07, 2010

bochaching

Anak ng tupz, ok na sana kagabi yung harapan namin sa kuwadradong mesa. Saan ka pa, may naharbat kasi akong adobong kambing, kilawing kambing at papaitang kambing dun sa kambingan sa siete. Kaya dala dala ang tanpulutz ay pinakontak ko na sa kay totoy buraot yung mga klasmeyt namin sa kuwadradong mesa. Pag dating nung isang klasmeyt namin ay nagpakuha agad ng tekalahats na malamig na serbesa. Yung isa namang kakosa namin ay magdadala daw ng crispy ulo ng baboy. Kaya kahit hindi pa ako nakakagoli ay nagbukas na agad kami ng tig-isang malamig na serbesa. Nung pangalawang bote na namin ay dumating na yung isang kakosa namin na may dalang crispy ulo ng baboy. YAHOO!!!, bigla tuloy nalaos yung dala kong kambing(s). Tira dito...tira doon...(mga ogags ibang tira naman yung iniisip nyo)...nung balat ng crispy ulo ng baboy. Kaya lang bakit parang may amoy yata yung crispy ulo ng baboy. Hindi ako nagpahalata dahil panay ang iskrimahan nung mga kakosa ko sa crispy ulo ng baboy. Tuloy ang bukas ng malamig na bote ng serbesa. Maya maya pa ay nakaramdam ako ng pangangati nung labi ko. Teka hindi ba sinyales iyun ng food poisoning?, para hindi na masira ang harapan namin ay sinabi ko na ang nararamdaman ko. Nung marinig nung mga kasama ko ang pangangati nung labi ko dahil sa crispy ulo ng baboy ay sinabi rin nilang parang ngang may amoy at ibang lasa yung crispy ulo ng baboy.  Ano yun nabigyan kami ng medyo luma ng crispy ulo ng baboy?. Hindi kami papayag niyan...kaya matapos naming laplapin lahat yung balat ng crispy ulo ng baboy ay ibinalot uli namin ito...para isauli at papalitan ng bagong lutong crispy ulo ng baboy. In short, inuman na naman uli  mamaya...YAHOOOOOO!!!

P.S-Kaya lang ubos na yung papaitan, inagahan ni totoy buraot...bad

Sunday, August 01, 2010

yankeedoodle

Ito mahirap kapag marami kang minimentain na social networking account, minsan napapabayaan mo na yung iba. Kasi naman halos magkakamukha lang silang lahat ng function. Ika nga sa gobyerno ay "redundant" na. Sabagay iisa lang naman lahat ang sistema nila, medyo binaluktot lang na kaunti para hindi magkademandahan. Katulad na lang nitong account ko dito at sa fb, pareho lang naman ito na puede mong isulat o iblog ang laman ng isip mo. Magkomento ang mga nakakabasa. Ilagay mo ang mga litrato mo habang kumakain ka sa pinakamahal na resto o kaya ay litrato mo nung mapasyal ka sa ibang lugar...in short payabangan na.  

Sunday, July 25, 2010

pls...pls...pls

Ang sagwa naman ng ulan, kung kailan araw ng mamam saka naman ito bumuhos ng malakas. Masarap nga sanang tumoma kapag umuulan, ang kaso lang ok sana kung nandun ka na sa haybol nung classmate mo sa kuwadradong mesa. Ang problema kasi ay hindi ako nakasibat dahil biglang bumuhos nga ang hinayupak na ulan. Ayoko namang maistock dito sa haybol dahil sigurado balagoong na naman ako sa kapupunas nung sahig dahil may tumatagas na naman sa kisame namin. Busettt, sana huminto na ang ulan...magkano kaya ang arkila ng tricycle papuntang kingdom come...huwahhh...huwag muna kayong mag-umpisa at darating ako diyan, promise.

Sunday, July 18, 2010

wide angle





Saturday, July 17, 2010

palengke day




Ito masarap kapag weekend, may time kang mamili sa palengke. Ang maganda pa nito ay may nadiskubre...aktuwali hindi ko nadiskubre ito kungdi binalikan ko na lang, kasi dati na akong namimili dito. Ang binabanggit ko ay yung isang sikat na palengke jan sa cubao, qc. Ang daming puedeng bilhin, kaya ako na mahilig mamalengke ay turo dito turo dun ang ginawa. Hayun nung matapos ang araw ay nakapag-uwi ako ng alimango, tatampal (alupihang dagat sa iba), ulo at laman ng kambing, bulalo, sugpo. Isa pa sa najackpot ko ay yung tapahing baka, dabest. May iba kasing nagtitinda ng tapahing baka, sasabihin sa iyo malambot yun, pero pag niluto mo parang suwelas ng sapatos. Pero yung nabili ko iba, dabest talaga at malambot. Ang maganda pa nito, ang daming isinamang taba. Tapos. 

Bukas laba naman...lungkot.

Sunday, July 11, 2010

aqualand

Huwahhhh, ayaw gumana nung set mode nung aqualand ko. Kasalanan ko ito, ang sabi kasi sa instruction ay huwag masyadong iistock ang nasabing yoyo dahil kailangang laging nakakapit ito sa mainit na katawan. Yung sa akin kasi ay halos ilang buwan o baka nga taon bago ko naisipang isuot uli. Hayun kaya nung maisipan kong isuot uli si kolokoy ay ayaw nang gumana nung set mode niya...gastos, gastos, gastos na naman ito. Sayang naman kung pababayaan ko na lang na masira ng walang kalaban laban. Ang mahal pa naman ng iskor ko dito at ika nga ng mga kolektor ay klasik na ito. Hindi bale baka naman nagtampo lang, siguro kung lagi ko uli siya isusuot ay baka bumalik sa katinuan niya yung set mode, dahil kapag hindi baka mawala ang katinuan ko...huwahhhh....


Tuesday, July 06, 2010

trip


Wednesday, June 30, 2010

(h)i(k)xus

Saturday, June 26, 2010

ixus






Wednesday, June 23, 2010

fml

Huwaaahhhh, ang bagal pa din magbukas ng blog ko, bakit kaya. Alam kong masyadong mabagal bumukas. Kasi habang hinihintay ko siyang bumukas ay nanonood ako ng local news sa tv. Alam nyo naman ang mga lokal na balita sa tv, magpapalabas sandali ng isang news tapos ay sankaterbang commercials na ang kasunod. Pero natapos na yung labing isang commercials/sponsors ay hindi pa rin bumubukas yung blog ko...ano na nga ba yung mabilis bumukas na site?...uniporn ba yun...oops wala yatang N.I yun.

Monday, June 14, 2010

bday


Paano ka ba naman gaganahang sumulat ng blog kung masyadong mabagal bumukas ang blog site mo. Sigurado akong hindi sa computer ko ito, kasi habang hinihintay kong bumukas ang blog site ko ay sumilip ako sandali sa facebook account ko...mabilis naman. Hindi kaya ako pinarurusahan ng blog admin dahil bihira na akong magsulat ng mga blog entry ko. Sayang ikukuwento ko pa naman sana yung bertdeyan na nasabitan ko. Hanep kasi yung naging tema nung bertdeyan, style japinoy  ang handa. Masarap din pala minsan yung tepanyaki party dahil kapag tamad kang magsalang ng chibug mo dun sa tepanyaki cooker, sigurado toguts ka. Dahil kanya kanya kayong salang sa tepanyaki cooker ng gusto nyong tanpulutz. Hindi bale, papanay panayin ko ang bukas uli ng blog site ko para maawa ang mga admin dito at bilisan uli ang "loading".



Friday, June 11, 2010

yahoo to hooya to yahoo ulet...part 2

Lahat yata ng trouble shooting ginawa ko na dito sa laptop, bunutin ang baterya, pindutin ng ilang sigundo ang power at saka buksan muli ang computer gamit ang saksakan na pang wall outlet. Buksan ang likod at bunutin ang memory card para ma reset ang computer. Pindutin ang f8 para lumiwanag ang screen monitor. Kung madilim pa rin ang screen, gumamit ng external monitor para malaman kung may depernsya ang laptop screen. Wala lahat silbi...nag research ako sa mismong website nila ng iba pang troubleshooting, re: laptop model at dun ko nalaman na kung walang magandang resulta ang mga nauna kong ginawa ay baka ang may problema ay yung backlight o inverter.

Sa parteng ito ay ayoko nang kalikutin ang laptop dahil medyo mabusisi na ito para sa akin (kahit alam kong buksan at kalikutin ang laptop). Kaya nagpasya akong dalhin sa service center sa isang mall sa north edsa (trinomall?).

Pagdating doon sa service center ang sabi agad sa akin nung chiching na kausap ko ay sira daw ang lcd monitor. Kung papalitan ko daw ito ay nagkakahalaga ng 17, 000+ (yes seventeen thousand plus). Ang sabi ko dun sa gagang kausap ko, under warranty pa ito. Ang sabi niya ang sakop lang daw ng warranty nila ay yung mga binili sa asian countries. Pero kung canada at sa U.S.A daw binili ay hindi raw nila sakop at kailangan ko daw iship ang laptop uli sa tate.

Ok lipat ako sa isa pang gawaan ng laptop sa SST (tandaan nyo ang pangalan nito). Ang sabi nung mamang kausap ko ay may diagnostic charge daw sila na 400 pesos. Kung sakaling sira naman daw ang inverter ay papalitan ito sa halagang 3,500. Paano ko malalaman kung sira ang inverter?. Ang sabi nung kausap ko, iwan ko daw ang laptop at balikan ko after 7-10 days para malaman kung sira ang inverter. Inverter lang 7-10 days? kung may gamit lang ako baka kanina ko pa binuksan yung laptop.

Kaya ang last resort ay puntahan ko yung gumawa ng luma kong laptop dun din sa nasabing mall sa north edsa. Pagdating doon ay sinabi ko na agad sa gumagawa na dun na lang kami magconcentrate sa inverter o backlight. Baka kasi nag loose lang ang connection o na stress lang sa biyahe (jet lag). Binuksan ni kolokoy yung laptop kahit kinakabahan siyang baka raw ma void ang warranty. Sabi ko wag mo nang isipin ang warranty basta ang mahalaga ma reset natin ang inverter dahil baka nag loose lang. Yun na rin naman ang nabasa ko dun sa troubleshoot site nila.

After one hour...YAHOO, bumukas na, kaya sabi ko ibalik na lahat ng takip para makalayas na ako. Nung maibalik ang takip at lahat ng abubot sa laptop ay sinubukan uli naming buksan...HOOYA, ayaw na namang bumukas at blank screen na naman. Ika nga ni zorro, back to zero. Kaya ang naisip kong solusyon at lagyan ng electrical tape yung inverter at yung kinakabitan ng video card....YAHOO, uli dahil ok na siya (my fingers are crossed-dahil under observation pa rin ang laptop)...total gastos? P300.00 pesos pang jollibee nung nerd na geek o geek na nerd, whatever. P.S-this blog was written using the laptop na. 
 

Tuesday, June 08, 2010

ulan...bumuhos ka...huwag lang sobra

Yehey, umuulan na naman. Ito masarap kapag tag-ulan, kahit medyo bitin ka sa outdoor gimik, marami ka pa ring magagawa sa indoor. Hindi yung iniisip mo enday...kahit kailan bastos ka talaga. Ang sinasabi kong puede mong gawin indoor kapag tag-ulan ay...maari kang mag update ng facebook account mo, mag blog katulad ng ginagawa ko ngayon, mag ba...busettt, hindi yun.

Neweis, isa ko sa natutuwa kapag naririnig ko ang patak ng ulan sa bubong namin, kasi kahit wala kang ercon sa haybol, pakiramdam mo ba parang ang lamig lamig ng hauz mo. Saka ang tunog ng patak ng ulan sa bubong ng haybol ay parang musika sa akin, nakakawala ba ng stress. Ipipikit ko lang ang mata ko habang pinapakinggan ko ang patak ng ulan sa bubong. Tapo saka ako magtri-trip na kunyari ay nasa isang malayong isla ako at nakahiga sa isang hamock, hammuck, hammock ah basta sa isang duyan na gawa sa plaridel bulacan...ang sarap.

Kaya lang may downside minsan ang pagtri-trip...isa na rito yung kapag pumasok na sa ulo mo yung salitang chicks o sa tagalog magandang dilag. Doon natatapos ang masarap na natures tripping at biglang napapalitan ng maniac rainy tuesday. Busettt, nasaan na kaya yung plaka ko ni florante at mapakinggan na lang. Sabagay maaga pa naman, puede pang magbukas ng isang malamig na serbesa na naiskoba ko dun sa mga nabunsol na katomaan ko eons ago.

Monday, June 07, 2010

yahoo to hooya to yahoo ulet

Susana bagets, kala ko pa naman fiesta time na uli nung kunin namin yung padalang laptop ni agent OS (our U.S asset). Kasi ba naman ang sabi niya, ang ipadadala lang daw niyang laptop ay yung mga iniwanan na ng mga egoy sa basurahan. Kaunting linis lang naman kasi iyon ay para na ring bago. Pero nung makita ko yung padalang laptop ay laking gulat ko. Kasi obags na obags pala, may sense of humor din talaga itong si agent OS.


Neweis, nung makuha na nga namin (yes, namin-two kasi kaming kumuha) ang nasabing item ay dali dali naming iniwan ang lugar kung saan nagka abutan ng item. Sa loob ng sasakyan ay binuksan namin ang laptop at viola, blank lang ang screen. Whathappenmydear? para kaming nabuhusan ng malamig na tubig. Kasi nakakasa na yung serbesa sa ref bago pa man kami umalis at plano pa naming umiskor ng benkabs sa commonwealth para may tanpulutz.


So ang masaya sanang pagdating ni laptop ay napalitan ng kaunting poot, galit, pag-aalala, kawalan ng tamang pag tulog, kawalan ng ganang kumain at higit sa lahat kawalan ng ganang uminom ng malamig na serbesa. Pero ano nga ba ang nangyari bakit nagkaganoon si laptop? Una-baka nakalog sa erplane, dahil walang ingat ang mga nagkakarga ng bagahe; Pangalawa-baka lowbat lang kaya dali isaksak; Pangatlo-Oops, ano ito? 125 volts ang nakalagay sa wire pero may adapter na 100-240 v; Pang Apat-Siguro kailangan munang ipahinga, dahil baka na stress sa biyahe.


Huwahhhhh!!!anim na oras ko nang sinusubukang buksan, pero blank screen pa rin. Punta nga sa google at itype ang model nung laptop at enter yung help. Ayun, alisin ko daw ang baterya at pindutin ng ilang segundo ang power. Isaksak ang wall power (AC?) pero huwag muna ang baterya, tapos pindutin uli ang power. Pag bumukas ay...wahhhhh, blank screen pa rin. (kumakalabog na ang puso ko at naggagalawan ang mga ugat sa ulo ko). Ito pa isang instraction, intrution, instruction ah basta ito pa isang sabi dun sa internet...kung ayaw pa ring bumukas o itim pa rin yung "TV" nung laptop, kabitan ng ibang monitor (external), kapag bumukas sa external monitor, maaring sira ang lcd ni laptop. Huwahhhh uli, huwag naman sana...please. Ayun bumukas, pero sa external monitor lang puede, ngayon ang sunod na sabi dun sa internet, suriin kung sira ang inverter o nag loose. Ah labas na ako diyan, sige buksan mo pa yung dalawang malamig na serbesa at bukas na natin isipin kung ano ang mainam diyan sa...e22loy.

Tuesday, June 01, 2010

4-6-20-47-49-52

Buti na lang kahit na miss ko yung tugtugan nung jdlc band sa tiendesitas ay humirit pa sila ng isa pa ring tugtugan. Ito naman ay ginanap sa my brother's mustache. Kaya lang nga, hindi ito jdlc band kungdi wally and friends. Kasi wala doon si tatang mike (o kay sarap namang isipin...o kay sarap namang tignan). Pero parang kalahati na rin ito ng jdlc band, kasi kasama naman dun sa wally and friends si tatang joey (kung nakinig ka lang sa akin noon...hindi na sana nagyari ito ngayon).

Ang maganda pa nito, bukod kay tatang joey at wally, may hatak pa silang mga chiching na puro white leghorn ang lahi. Ika nga pinay na puti, dalawa yung sumampa sa entablado, isa na roon yung ala meg white pumorma na drummer at isang singer na nasobrahan ata sa gin bulag (tequila to them). Siempre pa hindi mawawala yung mga hippies na laging nakaungaong sa mga tugtugan ni tatang wally at joey.

Iba pa rin talaga kapag mga agila ang nasa ibabaw ng entablado, tonohan pa lang ay kala ko simula na ng "x'cuse me while i kiss the sky". Napasarap tuloy ang toma namin nung kasama kong rockers na buraot. Sa sobrang enjoy nga ay panay ang kuha ng pictures dun sa cellphone niya, pangyabang baga sa fb account.

Ang masama lang ay nung maparami na ang naiinom namin, para bang biglang nabigyan namin ng pansin yung chiching na drummer. Noon ko lang kasi napuna ito, ilang beses ko na ring napanood si wally na ito ang pumapalo sa kanya. Pero nung gabing iyon ay tila lumakas yata ang amat ko kaya napuna ko siya.  Sabagay wala namang masamang tumingin sa maganda, seksi at magaling pumalo ng drums. Pati nga yung kumanta ng CCR na chiching, kahit medyo sumobra ang awit niya kahit hindi pa dapat pumasok sa tugtog ay pinalusot na rin namin...seksi eh.

Neweis, ayokong mangarap ng naka inom, pero isa lang ang obserbasyon ko, kapag si tatang wally ang nasa entablado...puro anak ng cono at cona ang mga hila hila niya sa entablado. Kanya kanyang suwerte iyan eh...more...more...more...

Wednesday, May 26, 2010

add as friend

Waaaahhhh, alas nuebe na nandito pa rin ako sa haybol. Isang oras na lang at sasalang na ang juan dela cruz band sa tiendesitas. Kasi naman bakit tinapat pa nilang miyerkules ang libreng tugtog nila sa nasabing lugar. Puede naman iyong gawin biyernes para mas marami ang makapanood dahil kinabukasan ay walang pasok sa opis. Hindi naman kami mga bossing sa opis para puedeng tanghaling pumasok o kaya ay mga business pipol na kahit hindi dumating sa opis ay makakachibog pa rin ng tatlong beses isang araw.

Ang ganda pa naman sana ng plano ko tonite, uupo ako malapit sa stage na pag gaganapan ng free concert ng jdlc. Oorder na malamig na serbesa, yung pula hindi puti at saka isang sizzling sisig. Tapos kapag nagsimula na yung free concert ay saka uunti untiin kong tutunggain yung isang boteng malamig na serbesa ko. Eksato yun bago makatapos ng set ng jdlc ay ubos na rin yung isang boteng malamig na serbesa ko at siempre pa may tirang sisig. Monay na lang ang katapat nung tirang sisig pag-uwi ko ng haybol para mag midnight snack.  

Nagpagawa pa naman ako ng tshirt (kulay black) na may tatak na juandelacruz@yahoo.com tapos sa ilalim ay may add as friend. Yun pa naman sana ang plano kong isuot ngayong gabi sa free concert. Pero teka parang hindi ko yata nakikita ang nasabing tshirt ko, pinalabhan ko na ito nung isang araw, isang suot ko pa lang ang tshirt na iyon. Nasaan na kaya siya, hindi kaya nasikwat na naman nung mga pumapasok dito sa looban namin at nagpapanggap na magtataho? Waaaahhhh, alas nuebe na, bigla ko pang naalala na nawawala yung bagong tshirt ko. Busettt!!!

Saturday, May 22, 2010

where am i

Susana bagets, muntik ko nang hindi mabuksan tong blog account ko. Kasi naman bakit dapat pang habaan ang mga passwords ganung ako lang naman ang gagamit nitong blog ko. Wala namang interesadong bumasa ng mga laman nito. Si kuya bill naman ay busy na sa kanyang bagong bisyo, yun bang maging pilantropo. Kaya nagtataka ako kung bakit sinabihan pa akong palitan ko raw ng malakas na password ang aking blog account. Hayun kapapalit ko ay nalimutan ko tuloy. Buti na lang at hindi ko pa naitatapon yung tissue na ginamit namin dun sa beershaus. Doon ko kasi isinulat yung bago kong password...moral lesson, huwag magpapalit ng mahabang password kapag tumotoma...busetttt!!!


Sunday, May 09, 2010

TFF

Susana bagets hindi pa rin ako makarekober dun sa naganap na tears for fears na concert. Paano ba naman, kala ko osla na sila kaya bigla silang napasyal sa pinas. Alam nyo naman ang mga international artist, kapag osla na sila dun sa mga lugar ng mayayaman ay saka lang pumupunta dito sa atin para mamalimos ng kaunting barya.

Kaya ganun na lang ang gulat ko nung naghahanap ako ng tiket na medyo mura pero halos matalsikan na ako ng laway nung tumutugtog na banda. Laging gulat ko nung sabihin sa akin nung ale na ubos na raw yung tiket na halos kita mo na yung bakat na yagbols ni orzabal. Pero teka sabi ko sa ale, hindi na naman sikat yan bakit ang bilis maubos ng tiket?. Uso pa rin ba ang iskalpel sa araneta? Hindi bale, ano pa ang available na tiket...yun na lang pong GA...GA as in OGAGS? hindi po, GA as in Gabundok Akita.

In short, dun ako sa tuktok na halos abot ko na yung kisame nung araneta...di bale na lang oy, sa inyo na lang yang TFF nyo. Magtitiyaga na lang ako sa plaka nung dalawang majondang musikero at bibili ako ng malamig na serbesa.

Babalik pa kaya uli sila rito para makabili agad ako ng tiket, kahit dun man lang sa UB.
 

Wednesday, April 21, 2010

Oh La La


This is my first swimming party (and hopefully not the last) of the summer of year 2010. Nothing special; all the planning was hush-hush. Before we went to the pool, someone suggested that we buy a roasted pig (everybody's favorite). So off we went (there were two of us) to Elars and Elarz to buy a whole lechon, but luck ran out on us. It was very early and there was no available whole lechon for sale on that day. Next in mind was Ping-Ping, and the next thing we knew, the lechon was being loaded in the back of mah car.


We then proceeded to go to the suki market to buy some "healthy seafoods". In the list of must-buy "healthy seafoods" was: talaba (clam shell), alimasag, alimango, tuna belly, sugpo (for sinigang), and the never say die tilapia. I almost fainted just by looking at those "hell-ty seafoods".


After bringing the car at neck-breaking speeds, we  reached our destination, after which we unloaded our foods and drinks (the drinks were smuggled inside the resort, in cahoots with the resort security). All "healthy seafoods" were grilled Pinoy style (yung medyo sunog) and then the sugpo was made into sinigang. After cooking the foodz, and taking pictures of all of it (along with the drinks [para may panyabang sa Facebook]), it was now the time to attttackkkkk!!!!


Sorry guys, i have to post this blog now, dahil baka maubusan na ako ng mga choicest part ng lechon and the aligi of alimango.

Sunday, April 11, 2010

Summer...it turns me upside down

Susana bagets, matatapos na ang tag-init ay hindi pa rin ako nakakapag swimming. Bakit naman kasi yung mga resort owner ay masyadong pinagtataasan ang kanilang mga rates kapag peak season. Masyado naman silang nananamantala. Ok lang sana kung US dollar o Kuwait Dinar ang sinasahod ko. Kaso nga yung sahod ko kulang pa sa pambili ko ng aspirin. Dapat siguro magkaroon naman ng batas sa pinas na kapag local tourist ka o kaya ay pinoy pagpag eater ka, kahit man lang sana 50% ay bigyan ng discount. Ang nangyayari tuloy kapag may nagtanong na foreigner kung napasyal na tayo sa mga magagandang beach sa pinas ang laging sagot ko lang sa kanila ay-was it here in the philippines, you f@%&in i*#@t.

Teka nalift na ba yung ban na bawal maligo dun sa breakwater sa roxas boulevard. 

Thursday, April 08, 2010

:-(

hibernate mode

Monday, April 05, 2010

potang pinoy style

Bakit kaya hindi magkaroon ng batas sa pilipinas na dapat ay magpaskel ng presyo sa bawat paninda, serbisyo o kung ano pa man ang raket mo. Napupuna ko kasi na nag iiba iba ang presyo ng mga tindero o yung nagre repair ng mga gamit natin depende na rin sa istura nung namimili o nagpapagawa. Alam naman natin ang mga noypi, masyadong mapagsamantala sa kapwa niya noypi. Isa pa siguro, kung sakaling may ipagagawa kang sirang gamit, bago sana nila ito ayusin ay sabihin agad kung magkano ang magiging gastos mo. Madalas kasing praktis sa atin ay tatanggapin niya yung gamit mong sira ay kukutingtingin, tapos kapag nagawa na ay sisinuhin ka kung kaya ka niyang gulangan sa presyo. Kapag naman tumawad ka sa hinihingi niyang presyo ay bababuyin na sa susunod ang ipagagawa mo. Ganun din sa mga tindera sa palengke. Subukan mong bumili ng isda o karne sa palengke na maayos ang suot mo at mukhang palaban kang gumastos. Sigurado ang presyo nung tinda niya ay biglang tataas. Pero magpalipas ka ng oras at magpalit ka ng mukhang gusgusing damit. Kita mo medyo mababa ang presyo ng tinda niya pag lapit mo. Kung magiging matapat lang sana tayong mga pinoy sa isa't- isa, baka gumanda nang kaunti uli ang buhay nating lahat. SANA.

Thursday, April 01, 2010

just another holy thursday (to the tune of manic monday)

Today is Holy Thursday, the day before Jesus will be nailed again (as seen in hundreds of re-enactments in different parts of the country). Nailing is one of the most painful things that a man/woman can do to him/herself, and is done to show his/her devotion to Him. I won't argue with their ways but in my opinion, there are lots of ways to show our devotion to one's religion. And nailing is not one of them. PEACE.

Tuesday, March 30, 2010

close up