Monday, January 05, 2009

Hey you

Pasukan na talaga, hindi na puedeng hadlangan, masyado na kasing hawa kung unang araw pa lang ng pasok ay naka leave ka na agad. Ito lang ang mahirap sa mahabang bakasyon, ang lakas ng flashback mo. Ang nakakatuwa lang naman kapag unang araw ng pasukan ay medyo atat ka uling magtrabaho at siempre pa yung kamustahan nyo uli ng mga kasamahan mo. Sino ba ang tumaba kakakain ng lechon at katotoma ng serbesa. May naputulan ba ng daliri dahil sa paputok. Ang downside lang ay nung makita ko ang dami ng trabaho ko na natengga, parang gusto ko tuloy gamitin agad ang force leave ko, busettttt.



0 comments: