Saturday, January 27, 2007

accidental tourist part 2


prancing along crisologo street vigan


side trip to vigan


Pagudpud means pagud ka na pudpud pa gulong mo


whiling away the time at terra rikas


top view of pagudpud


guess where i am?

January 23, 2007-Madaling araw pa lang ay nagising na ako, hindi dahil sa maaga talaga akong magising kundi dahil na rin sa ingay nung babae at lalaking nag-aaway sa katabing kuwarto namin sa marjs hotel. Pilit ko pa ring hinahabol si haring tulog pero hindi na ko nakahabol pa sa kanya, kaya naisipan ko na lang laruin ang ti err ang timer ng relo dun sa hotel. Maya maya pa ay kinatok na kami nung mga kasama namin. Pagtapos naming magsipag ayos ay tinungo na namin ang pakay namin dito sa isabela. Matiwasay naman naming natapos ang trabaho kahit medyo mabusisi ang unang sultada. Papalakad na kami pabalik ng maynila nang ako ay tawagin ng hepe ng gamu isabela at sabihing huwag kaming dumaan sa santiago dahil nandun ang balwarte ng aming nakasagupa sa trabaho. Agad ko itong ipinaalam sa mga kasama ko at napagkasunduan namin umikot sa likod o dun sa tugegarao cagayan papunta sa Ilocos Norte. Sinimulan na naman namin ang walang sawang paglalakbay. Maraming magagandang lugar at tanawin kaming nadaanan, nandiyan ang hanging bridge sa magapit, ito halos yung boundery papuntang aparri, mga picturesque ala amorsolo painting ng mga nagtatanim ng palay at walang katapusang bukid, bukid at bundok. Hapon na rin ng marating namin ang boundery ng Ilocos Norte. Marami na ritong magandang tanawin habang binabaybay namin ang kahabaan ng kalsada ng Ilocos Norte ay napagkasunduan ng grupo na magpalipas na lang ng gabi sa Pagudpud. PAGUDPUD? sabay sabay naming nabigkas. Hindi ba ito yung parang, yung bang, parang madalas kong marinig itong lugar na ito. Bigla ko tuloy natanong sa mga kasama ko kung maganda ba ang lugar na iyan, pero hindi nila alam nakabihis na ako ng pampaligo ko. Pagdating namin sa Pagudpud ay naghanap na muna kami ng puedeng tulugan, ang una naming pinuntahan ay ang Saud Beach Resort and Hotel, medyo madugo ang presyo nila para sa isang gabing tulog lang namin, kaya naisipan naming humanap pa ng iba. Ayos na sana kami sa Villa Del Mar Ivory Beach Resort, kaya lang ay wala silang mga lutong ulam at ang totot nun ay masyadong mahal ang beer nila, kaya lumipat kami sa emoh rou (binaliktad na Our Home). Sikat ang kanilang Terra Rika's restaurant dahil na rin sa masarap na luto at mababait na staff, bukod pa rito yung personal approach nung mismong may ari ng naturang hotel kaya ang dating mo ay parang close talaga kayo. May katabi itong kainan ang La Helene restaurant sa Apo Idon, pero kakaunti lang ang kumakain dahil na rin daw sa mahal at hindi masarap ang luto sabi nung kalaban nilang resataurant. Pero sa aking pagtatanong ay napag-alaman kong magkapatid pala ang may-ari ng La Helene at Terra Rika kaya lang ang nag-aaway ay yung mga staff nila asus chismis pa yun. Dahil na rin sa gabi na nga ay hindi na rin naming nagawang maligo sa dagat kaya naisipan na lang naming magdasal err mag inuman sa Terra Rikas at siempre pa pulutang ilocos and kinuha namin katulad ng papaitang kambing, igado, dinikdikan, bagnet with sukang iloko, isaw na hindi ko maunawan ang luto, sisig, sizzling bulalo at french fries.

Thursday, January 25, 2007

accidental tourist

January 22, 2007-maaga pa lang ay nakahanda na ako para tumungo sa napag-usapan naming lugar ng mga makakasama ko para sa isang "provincial assignment". Pagdating ko sa lugar na napag-usapan na magkita kami ay namataan ko na agad ang aking mga makakasama. Sa limang tao na nadatnan ko sa nasabing lugar, isa lang ang nakilala ko, siya si Tony, dati nang kakilala ang iba naman ay ipinakilala sa akin at ito ay si Don at Joey mga kasamahan ni Tony sa isang ahensya at ang dalawa pa ay nakilala kong si Boy, driver alalay ni Tony at isang chiching na asawa pala ni Tony. Matapos ang pakilanan ay sinimulan na naming tumungo sa probinsya na pupuntahan namin lulan ng isang van. Hindi pa man kami nakakalayo ng biyahe ay nag-aya na agad si Tony na dumaan sa isang gasolinahan para mag-agahan. Kaya napagkasunduan naming kumain muna sa isang chicken house na may tatlong letra lang ang pangalan. Pagkatapos ay sinimulan na uli namin ang aming biyahe. Pagkatapos ng halos siyam at kalahating oras na paglalakbay ay narating na namin ang Gamu Isabela. Medyo madilim na kaya naisipan na namin na magpahinga na muna kaya nagtungo kami sa Ilagan para humanap ng matutulugan. Doon ay may isang sikat na tulugan o yung tinatawag na hotel com apartelle, ito yung marjs hotel, isa itong 5 star hotel, pero kung iyung oobserbahan para lang itong isang pipitsuging inn kung ikukumpara mo sa mga 5 star hotel sa manila. Sa itaas ng marjs hotel ay mayroon silang inuman o yung rooftop garden kung tawagin nila, native ang motiff para kang nasa isang malaking bahay kubo at ang mga upuan ay gawa sa kawayan. Paborito itong inuman ng mga taga Ilagan Isabela dahil na rin sa masarap ang pagkain/pulutan at mura ang inumin. May tumutugtog din dito at puede kang kumanta kung gusto mong maki jam sa kanila.

Friday, January 19, 2007

mga buwaya

Nagkaroon na naman ako ng pagkakataon na makapamasyal sa isang kilalang mall dahil na rin araw ng biyernes at kinabukasan ay walang pasok. Ang una kong napansin nang nag-iikot na ako sa loob ng mall ay ang di pangkaraniwang dami ng tao sa Lacoste Store. Dahil na rin sa pagigiging tunay na pinoy ko (read: usisero), ako ay pumasok din sa naturang shop upang alamin kung ano ang nagaganap na kaguluhan. Pagpasok ko ay napuna ko na wala namang dapat ikataranta ang mga tao at lalo namang di dapat sila magsiksikan dahil wala namang sale ang naturang shop. Isa isa kong sinilip ang mga tinda nila at kung magkano ang mga presyo, halos himatayin ako sa nakita kong halaga ng isang pirasong polo shirt. Ganun na pala kamahal ngayon ang mga branded na polo shirt, halos katumbas na ng kinsenas kong sahod ang isang polo shirt nila. Bigla ko tuloy naalala yung nabasa kong isang article sa internet para ipaalam sa mga tao ang pagkakaiba ng tunay na lacoste shirt sa pekeng lacoste. Ang orig palang lacoste ay mother of pearl or MOP ang ginagamit na butones at ang mga butones ay walang tatak na lacoste at yung logo ng buwaya. Tapos ang sukat pala nito ay hindi XL, L, M o S kungdi numero katulad ng 3, 5, 7 etc kung US made at 35, 36, 36 etc kung European made naman. May nagsasabi namang kapag tatlo raw ang butas na lalagyan ng butones ay peke ito. Dito ay hindi ako sang-ayon dahil mismong si Totoy Lacoste ang nag-iisang anak ng founder ng lacoste ay ipinaliwanag sa akin ito. Yun daw dalawa lang ang butas sa lalagyan ng butones ay tinatawag nilang lacoste comfort fit at yung may tatlong butas naman ay yan yung lacoste classic. Nakakainis kasi kapag halos kalahating buwan na sahod mo ang ipinangbili mo ng isang pirasong polo shirt tapos peke pa pala ang mabibili mo. Isa sa pinakamabuti niyan ay dapat kung bibili ka rin lang ng ganyan kamahal na t-shirt dapat ay bumili ka lang sa mga tinatawag na authorized reseller para hindi ka mapeke. Pero ang sigurado ako, kapag peke ang lacoste, ang nakalagay na logo diyan ay ibon.

Wednesday, January 17, 2007

I'll wait

Nakita nyo na ba yung bagong cellphone na gawa ng apple. Ito yung iphone kung tawagin nila, malupit ang itsura, sa tingin ko ay kasing lapad nung dating palm pilot at kasing nipis naman ng toshiba pocket pc. Ang maganda pa nito ay 3 in 1 siya dahil mayroon ka nang telepono, ipod (kung mahilig ka sa music) at internet connectivity (kung mahilig ka namang mag surf sa FHM). Ito na yata ang holy grail ngayon ng cellphone, bigla tuloy akong nawalan ng gana sa 3210 ko. Nagkalat na sa internet ang picture nito pero ang balita ay middle of 2007 pa ang labas nito sa ibang bansa at sa asia naman ay baka 2008 na dumating dito. Siempre dahil sa bago ang istilo nito medyo mahal pa ang presyo niya, kaya malamang ang magkaroon lang dito sa pinas ng ganyan ay yung mga snatcher err i mean yung mga nasa mataas na lipunan lang. Nagtataka nga ako dito sa pinas, napakahirap na bansa natin pero lahat ng magagandang cellphone ay dito mo makikita. Masarap din talaga ang maging mayabang. Dito kasi sa atin, di bale nang huwag mananghalian basta meron lang tayong pang load at pang porma sa cellphone natin, diba yung iba nga diyan ay binibihisan pa nila ang cellphone nila para kakaiba nga naman ang porma. Pero subukin mong sundan yung may magandang cellphone dito ng isang buong araw, kita mo halos hindi nagmemeryenda yan at sa bus na hindi aircon sumasakay. Pero pag dating sa opisina niyan, nakatodo pa yung ringing tone niya na boom tarat tarat. Mabalik tayo sa iphone, isa pala sa magandang feature nito ay yung touch screen lang siya, kaya kahit hindi ka marunong gumamit nito ay madali mong matututuhan. Kaya lang parang ang tagal naman yata ng 2008, meron na kayang tinda nito sa quiapo.

Monday, January 15, 2007

every sha la la la la, every wo wo wo wo

Nahalukay ko sa ilalim ng kama ko yung nabili kong magic sing. Medyo matagal na rin itong magic sing, year 2004 pa ito nung bilhin ko pero ngayon ko lang uli naalala dahil na rin sa pangungulit ng mga kasama ko sa bahay na subukin uli naming gamitin. Bihira ko kasing gamitin ito dahil na rin sintunado ang boses err ang magic sing na yan. Pero siempre sayang naman kung hindi mo gagamitin at ang sabi naman nila konting praktis lang yan at masasanay ka na rin. Kaya napapayag na rin nila akong ilabas uli ang magic sing. Para naman hindi nakakahiya sa mga kapitbahay namin, ito ay dinala ko sa bahay nila ermats/erpats para dun kami magpapalahaw. Sa unang sultada, ang mga namayani ay yung marurunong umawit pero papadaig ka ba naman sa mga yan. Kaya itinono ko muna yung boses ko at hinaluan ko ng limang boteng malamig na serbesa. Ayun nahati namin ang mike nung magic sing kakaagawan kung sino ang kakanta.

busettt hindoropot

May kumakalat na namang virus sa internet ang pangalan niya ay Exploit.ADODB.Stream.AK at inaatake nito ang ating mga documents at settings, yung mga lokal setting at application data. Pumapasok ito dun sa tinatawag nating cache sa computer kaya pagbukas mo palang ng computer mo ay bubulaga na agad sa iyo ang buwakanginang bayrus na to. Halos dalawang araw din akong nakipaglaban sa naturang bayrus. Kinontak ko na rin mismo yung mga tech engineers para ipaalam sa kanila ang naturang bayrus at nagawan naman nila ng paraan pero pagbukas ko ng computer kanina ay eto na naman ang busettt hindoropot.

Thursday, January 11, 2007

kami naman ay mga binata pa naman


this shot was taken last new years eve subject for approval by San Miguel Corporation for their 2007 calendar


hagibis reunion?

Sunday, January 07, 2007

Lost in translation in Bangkok

While waiting for my group at the night market, two girls approached me and this is what transpired next:

girl 1: Sir you want suck?
moonshiner: Yeh how much
girl 2: thirty bah (silent T) pair
moonshiner: you mean both of you for thirty baht only?
girl 1: what you mean both of us?
moonshiner: you've just offerred yourself for thirty baht, you know sucking, fucking its like oohh, aahh, give it to me...(then I did some pumping motion).
girl 2: (while laughing) no sir we offer you sock, thirty bah for a pair of sock.
moonshiner: buset umalis nga kayo sa tabi ko at hindi ako nakakaintindi ng ingles at marami akong medyas sa bahay busetttt hindoropot.

Inside a thai restaurant:

moonshiner: (calling one of the waiter) amigo do you have a soy sauce and kalamansi?
waiter 1: sosos and what? no thank you
moonshiner: (calling another waiter) hey do you have a soy sauce and kalamansi?
waiter 2: ok chili sosos come right
moonshiner: no not chili sauce, what i mean is soy sauce, toyo and kalamansi.
waiter 3: what do you want sir?
moonshiner: toyo and kalamansi
waiter 3: Ah kalamansi panghalo sa gin, sandali lang pare hahanap ako.

Saturday, January 06, 2007

Postcards from Bangkok






Four nights in Bangkok makes a hard man humble


omar suarez look a like, kup khun krap boonlert


thai police sandwitched by pinoy buddhas


Bangkok-January 04, 2007- Nakaempake na kami at handa na uling bumalik sa bansang sinilangan. Bumalik na naman sa akin ang kalungkutan sa pag-iisip na babalik na naman ako sa lugar na puro ngiti lang ang puhunan ng mga tao kahit medyo gutom. Malaki ang panghihinayang ko sa pinas dahil alam kong kaya rin nating paunlarin ang ating bansa kung may disiplina lang tayong lahat at kung gagawin talaga ng mga nakapuwesto sa gobyerno ang mga trabaho nila kesa ubusin nila sa tiryahan ang mga oras nila.Pero ayokong sirain ang araw ko kaya kinalimutan ko na muna ito habang naghihintay kami ng sasakyan naming eroplano pabalik sa aking bayang sinilangan.

Pagsakay namin sa eroplano at nang umangat na ito ay muli kong sinilip ang kabuuan ng bangkok at nagpasalamat sa magandang asal at kilos nila habang binibigkas sa isip ko ang mga katagang Bangkok, Oriental setting and the city don't know that the city is getting, the creme of the chess world is a show with everything but Yul Bryner. Time Flies-doesn't seem a minute, since the Tirolean spa had the chess boys in it. All change-don't you know that when you play at this level there's no ordinary venue. It's Iceland...or the Philippines... or Hastings...or...or this place! sabay sipol ng kantang Bayan Ko.

I can feel an angel sliding up to me


cool chicks inside Damnernsaduak Floating Market souvenir shop


cool chick aboard one of the banca along Damnernsaduak Floating Market


warning: handle with care


on the way to Damnernsaduak Floating Market

Bangkok-January 03, 2007-Maaga pa lang ay gising na kaming lahat at naghihintay na kay boonlert at sa driver ng van dahil medyo malayo ang pupuntahan namin ngayon. Isa at kalahating oras din daw ito tatakbuhin. Ang tinutukoy namin ay ang Damnernsaduak Floating Market.

Kaya habang wala pa ang sundo namin ay naisipan naming kumain muna ng agahan sa terra cota resto dahil libre naman kami sa buffet breakfast. Nung dumating na ang sundo namin ay tumungo na kami sa Damnernsaduak Floating Market. Isa ito sa mga tourist attraction dito. Dito yung sasakay ka ng bangka at ipapasyal ka sa mga nagtitinda ng kung ano ano sa tabing ilog, para itong venice.

Pinasikat din ito sa pelikulang James Bond na pinamagatang Man with the Golden Gun kung saan bida si Roger Moore. Sa pelikulang iyon ay pinakita si Roger Moore na nakasakay sa bangka at nakasalubong pa niya si Sheriff JW Pepper (Clifton James). Siya rin yung lumabas na Sheriff ng Lousiana dun sa pelikulang Live and Let Die na James Bond.

Pagkatapos namin sa Floating Market ay nagtungo naman kami sa Elephant Ride. Hindi na kami sumakay kasi parang ayaw ipaarkila nung mga buset yung elepante nila. Six hundred baht daw ang bayad kada tao, ano sila sinusuwerti. Kaya dumiretso na lang kami sa cobra show. Makikita dito ang ibat ibang klaseng cobra. Nung tinitignan ko nga yung mga nakakulong na mga cobra, ang naisip ko agad ay adobong cobra, estupadong cobra, papaitang cobra, cobra con carne.

Naputol lang ang iniisip ko nung biglang kagatin nung mama yung cobra para ipakita niya kung gaano na siya kagaling humuli ng cobra. Aktuwali last show na niya iyon dahil nun ding mismong araw na iyon ay namatay na siya (joke lang).

Tapos ng cobra show ay kumain naman kami sa isang roadside eatery na paboritong kainan ng mga biyahero. mMaraming kumakain dito kaya lang hindi ko maunawaan kung anong klaseng pagkain yun. Para sa akin lahat ng pagkain ay parang meatballs na maliit. Nang makarating na uli kami sa Frazer Serviced Apartment ay nagpahinga muna kami.

May reservation kasi kaming hapunan sa isang chinese restaurant. Dito na ako nagkaroon ng pagkakataon na umiskapo uli. May nakita kasi akong 7-11 store na may picture ng SMB Lights. Pagpasok ko pa lang sa 7-11 ay dumiretso agad ako sa tindahan nila ng mga beverages at amen praise the lord long, live the king, may tinda silang SMB Pilsen at Lights. Ang iniskor ko ay yung SMB Pilsen in can. Sampung lata agad ang hinakot ko sa 35 Baht per can. Nung babayaran ko na sa counter ay binigyan pa ako ng 5% discount dahil turista daw ako.

Habang hinihintay kong dumilim ay nilaklak ko na sa silid namin yung erbuk kong made in RP. Maya maya pa ay tinawagan na kami ng front desk operator at sinabing nanjan na raw ang sundo namin para ihatid kami sa Chinese Resto kung saan kami maghahapunan.

Service? ang lapit lang nung resto dito sa lugar namin. Araw araw nga ay nadadaanan ko iyon kapag naglalakad ako ng umaga. Kaya ang ginawa ko ay nagpa-iwan na lang ako at sinabi kong susunod na lang ako. Siempre pa habang nagpapalipas ako ng minuto ay binira ko uli yung erbuk ko, kaya nung dumating ako sa resto ay maingay pa ko sa unggoy thailand.

As usual dahil may kasama kaming mga bata at isip bata, chicken at shanghai agad ang nakita kong nakahain sa mesa namin, may kangkong at beef brocoli din, ang hindi ko machopstick na peking duck (alam kasi ni yawbadoodle na paborito ko ito). Yung buwakanginang meatballs na naman, yung isang luto ay may sabaw at yung isa ay may sauce. Apat na malalaking isda na may sauce din, acharang papaya na naman at maanghang na tuwalya, yun bang ginagawa nating kare-kareng tuwalya.

Tapos naming chumibog ay nagka-ayaan naman na magpamasahe kami sa malapit na thai massage center. Kaya kahit amoy SMB at peking duck ang hininga ko ay sumama na rin ako. Dito sigurado kang the original Thai massage ang mararanasan mo. Ang tigas pa ng dede nung nagmamasahe sa akin, kaya panalo, kaso lang hindi naman front ng prostitution yung massage center kundi talagang pang alis lang ng stress at relaxation lang talaga.

Ang iniisip ko kasing mga massage parlor ay katulad nung sa pinas, kung saan puede kang magpalipas ng boglayts mo.

Get Thai'd! You're talking to a tourist


a typical thai taxi (altis yan bro kaya lang right hand drive)


bumming around night market

Bangkok-January 02, 2007-Day 3 namin dito sa bangkok, medyo bugbog na kami sa lakad at masyado nang ring bugbog sa gastos ang host namin (dont worry sabi nga ni Wesley Autrey-good things happen when you do good). Ang sinubok naman namin ay sumakay ng BTS (Bangkok Train Station) ito yung parang MRT/LRT natin para makarating sa Siam Paragon Department Store.

Ang Siam Square ay parang Greenbelt Square sa pinas, kaya pinauna na namin sa kotse (camry ang tsekut ni yawbadoodles dito) ang mga chikiting at mga olds sa Siam Paragon. Parang Mall of Asia ito sa atin at sumunod na lang kami sakay ng BTS. Malapit lang sa condo namin ang Siam Paragon kaya isang istasyon (Chit Lom Station to Siam Station) lang ang tinakbo namin at nanduon na agad kami.

Sa Siam Paragon ay may mga tindang Porche, Ferrari at Masseratti na kotse. Imagine department store lang ito pero may mga tindang mamahaling kotse. Ang unang kong tinananong kung magkano ang presyo ay ang boxter, mura lang pala ito 7 million baht. Ang Ferrari naman ay 25 million baht yung 2 door yun. Ito sana ang bibilhin ko kaya lang wala silang available na kulay dilaw na Ferrari, puro kulay orange/red daw. Malas nila wala sila tuloy benta nung araw na yun.

Matapos namin mag-ikot sa Siam Paragon at tumungo kami sa foodcourt nila at naispatan namin ang MK Gold Restaurant kaya dito na namin napagkasunduang mananghalian. Mukhang masarap ang chibug dito. Ang inorder namin sa nabanggit na resto ay yung shabu-shabu, peking duck, toasted meat in special sauce (parang bagnet dito sa atin na may sauce), siomai at flalies.

Pagkatapos naming kumain, ang sumunod na pinuntahan namin ay ang Lacoste shop sa Siam Square. Siempre pa nasa Lacoste shop ka na di ano pa ang gagawin mo.

Pagkatapos naming mamasyal sa Siam Square ay nagpahinga muna kami sa condo para magpalipas ng oras at nang dumilim na ay bumalik kami sa Night Market para mamili ang mga kasama namin ng kung ano ano lang.

Para naman hindi ako mainip sa paghihintay ay inaya ko ang isa naming kasamang datans (read: tatay ni yawbadoodles) na tumoma sa open space beerhaus. Aktuwali hindi lang beerhaus ito kundi parang al fresco dining area, kaya lang sa dami nga ng turista dito ay pinayagan na rin nilang gawing inuman ito.

Ang style dito ay magpapapalit ka ng baht sa isang counter para ka magkaroon ng coupon money. Ito ngayon ang ibabayad mo sa mga bibilhin mo. Tapos marami ritong stall para mamili ka ng gusto mong ipalutong pulutan at beer. So para nga hindi ako mainip ay humanap ako ng SMB sa mga stall. Hindi nila alam ang SMB, ang lagi nilang inaalok sa akin ang ang beer na Chang. Lokal beer ito sa Thailand, pero matapang daw ang beer na ito parang Red Horse. Ang napili kong beer ay yung Schneneider Weisse Beer, german local beer ito na kasing laki rin ng Red Horse ang bote.

Order agad ako ng dalawang bote at binuksan ito saka isinalin sa magandang baso. How much? tanong ko dun sa barman, Three Hundred Bah (silent T kung bigkasin nila ang Baht). What Three Hundred Baht? nampucha siento singkuwenta pala ang isang boteng german beer. Bigla tuloy akong nanlamig, pati tuloy yung kasama ko sinisi pa ako, bakit daw hindi na lang Chang Beer ang kinuha namin. Pagka ubos namin nung buwangkanginang erbuk na yun ay Henneken Beer naman ang inorder namin. Medyo mura ito, 70 Baht lang kaya anim agad ang kinuha namin para hindi na kami pabalik balik pa.

Nang matapos na kaming lumaklak ay sinubok naman naming sumakay ng taxi, kaya nagpaiwan na kami dun sa sumundo sa aming van na service ng condo. May mga ulol ding taxi driver dito. Kinokontrata kami ng one hundred bath para sa biyahe mula night market hanggang sa frazer hotel. Ang lapit lapit lang nito, siguro hindi pa lalagpas sa flagdown (THB 35 ) niya nandun na kami sa condo. Puede ngang lakarin pabalik kaya lang gusto naming masubukan ang mga taxi dito. Sabagay pumayag din siyang flagdown yung metro nung magsalita ng thai yung host namin, kaya pumatak lang na 43 baht ang konsumo namin sa metro.

You'll find a god in every golden cloister


making faces along khaosan road


wish you were here, a hippie bar along khaosan road


future model beside tuk-tuk (taxi-kel) along khaosan road


kiko and pards with cool chick at the grand palace entrance


pards at grand palace


moonshiner was stopped by thai police inside Lumphini Park for questioning, a case of mistaken identity, they thought i am John Lennon in drag.


Bangkok-January 01, 2007- Nagising ako ng maaga mga bandang alas sais kinse, kung sa atin ito alas siete kinse na dahil lamang tayo ng isang oras sa oras nila. Dahil nasanay na akong magising ng maaga kahit medyo amoy singha beer pa ako, naisipan ko nang lumabas para makapaglakad naman sa paligid ng bangkok.

Kakaunti ang mga tao at sasakyan ng umagang iyon dahil na rin siguro katatapos ng selebrasyon at marami pa sa mga tao ang may hang-over. Dito ko nakita ang tunay na anyo ng bangkok, nakisalamuha ako sa dalawang naglilinis ng kalsada na parang metro aide sa atin. Kaso nga lang ay hindi sila marunong magsalita ng ingles at lalo namang hindi nila ako maintindihan nung magtagalog ako, kaya puro sign language lang kami.

Tapos ay nagtungo ako sa Lumphini Park kung saan nakatayo ang estatwa ni King Rama VI, mas kilala sa pangalang Mongkutklao or King Vajiravud. Siya yung unang anak ni King Rama V (siempre naman) kay Queen Saowaphaphongsi. Naging hari ito nung madedbol ang erpat niya nung October 23, 1910, kaya siya naging King Rama VI. Ang Lumphini Park ay parang Luneta, Quezon City Memorial Circle at Burnham Park na pinag-isa. Dito ka makakakita ng mga naglalakad na magagandang chiching at mga expats na nagja jogging. Mayroon din ditong free lessons na Tai Ichi at Kung Fu at kung gusto mong maging loving loving sa kasama mo ay puede kayong mag boating-tingan dito.

Pagkatapos kong mag usisa err magjogging sa Lumphini Park ay bumalik na ako sa Frazer condo para sampulan na ang binibida nilang buffet breakfast sa terra cota resto. Pagtingin ko pa lang sa pagkain ay nalimutan ko na agad ang pinagpaguran kong exercise. Ang una kong nilantakan ay yung fried bacon with mozarella cheese, french toast, lugaw thailand na wansoy ang binubudbod imbes na murang dahon ng sibuyas, vegetable salad with ten thousand delights and gorgonzola cheese at freshly squeezed orange juice.

Habang hinihimas ko ang tiyan ko sa lobby ng hotel ay nagyaya na ang host namin na gumayak na kami para sa susunod naming iterinary sa araw na iyon. Naglibot muna kami sa city proper at ipinakita sa amin ang mga magagandang lugar dito. Sumunod ay nagtungo kami sa Wat Po kung saan makikita mo dito yung nakahigang buddha para itong Wet Pu sa pinas kung saan makikita mo yung malaking puwet. Tapos ay pumunta kami sa grand palace, ito yung bahay ng hari nila (His Majesty King Bhumibol Adulyadej), maraming namamasyal dito, kaya lang ay may batas dito na hindi ka makakapasok sa grand palace kapag hindi ka nakasapatos na may medyas, naka sleeveless ka na walang manggas dahil sacred ang lugar na ito.

Napuna ko na puro naka dilaw ang mga karamihan sa Thailander nung araw na iyon ng lunes o new year kaya tinanong ko si boonlert kung bakit. Ito pala yung tinatawag nilang yellow day o yung pagsusuot ng damit na kulay dilaw bilang respeto sa kanilang hari. Akala ko tuloy ay si Tita Cory na ang naging hari dito.

Pagkatapos naming magliwaliw ay pumunta naman kami sa Polo Chicken Fried para umorder ng fried chicken (siempre naman), fish fried, ewan soup (hindi ko kasi alam ang tawag sa soup), flalies, papayang achara (favorite daw kasi ito dito) at spare ribs uli dahil hindi available ang spicy eel.

Nung hapon naman ay nagtungo kami sa khaosan rd, ito yung tinatawag nilang puntahan ng mga backpackers kung saan maraming mabibiling street foods at mga souvenir items. Kilala rin itong istambayan ng mga hippies, junkies, reggae, funks, bitch, whore, crossdressers and the in betweens. Itong khaosan road ay parang mabini at malate strips sa atin, meron ding ditong mga musikero, kaya kung hilig mong manood ng rock and roll, jazz, blues o simpleng thai folk music, this is your place to be. Puede ka rin ditong magpa ayos ng buhok mo para magmukha kang reggae at ang dami mong masasalubong dito na puro labas ang pusod at kita na halos ang mga dede.

Pagkatapos naming kumain dito ng inihaw na pusit, manok, mais, parang thai fishball, saging na binalot sa pambalot ng lumpiang sariwa na nilagyan ng chocolate syrup ay lumipat naman kami sa night market nila sa sentro ng bangkok, mga bente minuto rin and layo mula sa khaosan road.

Ang night market naman ay para kang nasa libis QC at tiangian na pinagsama. May mga inuman dito na may tumutugtog na thai rockers (I wanna rock Yi), at mga bilihan ng lahat ng klaseng paninda, tooter na korteng buddha, rolling paper na amoy mint o tree flowers, pinatuyong scorpion, alupihan, gagamba, mga thai boxing shorts, t-shirts etc. Dito mo rin makikita ang pinakamalaking Ferris Wheel, pero mabagal lang silang umikot at nakakulong ang mga sumasakay sa cage para siguro maiwasang malaglag ang mga pasaherong naka diyes litros na.

Friday, January 05, 2007

The bars are temples but the pearls ain't free


future model sandwitched by two thai buddha's atop 33rd floor's swimming pool


zivzoe inside rm 02-203 frazer serviced apartment


foods galore while cruising chao phraya river


kiko and ziv aboard chao phraya river cruise liner


kiko with singha beer


Bangkok-December 31, 2006-Ito ang simula ng limang araw na bakasyon at pagliliwaliw namin sa bangkok, thailand kung saan mas kilala sa pangalang Siam nung araw at binigyan pansin ng mga dayuhan dahil na rin sa pagganap bilang King Mongkut of Siam ni Yul Bryner sa pelikulang "the King and I".

Papalanding pa lang ang sinasakyan naming eroplano sa airport ng bangkok ay nakadama na agad ako ng kaunting pagkalungkot, hindi dahil malalayo ako sa pinas ng ilang araw, kundi dahil nakita ko sa itaas o yung tinatawag nating "birds eye view" ang ganda at pagkakaiba ng lugar nila sa atin. Pagsayad pa lang ng gulong ng eroplano sa runway ng bangkok airport ay mapupuna mo na agad ang malaking pagkakaiba ng airport nila sa paliparan natin, dito ay hindi ako nakaramdam ng bako bakong runway habang papalapit ang sinasakyan kong eroplano sa tarmac.

Pagkababa namin ng eroplano ay isang immigration officer lang ang nagtanong sa amin kung ilang araw kami magliliwaliw sa lugar nila. Pagkatapos kaming tanungin ay pinalabas na kami para naman makuha namin ang mga bagahe at tapos ay tuloy tuloy na kaming nakalabas ng bangkok airport ng walang hassle kahit kaunti.

Pagkalabas namin ng airport ay naghihintay na ang susundo sa amin, nakapuna sa aking pansin ang isang lalaki na kamukha ni omar suarez (F. Murray Abraham) "And chico, if anything happens to that buy-money, eee pobrecito... my boss is gonna stick your heads up your asses faster than a rabbit gets fucked". Anyway, napuna ko na ito palang look a like ni omar suarez ang magiging tour guide, interpreter, personal driver at taga buhat ng mga gamit namin. Nalaman ko na ang pangalan pala niya ay Boonlert ayon na rin sa host (read: yawbadoodles) namin. Siya ay dating lespulayts sa thailand at ngayon ay naka-assign sa host namin bilang personal bodyguard.

Habang binabaybay na namin ang kahabaan ng highway patungong city proper ng bangkok, hindi pa rin mawala sa akin ang kalungkutan lalo na't nakikita ko sa malayo ang naglalakihang gusali. Yun daw nakikita kong mga gusali ay ang tinatawag nilang commercial district o yung parang Ayala CBD (commercial business district) sa atin. Pero para sa akin mukhang napakalaki ng sakop ng kanilang commercial district kung ikukumpara natin sa ating Ayala CBD. Kahit pa siguro pagsamahin natin ang Ayala CBD, Ortigas, Ayala-Alabang at Greenhills shopping center ay maliit pa rin kung ikukumpara mo sa commercial district nila. Isang pagpapatunay na maunlad ang bansang thailand.

Pagdating namin sa sentro ng bangkok kung saan ay mananatili kami sa kabuuan ng aming bakasyon, napuna ko agad na parang tahimik ang kakalsadahan ganung marami namang sasakyan ang bumabaybay sa kalsada. Agad ipinaliwanag ni yawbadoodles sa akin na bihira daw ang gumagamit ng busina sa bangkok at napuna ko rin na parang walang traffic ganong ika 31 ng disyembre o yung tinatawag natin sa pinas na araw de peligro dahil na rin sa disperas ng bagong taon.

Kami ay agad nagtungo sa Frazer Serviced Apartments (55 Langsuan Road, Lumpini, Pathumwan, Bangkok 10330 Thailand) kung saan naka base ang host namin. Ito ay nasa gitna ng tinatawag nilang residential condo kung saan umuupa ang mga expats, kung baga sa atin ay nasa Salcedo Village ka, kaya puro pogi at magagandang chiching lang ang makikitang mong nagjajogging tuwing umaga. Napag alaman ko na mayroon din palang Frazer Hotel sa pinas. Pagpasok namin sa nasabing Frazer condo ay agad ibinigay sa akin ng aming host ang isang card na kamukha ng mga atm cards natin.

Ako ay biglang natuwa sa kanya dahil ipinahiram niya ang kanyang atm cards sa akin. Ngunit biglang nabawasan ang aking tuwa nung sabihin niyang hindi atm card yun kundi ang susi ng condo unit namin. Pagpasok ko sa condo unit sa room 02-203 ay biglang tumayo ang aking palong at naibulong ko sa sarili ko na "this is it", magpapanggap tayong mayayaman sa loob ng limang na araw.

Bakit kamo? kasi nampucha yung telebisyon pa lang ay Flat TV na at ang mga gamit sa loob ay puro high tets at may hot and cold shower pa (with mike enriquez accent). Rate daily sa kuwartong iislipan namin? THB 7,000.00. Kung kukuwentahin mo sa peso rate (1 THB x 1.30 PhP) lumalabas na PhP 9,100.00 kada araw ang upa sa buwakanginang kuwarto, pero libre kayo buffet breakfast araw araw sa terra cota restaurant na matatagpuan sa lobby ng condo, swimming pool, sauna at jacuzzi sa 33rd Floor, high tets na gym at sauna uli sa 32nd Floor at free ride sa elevator araw araw. Kaya para mabawi agad ang gagastusin sa upa ay pinayagan ko nang maligo agad sa mingming pool ang mga chikiting naming kasama.

Matapos naming makarekober sa presyo ng kuwarto nila ay nagyaya na ang host namin sa unang iterinary namin. Kaya ang "pasyalkain" group ay nagtungo na sa floating restaurant and river cruise sa gilid ng Chao Phraya river, para itong malinis na bersyon ng pasig river natin. Ang daming tao sa floating restaurant dahil karamihan pala sa mga mayayamam na thai's ay hindi nagseselebreyt ng new years eve sa mga bahay nila. May reservation na kami sa floating restaurant nung dumating kami kaya para kaming si Jim Carrey pagpasok sa loob ng restoran, dahil may nagtuturo pa sa aming mga naka chongsam na chiching kung saan kami uupo.

Siempre pa pag-upo namin ay tinanong na agad ako nung host namin kung gusto ko raw munang uminom ng beer habang hinihintay ang mga order naming chibug. Dahil na rin sa nahihiya ako sa host namin kaya sinabi kong "sige apat na bote lang ang kaya kong tirahin habang hinihintay ang chibug". Maya maya pa ay dumating na ang beer na inorder namin. Apat na "singha beer" na kasing laki ng grande sa pinas, ito raw ay lokal beer, kala ko pa naman ay SMB pilsen ang titirahin namin kaya apat agad ang akin, yun pala ay isang giant erbuk.

Nang dumating na ang order naming soup, meatballs na may tenga ng daga at silantro o yung wansoy at yung isang soup naman ay parang sinigang na sugpo pero mas maasim ay agad na naming nilaklalakan ito para hindi na lumamig, kasunod nito ay nagdatingan na ang pritong manok para sa mga bata, malaking isda na parang escabeche ang luto, spicy spare ribs, malaking sugpo na binugbog sa arina, chopsuey na may parang mata na mga tao, spicy giant pusit, pritong isda uli na may nakapaligid na wansoy, atcharang papaya na may kasamang hilaw na sitaw at pei-chai thailand at sankaterbang flalies (read: fried rice), arroy but mai phet.

Habang nilalaklakan namin ang chibug ay napuna ko na panay ang tunog ng cellphone ni Boonlert (remember omar suarez) at pagkatapos niyang makipag-usap sa cellphone ay may ibubulong sa host namin at ipapasa sa kanya ang cellphone. Maya-maya pa ay tatayo ang dalawa at lalabas sa gilid ng barko para ituloy ang pakikipag-usap sa telepono.

Nung malapit na kaming matapos kumain ay may nag annouce sa PA system ng floating restaurant na magsisimula na raw lumayag ang barko, dahil kasama ito sa binabayaran mo, yun bang habang kumakain at umiinom kayo ay lumalayag naman ang barko o yung bang tinatawag nilang river cruise. Nung marinig ito nung host namin ay ibinulong niya sa akin na hindi na raw kami sasama sa Chao Phraya River Cruise. Tinawagan daw siya ng mga kontak niya na umuwi agad sa condo na tinutuluyan namin at iwasan ang mga crowded places. Nagkakaroon daw sa sentro ng bangkok ng military movement at may sumabog na bomba sa victory monument at sa isang wet market kung saan dalawa na raw ang patay at maraming nasugatan.

Matapos kong marinig ito ay agad nalipat ang pansin ko sa mga telebisyon na nakapaligid sa loob ng barko at doon ko nga nakita sa CNN breaking news na may military movement na nga sa sentro ng bangkok. Agad namin kinuha ang chit namin para na rin makalabas ng barko, pero yung isa naming kasama ay hindi namin makita dahil pupunta lang daw sa second floor ng barko pero hindi pa bumabalik.

Ilan sa amin ang naghanap para masabihan siya na parang magkakaroon na naman yata ng coup de etat sa bangkok. Nung makita namin siya ay napuna ko naman na umuusad na ang barko para sa simula ng chao phraya river cruise. Kaya hindi na rin kami nakalabas ng barko dahil umusad na ito.

Sa madaling sabi ay umusad ang barko para makita mo ang kabuuan ng bangkok at hindi ko naman maialis sa sarili ko na paghambingin ang pasig river natin sa chao phraya river nila. Dito kasi ay wala kang makikitang squatter sa paligid ng river nila, kundi puro komersyo at yung mga tinatawag na place of worship nila o yung mga templo na naglalakihan ang mga rebulto. Dito mo rin makikita ang mga five star hotels nila kaya para kang namamangka sa gilid ng roxas boulevard natin.

Matapos ang ilang oras na river cruise ay huminto ang barko namin at ilan pang barko sa gitna ng river upang gumawa sila ng parang pabilog na porma, napuna ko na menos diyes na lang pala at bagong taon na, inisip ko na dito na kami aabutan ng bagong taon dahil hindi naman kami puedeng lumundag lahat at lumangoy sa pampang para makauwi na rin.

Habang lumilipad ang isip ko sa dami ng magagandang chiching sa barko ay bigla akong nakarining ng malakas na busina at pagkatapos nito ay sunod sunod na fireworks display sa mga naglalakihang hotel. New Year na pala, halos mabilaukan ako sa laway ko sa kasiyahang nasaksihan sa kanilang fireworks display. Lahat ay nakapokus ang tingin sa mga nagliliparang palamuti sa ulap, kaya nagkaroon akong obserbahan ang sari saring mga tao/turista na nanonood ng fireworks display. May mga amerikano, german, british, scotish na nakapaldang stripe na green, bumbay, intsik na mestisa, hapon na may kasamang tagaputol ng daliri, kaming mga noypi at lokal na thailanders.

Dito ko naobserbahan na iisa lang ang gusto ng sangkatauhan maging puti, itim, dilaw, kayumanggi o kahit anong uri ka pa man, kapayapaan at katahimikan lang ang gusto ng tao at kaunting kaligayan lang ay magkakaisa ang buong mundo. Pagkatapos ng putukan ay pinaandar na uli ang barko at kami ay nakalapit na sa babaan.

Nang pabalik na kami sa aming pansamantalang tirahan ay napuna namin na malinis na ang kakalsadahan maliban na lang sa mga militar at mga thai pulis na nakakalat sa kalye. Ibinalita sa amin ni boonlert na pinauwi raw ng maaga ang mga tao na dadalo sana sa new years countdown sa Rachadamri Rd. (dito rin sana kami iistambay para hintayin ang new year, kundi lang kami naipit sa river cruise) dahil na rin sa nagyaring sunod sunod na putukan, hindi ng fireworks kundi ng bomba na iniwanan ng mga hinihinalang terorista. ASUS.