Showing posts with label bahay alak. Show all posts
Showing posts with label bahay alak. Show all posts

Saturday, August 27, 2011

four

Susana bagets din naman itong si mina (the bagyo), kung kailang walang pasok ay saka naman pumasyal sa pinas. Marami namang araw na puede siyang pumasyal dito sa pinas. Sayang naman kasi ang long weekend (4 day), ang ganda pa naman ng plano ko sa long weekend. Day 1.-Mag-iihaw ng seafood at iinom ng alak. Day 2-Magluluto ng papaitang yagbols ng baka at iinum ng alak. Day 3-Magkikilaw ng tanigue at iinom ng alak. Day 4-Mag-iihaw ng liempo, tuna belly at iinom ng alak. At dahil nga sa biglang pagdating ng hinayupak ng bagyong mina, eto ako ngayon. Day 1 pa lang ay naglilimas ng tubig sa loob ng bahay at iinom ng aspirin para mawala ang konsumisyon ko sa pumapatak na tubig galing sa bubong papunta sa mismong kama ko.

Pero teka, bakit ko sisirain ang araw ko dahil lang sa pagbaha sa loob ng haybol namin at pagpatak ng tubig ulan sa kama ko. May naiisip ako para maging kapaki-pakinabang naman ang unang araw ng long weekend ko. Ang solusyon? kesa limasin ko ang tubig baha sa loob ng bahay ko ay doon ko ibinabad ang iinomin kong alak para lumamig na siya at yung pumapatak na tubig ulan mula sa bubong?. Ah doon ko itatapat yung ihawan para kapag umapoy yung iniihaw kong liempo, hindi ko na kailangang wisikan ng tubig, bahala na yung patak ng ulan galing sa bubong para masawata yung umaapoy na ihawan. Debest long weekend.

Sunday, May 08, 2011

happy mother's day

Nung araw naririnig ko lang yung kantang " sa iyo ang alak, sa iyo ang pulutan...happy happy happy birthday". Pero ngayon tapos na ang birthday ko bakit ganoon pa rin ang naririnig kong kinakanta tuwing makikita ako ng mga tropa ko sa kuwadradong mesa. Dahil ba may laban na naman ang premyadong pinoy boksingero na inampon na ng mga kano at itinuring nang "long lost kamag-anak" ng mga politiko natin. Sabagay sabi nga ng iba, kung gusto mong dumami ang mga TUNAY mong kaibigan, dapat damihan mo muna ang pera mo.

Neweis, wala namang masamang maghanda, lalo na't kapag may laban si "you know". Kasi parang isang malaking reunion talaga sa pinas kapag manonood kayo ng laban niya. Kaya nga kami dito sa haybol ay disperas pa lang ng laban ay wala ng tigil ang lutuan. Mapa agahan (sampurado), mapa tanghalian (kare-kare, mechadong matigas ang laman na baka, inihaw na manok, steam pla-pla na ilado) at mapa pulutan (YAHOOOOO!!!!).

Ang mabigat lang nito pati inumimg nakakalango (ice cold serbesa) ay sagot ko pa rin. Sabagay ang paniwala ko naman sa sarili ko ay kapag madalas akong mag abono ay madalas din naman ang balik ng biyaya sa akin. Kaya lang ang paniwala naman nung mga buraot ko, ay uto-uto daw ako. Pero hindi bale, kasi yun namang handa namin ngayon ay parang "hitting two birds with one stone". Kasi puede kong maconvert yung mga niluto namin na kunyari ay regalo ko kay mommy, kasi mother's day din ngayon...panalo.

Friday, April 22, 2011

good friday

Nampuch, kala ko pa naman ay mapapahinga ako sa erbuk (ice cold serbesa) dahil biyernes santo na. Ito kasi ang masama kapag ang bday mo ay laging natatapat sa santo-santo. Nung miyerkules nga ay gusto ko na sanang magnilay-nilay, pero sa dami ng gustong bumati o gustong makainom ng libre ay wala akong magawa kungdi pagbigyan sila lahat.

Ang mabigat pa nito kinabukasan (huwebes santo) ay may well wishers na naman. Ngayon biyernes santo na ay may humahabol pa rin. Sabagay sabi nga kapag maraming nakakaalala sa kaarawan mo, ibig sabihin nun ay uto-uto ka.

P.S-Uso pa ba yung isdang balbakwa ba yun, tanda ko kasi dati tuwing biyernes santo yung lola ko ay nagluluto nito tapos may kasamang upo. Maalat ang sabaw pero wala kaming magawa dahil bawal daw ang baboy kapag biyernes santo.

Thursday, March 03, 2011

food tripping again

Crispy buntot ng tuna (da best)

inihaw na pla-pla na ayaw pang buksan at inihaw na etits ng tuna (?)

sawsawan

ice cold serbesa...YAHOO HOO!!!

Sunday, February 20, 2011

spakol

Yahoo pula na naman ang hasang namin. Paano ba naman di pupula hasang namin, eh yung dalang tanpulutz ni Jun D kagabi ay talaga namang kaakit-akit. Pagdating ko pa lang dun sa kuwadradong mesa ay nakita ko na agad ang inihaw at rellenong bangus, kaldereta, chicken bbq. Siempre pa hindi mawawala ang pancit bihon at yung isang italian food na pasta ata yun, ah basta parang pagkain ni Michael Corleone.

Ang maganda pa nito ay habang nilalaklak namin ang mga tanpulutz ay walang patid ang dating ng malamig na serbesa, that is what do we call "good life manong". Ang problema lang namin kagabi ay sabay-sabay kaming nagkukuwento at ang pinagkukuwentuhan namin ay yung isang tropa naming wala doon kagabi...sunog na sunog siya...

Teka parang may narinig akong spakol kagabi, mapag aralan nga ng masusi ito.

Sunday, July 25, 2010

pls...pls...pls

Ang sagwa naman ng ulan, kung kailan araw ng mamam saka naman ito bumuhos ng malakas. Masarap nga sanang tumoma kapag umuulan, ang kaso lang ok sana kung nandun ka na sa haybol nung classmate mo sa kuwadradong mesa. Ang problema kasi ay hindi ako nakasibat dahil biglang bumuhos nga ang hinayupak na ulan. Ayoko namang maistock dito sa haybol dahil sigurado balagoong na naman ako sa kapupunas nung sahig dahil may tumatagas na naman sa kisame namin. Busettt, sana huminto na ang ulan...magkano kaya ang arkila ng tricycle papuntang kingdom come...huwahhh...huwag muna kayong mag-umpisa at darating ako diyan, promise.

Wednesday, June 30, 2010

(h)i(k)xus

Tuesday, June 01, 2010

4-6-20-47-49-52

Buti na lang kahit na miss ko yung tugtugan nung jdlc band sa tiendesitas ay humirit pa sila ng isa pa ring tugtugan. Ito naman ay ginanap sa my brother's mustache. Kaya lang nga, hindi ito jdlc band kungdi wally and friends. Kasi wala doon si tatang mike (o kay sarap namang isipin...o kay sarap namang tignan). Pero parang kalahati na rin ito ng jdlc band, kasi kasama naman dun sa wally and friends si tatang joey (kung nakinig ka lang sa akin noon...hindi na sana nagyari ito ngayon).

Ang maganda pa nito, bukod kay tatang joey at wally, may hatak pa silang mga chiching na puro white leghorn ang lahi. Ika nga pinay na puti, dalawa yung sumampa sa entablado, isa na roon yung ala meg white pumorma na drummer at isang singer na nasobrahan ata sa gin bulag (tequila to them). Siempre pa hindi mawawala yung mga hippies na laging nakaungaong sa mga tugtugan ni tatang wally at joey.

Iba pa rin talaga kapag mga agila ang nasa ibabaw ng entablado, tonohan pa lang ay kala ko simula na ng "x'cuse me while i kiss the sky". Napasarap tuloy ang toma namin nung kasama kong rockers na buraot. Sa sobrang enjoy nga ay panay ang kuha ng pictures dun sa cellphone niya, pangyabang baga sa fb account.

Ang masama lang ay nung maparami na ang naiinom namin, para bang biglang nabigyan namin ng pansin yung chiching na drummer. Noon ko lang kasi napuna ito, ilang beses ko na ring napanood si wally na ito ang pumapalo sa kanya. Pero nung gabing iyon ay tila lumakas yata ang amat ko kaya napuna ko siya.  Sabagay wala namang masamang tumingin sa maganda, seksi at magaling pumalo ng drums. Pati nga yung kumanta ng CCR na chiching, kahit medyo sumobra ang awit niya kahit hindi pa dapat pumasok sa tugtog ay pinalusot na rin namin...seksi eh.

Neweis, ayokong mangarap ng naka inom, pero isa lang ang obserbasyon ko, kapag si tatang wally ang nasa entablado...puro anak ng cono at cona ang mga hila hila niya sa entablado. Kanya kanyang suwerte iyan eh...more...more...more...

Wednesday, April 21, 2010

Oh La La


This is my first swimming party (and hopefully not the last) of the summer of year 2010. Nothing special; all the planning was hush-hush. Before we went to the pool, someone suggested that we buy a roasted pig (everybody's favorite). So off we went (there were two of us) to Elars and Elarz to buy a whole lechon, but luck ran out on us. It was very early and there was no available whole lechon for sale on that day. Next in mind was Ping-Ping, and the next thing we knew, the lechon was being loaded in the back of mah car.


We then proceeded to go to the suki market to buy some "healthy seafoods". In the list of must-buy "healthy seafoods" was: talaba (clam shell), alimasag, alimango, tuna belly, sugpo (for sinigang), and the never say die tilapia. I almost fainted just by looking at those "hell-ty seafoods".


After bringing the car at neck-breaking speeds, we  reached our destination, after which we unloaded our foods and drinks (the drinks were smuggled inside the resort, in cahoots with the resort security). All "healthy seafoods" were grilled Pinoy style (yung medyo sunog) and then the sugpo was made into sinigang. After cooking the foodz, and taking pictures of all of it (along with the drinks [para may panyabang sa Facebook]), it was now the time to attttackkkkk!!!!


Sorry guys, i have to post this blog now, dahil baka maubusan na ako ng mga choicest part ng lechon and the aligi of alimango.

Friday, March 26, 2010

who' stop the rain

Wow ang sarap ng gising ko, hindi lang kasi dahil biyernes na. Kaya masarap ang gising ko ay dahil umuulan ngayon dito sa lugar namin. Masyado na kasing mainit kaya bonus na yung kahit paano ay pumatak ang ulan. Isa na lang ang kulang dito. Makapag imbak na agad ng maraming serbesa sa styrofoam kong cooler.

Sunday, August 30, 2009

bogchalilaytz cum tanpulutz






Friday, July 24, 2009

TGIUT

Yabadabadoodles biyernes na naman. Isip isip, the jerks sa bistro sitenta, harbor view habang finifinger (bastos) ko yung sizzling sisig. Ten Oh Two, para jazz naman ang trip. Ano kaya ang libreng concert sa libis. Nampucha, yan ang mahirap kapag friday, ang daming puedeng puntahan pero kulang sa oras. Neweis, dahil rin lang naman ang laman ng kartameneda ko ay isang nakapangalumbabang ninoy at dalawang sakwe. TGIUT na lang muna ako.


TGIUT-Thanks God Its Uwian Time

Friday, July 10, 2009

te-ano ba yun


Hanep ang lakas ng flashback ko dun sa huling tomaan namin. Naglabas ba naman si tito ferds ng imarflex na tefanyaki, tepanyaki, teppanyaki...ah basta parang ihawan siya na imported at doon namin niluto yung malaking pusit na nabili ko sa apo ni Jacques Cousteau. Ang maganda pa nito pag dating namin sa bahay ni tito ferds ay nagpakuha agad si pogi ng tekalahats na erbuk. Kaya habang pinapanood namin siya nung inooperahan yung malaking pusit ay tumutungga na kami ng malamig na erbuk. Nakakuha tuloy ako kay pogi ng bagong istail kung paano magluto ng masarap na tinepanyaking pusit. Isa na lang ang problema ko, saan kaya ako makakahiram ng teppanyaki griller.

Wednesday, May 20, 2009

food trippin' at orient pearl





Tuesday, May 05, 2009

To see is to believe


I am not into gambling because I'm a bad loser. I can spend all my day's earning on ice cold beer but not on a game of chance. I gambled once, because my friends then insisted on picking any number when we were having a drinking spree inside a racetrack. Of course we won (beginners luck?). But after that I stopped.



Then came this lotto thing, wherein you were promised of a much bigger price (that is if you can guess the right numbers). I'm skeptical, so I did not make a fuss on this lotto thing. But when the price money soars to a 7+ digit, I also tried my luck and even promised to lords of all lords that I will divide my winnings (if there be any) among the poor/needy, the church and to myself and my family. It's nice to dream, we are all free to dream. And when we say dream, why not dream big time, and the shortest and easiest way to do it is to go to your favorite lotto outlet and choose a number.



Maybe your birthday and year, your friends and relatives natal day or your house address. Then cross your fingers and say a little prayer and the rest as they say is.....PURE LUCK!!!


Saturday, May 02, 2009

tapang usa



Saturday, April 25, 2009

food trippin' at "mooncave"


sans rival classic (purple oven)


green joy pizza


inihaw na baboy, manok at talong


inihaw na boneless bangus

Monday, April 20, 2009

And the lesson today is how to die



No, I haven't forgotten your birthday! Unfortunately, I've been out of town for the whole week, attending a work-related training program. So, I haven't had the chance to go to the bank. On Monday, I'll be in the bank first thing in the morning! I hope you have a good celebration! (email sent by Onat/12:40:01 a.m.)

HAPPY BIRTHDAY AND MANY MANY MORE DATUNGS TO COME, HE HE HE GOD BLESS AND INGAT, REGARDS SA LAHAT (email sent by Tess/)1:50:40 a.m.)



Hapi bertdey bro...(text sent by Guia/o5:51:02 a.m.)

Pre many more to come! (text sent by Ipe/05:29:00 a.m.)

Hapi bday kuya. we love u (text sent by Faye/08:02:22 a.m.)



Pards, hapi birthday (text sent by Bobby/08:35:30 a.m.)

Happy birthday to u (text sent by Peng/08:37:27 a.m.)

Gud morning kuya, happy2 bday 2u. May u hv mny mor bdays 2 come, gud helt n hpines always. Take care (text sent by Emily/09:06:47 a.m.)

Birthday mo pala ngayon, HAPPY BIRTHDAY (text sent by "Judge"/09:32:00 a.m.)



Thank u s fuds. Happy bday uli. Ingat (text sent by Emily/10:50:38 a.m.)

Hapi birthday, napagod kc ako galing kami sta. rosa laguna, bininyagan bunsong apo, inabutan pa kami ng ulan kagabi. Salamat sa lunch. (text sent by Nitz/11:35:29 a.m.)

Happy bday kuya (text sent by Arwin/13:13:39 p.m.)

Hapi bday, wla p bng pancit, "coke", ice cream, cake, chicken, menudo, asado, chopsuey, spag at lobo. (text sent by Regie/13:54:32 p.m.)

Pare happy beerday! Muntik kna makalimutan. MORE bday 2 come. (text sent by Ogie/16:42:08 p.m.)


....to be continued...

Friday, April 10, 2009

No. 5-bulls ball/testicles soup


Sa wakas ay nakachamba rin ako ng titi ng kabayo/baka courtesy of pareng arcy. Yan ang maganda kapag malawak ang network mo sa tomaan. Matagal na rin akong naghahanap ng nasabing titi. Minsan nga ay may nadaanan akong matadoran sa may san juan, may nakasabit na etits ng baka o bargaho, kaya lang ay papasok ako ng opis noon kaya hindi ko binili. Neweis, dahil na rin nga sa biglaan ang pagkakabigay sa akin ni pareng arcy nung nasabing etits ay nagkaroon tuloy ako ng interes na pag-aralan kung ano ano pa ang puedeng gawing luto sa nasabing ratbu. Kaya binuksan ko agad ang computer at ginoogle ko ang salitang etits. Dito ko nalaman na ang tawag pala dito sa ibang bansa lalo na sa ues of a, ay rocky mountain oyster. Sa germany naman ang tawag nila sa ratbu ng kabayo/baka ay slicen-uten, sa china naman ang tawag nila ay uten ni chong at dito sa pinas ay soup no. 5 (at least hindi bastos).


Dahil na rin sa google kaya nalaman kong sa pinas pala ang tunay na tawag sa nasabing soup ay bulls ball/testicles soup. Kaya lang naging soup no. 5 ang tawag sa pinas ay dahil dun sa menu sa category ng mga soup, ang bulls ball/testicles soup ay nakalagay sa numero singko o panglima sa listahan ng mga tinda/lutong soup. Kaya yung mga noypi na nahihiyang umorder ng nasabing soup, ang sinasabi lang nila sa waitress/waiter ay paorder nga ng soup no. 5, sabay turo dun sa bulls ball/testicles soup. Kaya tuloy nakasanayan na ng marami na soup no. 5. Ngayon bakit naman nahihiya ang mga umuorder nito sa restoran?. Kasi pala, pinaniniwalaan ng mga noypi na ang bulls ball/testicles soup ay isang uri ng aprodeiesic, aprodisiac, aphrodisiac, basta pampatigas daw iyan ng etits ng mga lalaki at pampagana sa sex-parang viagra. Alam nyo naman ang mga pinoy, macho ang image, kaya pala sila nahihiyang umorder ng nasabing soup ay dahil baka nga naman may makarinig sa iyo sa restoran na umoorder ka ng bulls ball/testicles soup. Ang iisipin agad ng ibang kumakain sa resto ay kaya ka umoorder ng nasabing soup ay dahil hindi na tumatayo si manoy, jahi nga naman.

Kagogoogle ko ay nalaman ko tuloy na kahit ano palang luto ay puede mong gawin sa bargaho. Hindi lang pala soup na maiinit ang puedeng gawin dito. Puede mo rin palang lutuin ito na style pochero, kare kare, luto sa butter at iba pa. Kaya lang ay nasanay tayong mga mahihilig uminom na kapag rin lang ratbu ang lulutuin, mas masarap siempre ito na may sabaw. Kaya yung binigay ni pareng arcy na bargaho ay siguradong malalaban mamaya sa akin, dahil habang sinusulat ko ito ay pinapakuluan ko na ang ratbu. Pero mamayang gabi ko na titikman dahil baka totoo nga na pampatigas ito ng huten.


Friday, April 03, 2009

seaside paluto


(photo courtesy of wikipedia)

Nagkaroon uli ako ng pagkakataon na makapasyal sa dampa (seaside) sa macapagal avenue para tumoma at mamulutan. Matagal na kasing nakaeskedyul ang nasabing tomaan kaya lang ay laging napopostpone. Pagdating ko sa nasabing lugar ay inabutan ko na doon ang makakaharap ko sa kuwadradong mesa sa araw na iyon. Hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa. Kaunting kamustahan at pagkatapos ay dalawang bucket na agad ng malamig na serbesa. Isang bucket ng SMB (beer pilsen) at isang bucket ng SML (san miguel lights). Yung dalawang kasama naman namin ay nagtiyaga na lang sa isang boteng Johnnie Walker Black. Ang una naming kinuha/pinalutong pulutan ay ang Pampano (1.3 Kilo-P390.00 + P270.00 paluto charge) at Suwahe (1/2 Kilo-P210.00 + P120 paluto charge).

Medyo bitin ang tanpulutz namin kaya naisipan kong pumunta sandali sa "palengke" para bumili ng "gulay"...este para bumili ng iba pang tanpulutz. Ang una kong hinanap ay yung sariwang tuna para gawing sashimi. Bumili ako ng isang kilong tuna (P380.00/Kilo) at lumot/pusit (P150.00/Kilo). Pagbalik namin dun sa iniinuman namin (Ka Ising-Lot 5A, Macapagal Blvd, Pasay City) ay ipinaihaw ko ang lumot/pusit (P180.00-paluto charge) at yung sashimi ay ipinalagay namin sa magandang pinggan. Masarap ang sashimi dahil sariwa. May natutuhan pa akong kaunting sekreto kung paano mo magagawang malasa ang sashimi dahil yung isang kainuman namin ay sinabihan ang isang waiter na buhusan ng kaunting seven up ang tuna bago iahin sa amin. Ang hindi ko lang nagustuhan ay nung magpa running cheat kami. Kasi may nakita akong paluto charge na P120.00 para sa sashimi.

Putang ina, bakit magkakaroon ng paluto charge ang sashimi? tinignan ko sa google kung ano ang ibig sabihin ng sashimi at doon ko nadiskubre na ang ibig sabihin ng sashimi "is a Japanese delicacy primarily consisting of very fresh raw seafood, sliced into thin pieces". Sa salitang tagalog sariwa at hilaw na isda. Masyado nyo naman yatang inaabuso ang mga kustomer ninyo. Ipinagmamalaki pa naman kayo ng mga kasama namin na masarap uminom sa lugar ninyo, pero paano naman mag eenjoy ang mga kustomer sa inyo kung kayo mismo ang humoholdap sa kanila. Ok lang sa amin kung lagyan nyo ng kaunting charge/corkage? ang dala naming pulutan (sashimi) pero huwag naman sanang masyadong holdap. Neweis kahit medyo nadale nyo kami dun sa "paluto charge" nung sashimi, overall rating ko sa resto nyo ay "good" dahil friendly ang staff ninyo at masarap magluto ang cook. SMB/SML Bucket pa please.