Wednesday, December 30, 2009

Double J


Jun T a.k.a Totoy Buraot in Mafia Wars with Jun D


How can you say NO to a friend from the old days? Simply say YES and the buck stops there. Jun D unexpectedly dropped by last night in our house for some bottles of beer and shisha. It's been a long time since we last saw each other and after the brief hi's and hello's, we proceeded to what we all came here for-ice cold beer.

Monday, December 28, 2009

food tripping at Glory Palm Pavilion


Iyan ang mahirap kapag masarap ang chibug, bago mo makunan ng picture para pandagdag sa blog mo ay ubos na rin ang bogchalilayts. Ang mabigat pa nito, kakareview ko dun sa ibang kinunan ko ay naubusan tuloy ako ng chibug...HUWAHHHH!!!!

Saturday, December 26, 2009

random shots


Susana bagets, kala ko malalagasan na naman ako ng salapi ng wala sa tamang panahon. Ganito kasi ang nangyari, Pasko-kinuha ko sa tabihan yung Canon camera ko para gamitin, lam nyo na piktyuran. Pinaporma ko na yung mga kukunan ko at sinabihang walang gagalaw. Tapos nung iklik ko yung shutter ng camera ay...oops ayaw kumuha ng picture at may lumalabas lang na salitang "busy" dun sa LCD monitor nya. Sabi ko dun sa mga gustong magpakodak ay huwag uling gagalaw, susubukan ko uli silang kunan. Pero ganun pa din, ayaw pa ding magklik yung dapat magklik. HUWAAAAHHHH, ano ang nagyari dito sa camera ko. Hindi kaya pinaki-alaman ito ni enday? naiwan ko kasi minsan ang camera sa tabi ng computer. Mahilig din kasi iyong magkukuha. Pero hindi takot lang sa akin noon, dahil nilalagyan ko ng isang hibla ng buhok yung mga gamit ko, kaya kapag ginalaw niya ito ay malalaman ko.




Dahil na rin sa hindi ko magamit ang nasabing camera ay humantong ang pag-aalala ko sa...google. Dito ko nalaman na hindi lang pala ako ang nakaranas ng problemang ito (yung busy message at ayaw mag klik ang shutter). May mga nagbigay ng payo at solusyon. Isa na rito ay baka kaya daw nag busy message ay dahil naka full auto mode ako, ika nga point and shoot at siempre kapag panay ang klik mo ay nag-iinit ang built in flash (auto focus assist beam). Yung iba naman ang solusyon ay baka daw low bat yung bat ng cam ko. O kaya naman ay baka puno na raw yung SD card at kailangan nang irepormat.




Ang una kong ginawa ay ilagay sa battery charger ang low bat na bat (buwakanabitz parang batbatan na ito). Sumunod ay nirepormat ko ang SD card (sayang nabura lahat yung top less picture na nakasave doon nung mga waiter sa timog). Neweis, tapos kung sundin lahat ang nasabing puedeng solusyon ay...ibinalik ko na ang fully charge na bat, bagong repormat na SD card at inilipat ko sa flash off mode ang camera.



Ok, mga kapatid sa kuwadradong mesa, "pose" uli at kukunan ko na talaga kayo. Matapos ang walang galawan at hindi maburang ngiti ng mga kasama ko sa kuwadradong mesa ay...HUWAAAAHHHH, ayaw pa ding magklik at may busy message pa ring lumalabas. Para hindi ako mapahiya sa mga tropa ko sa kuwadradong mesa ay nagpalabas ako ng mga mapapanis naming pagkain para gawing tanpulutz.



Habang lumalaklak kami ng malamig na serbesa at malamig na left over lechon na pinadala sa akin ng isang bagitong politiko ay halos lumipad ang isip ko. Kasi bago lang ang nasabing camera ko at bihira ko itong gamiting dahil mas gusto ko ang magjack...mag black jack bastos.



Fast Forward Dec. 26:

Pagkagising ko ay hindi pa rin ako mapakali dahil hindi namin nagamit ang nasabing camera. Kaya heto kutingting dito at kutingting doon. Basa dito at basa doon ng camera manual. Susana bagets walang paliwanag sa nasabing camera manual kung bakit nagkaroon ng busy message ang camera ko. Kaunting kaunti na lang ay gustong gusto ko nang tagain sa dalawa ang nasabing camera nung bigla kong maisip na pihitin ang focusing ring nung stock lens. YAHOO, gumagana na uli ang camera ko at kaunting himas na lang ito at siguradong babalik na uli siya sa katinuan niya at ako rin ay malamang na bumalik na rin sa katinuan ko. Please lang huwag mo akong ipahiya dahil wala na akong mapapanis na pagkain para ilabas sa mga tropa ko sa kuwadradong mesa.

Friday, December 25, 2009

merry christmas





Thursday, December 24, 2009

isang tulog na lang...YAHOO

My Christmas wish list:

1. Tuwalya na may tatak na up and down- para alam ko kung ano ang pampahid ko sa mukha at sa yagbols.

2. Beloballpen- yung nakakabura ng guhit/pelekis sa mukha kapag ginuhitan mo nung nasabing ballpen.

3. Beerbellybuster-beer na nakakapayat para kahit maparami ang toma mo ay hindi ka nagi guilty na lumaki ang tiyan mo.

4. Philadelpia Car-Yung kotse na puedeng mawala sa paningin ng mga lespu kapag coding ang plaka ng car mo.

Tuesday, December 22, 2009

E-Beer

Susana bagets, wala pa rin kupas si Kuya E kapag din lang laklakan ng malamig na serbesa ang pag-uuspan. Kala ko kasi mula ng magretiro ang mama ay maglalay low na. Ang mabigat pa nito, ang pinaluto pang tanpulutz ay chicharong bulaklak at adobong isaw. Allergic pa naman ako sa mga ganyang pulutan, kasi sabi nga ng lola ko nung nabubuhay pa (nadedo si lola kakakain ng lechon at chicharong bulaklak). Nung bata raw ako ay masyado daw akong mahilig sa mga ganyang pagkain kaya kung laklakin ko raw ang chicharong bulaklak nung araw ay banye banyera.

Kaya hayun nung ibaba na sa kuwadradong mesa namin ang nasabing pulutan ay hindi ko na siya tinantanan. Bahala na kung bumara na ang mga dapat bumara sa loob ng katawan ko, basta ang alam ko ay masarap ang tanpulutz namin. Para naman maalis ang guilty feeling namin sa nasabing tanpulutz ay nagpakuha at nagpabukas ako ng isang lata ng fruit cocktail, ika nga pang level ng sebo. Busetttt!!!


Sunday, December 20, 2009

Qi

Paano kaya magagawa yung dalawang okasyon ang papasyalan ko pero pareho sila ng oras. Ito kasi ang problema ko ngayon. Hindi lang dalawa kungdi tatlong okasyon ang dapat kong daluhan ngayon. Kung hindi ko kasi mapapagbigyan lahat ay baka naman magtampo sila. Pero hindi bale, kakayanin ko lahat iyan, hinay-hinay lang sa...malamig na serbesa.

Saturday, December 19, 2009

no chance

It's party time once again and everybody's in the happy mode. Here in our office we have to set aside those "black days" of our office life and just enjoy what's in for the day. Parties always give us some temporary relief in the daily stress in our life. It recharges our body and disposes some deadly toxins so that we can add another day into our life. And yeah, why dwell on miseries, it's Christmas time.

Saturday, December 12, 2009

shisha hangover


Ito mahirap kapag may bago kang toy, halos lahat yata nung aktibidades namin kagabi (friday the 11th) ay nakasentro sa nasabing toy. Pati nga si totoy buraot (TB) na mahilig masyado sa pulutan ay biglang nag laylow sa tanpulutz. Saan ka pa, wachimi (read: sashimi) na ang pulutan namin ay natira pa kagabi. Ganoong nung araw kapag nag ahin ako ng wachimi ay parang ang kainuman ko ay si mike enriquez, dahil talagang ayaw niyang tantanan ang pulutan.


Pero kagabi ay iba ang kilos ni TB dahil alam niyang magsasalang ako ng ilang gramong mint flavor sa shisha. Ang maganda pa nito ay nilagyan ko pa ng ice ang glass water bottle kaya isang hitit mo lang ay....nirvana. Nung maubos ang mint flavor ay sinalangan naman namin ng grape flavor, next ay apple flavor, tapos ay orange flavor. Nung magsawa kami sa ibat-ibang flavor ay dun na pumasok yung tustado naming utak. Ang sumunod na plano namin ay subukan kung ok kayang isalang ang wasabi as in wasabi flavor. Dahil kapag ok ang wasabi flavor, ibig sabihin ay puede rin ang kaldereta, papaitan, adobo o kaya ay crispy pata flavor.


Ang hindi ko lang nagustuhan kagabi kay TB ay yung ikinukulit niya. Nung magbukas kasi siya ng ika apat naming malamig na serbesa ay nagsuggest siya sa akin na subukan daw namin iyong flavor na naiisip niya. Isa lang ang tugon ko sa kanya, iligal iyun at baka kumapit ang amoy sa hose at pipe. Dugtong ko pa kung talagang gusto mo ng ganyang flavor, pumunta ka na lang sa gilid ng simbahan ng quiapo at marami kang mabibili doon.

Hoy mga bastos ibang flavor yung iniisip ninyo, sweet paper ang gamit doon. Ang kinukulit ni TB na isalang namin sa shisha ay yung...pamparegla flavor. Busettttt!!!

Friday, December 11, 2009

hubbly bubbly


Sa wakas ay napasa akin na rin ang pinangakong shisha ng mga taga damong maliit group. Siempre pa bago namin iuwi agad ang nasabing item ay sinubok muna namin ito. Kaya habang lumalaklak kami ng malamig na serbesa, kilawin at adobong kambing, inihaw na plapla at pinirito sa butter na maya maya ay nagsalang kami ng kaunting mint flavor na tobacco sa burner. Medyo excited kami dahil kuryus kami kung ano ba ang feeling ng lumalaklak ng shisha. Ang pinaka de best siempre ay yung unang hitit. Malamig sa dibdib ang dating niya. Bigla tuloy kaming nag trip na parang naka upo sa isang flying carpet at kasama ang mga chiching ni haring solomon. Isa na lang ang problema namin, kasi lahat kami dun sa kuwadradong mesa ay hindi nagyoyosi. Kaya ang naging topic tuloy namin habang humihitit ay kung kapareho ba ito ng epekto nung yosi. Kasi kung kapareho ng epekto ng yosi ang paglaklak ng shisha ay ako na mismo ang unang magbabawal sa mga kasama ko na gamitin ang nasabing item. Pagkatapos ko silang bawalan ay itatabi ko na sa bahay ko ang SHISHA.


Monday, December 07, 2009

patamain na sana ako sa lotto

Sunday, December 06, 2009

da erps

Hanep din itong si da erps (read: dad), wala pa ring kupas sa kantahan. Ito kasi talaga ang hilig niya mula pa noong bata. Kuwento nga niya sa akin noong araw daw ay kasama siya sa mga nananapat sa lugar namin ala "four aces" daw ang tema nila. Kaya nga kagabi nung dalhin ko doon sa haybol nila yung WOW minus one videoke ay nagulat na lang ako. Wala pa rin kakupas kupas ang boses at ang timing. Hiritan ko nga ng mga kanta ni Sinatra, Crosby (baduy hindi si David kungdi yung kay Bing), Martin at ilang pang majonda na kanta. Nag enjoy yung matanda at sa sobrang enjoyment ay ayaw bitawan ang mike. Yun lang.

Saturday, December 05, 2009

wow

Ito mahirap kapag sabado, hindi mo malaman kung ano ang una mong gagawin. Balak ko sanang simulan ang sabado ko sa paglalakad at kaunting jogging. Pero lilinisin ko rin naman ang haybol namin, katumbas na rin siguro iyun ng lakad at jogging.

After maglinis ng haybol:

Susana bagets, buo pa kaya itong WOW minus one videoke ko. Yan ang mahirap kapag naglilinis ka ng haybol, nakakahalukay ka ng mga gamit mo na akala mo ay nawala na. Back to WOW minus one videoke, ito ang hilig nila erpat at ni totoy buraot. Madala nga mamayang gabi ito sa haybol nila at matignan kung mahihilig pa rin sila sa kanta. Ako kasi ay hindi mahilig sa kanta kaya nga ang tagal nakatago nung nasabing WOW minus one videoke. Oops, ang tagal ko na palang nakatitig dito sa mga kanta ng WOW minus one videoke. Makagoli na nga at madala na ito sa haybol ni erpat para makarami.

Wednesday, December 02, 2009

yangsa

Susanabagets naman, bakit kaya nauso pa yung magkakalayo ang mga magkaka tropa. Ito kasing isang tropa kong balikbayan ay biglang tumawag sa akin at kinukumbida ako sa bday niya ngayon. Ang problema lang, malayo ang lugar niya at nahihiya naman akong makitulog doon. Pero "open" daw ang haybol niya sa akin kahit ilang araw ako doon. WOW, kaya lang jahi naman yun. Di bale, matagal pa naman ang bakasyon niya, sigurado isa sa mga araw na ito ay masusupot din kitang hinayupak ka. Yung pasalubong ko, bastos.

Monday, November 30, 2009

dancing with tears in my eyes

Ibang klase talaga itong si kris ng damong maliit group, kahit maga ang paa (gout?) isang text lang ang katapat at ayun "hege agad". Isa ito sa madaling kausap kapag rin lang erbukan ang pag-uusapan. Pagdating nga namin sa haybol nila ay nakahanda na ang serbesang malamig. Ang maganda pa nito ay ikaw ang mamimili kung pula (pilsen) o puti (lights) ang titirahin mo. Hindi lang basta pula o puti, kungdi sangkatutak na malamig na pula o puti ang nakababad. Yan ang mga magagaling na tao kapag rin lang tomadachi ang hilig mo, hindi na naghihintay ng ka share. Iskor agad para lumamig na. Ang da best pa dito ay may luto nang kilawin at adobong bencabs. Yung adobo nga ok na ang luto, pero inilagay pa sa sizzling plate para lalong maganda ang dating. Hindi naman siya napahiya sa akin, dahil yung request niyang crispy ulo ng baboy ay inihatid ko sa kanya ng mainit pa. Isa lang ang naging problema ko, hindi ko maalala kung paano ako nakauwi. Pssst, huwag kayong maingay ha, hindi ko talaga maalala kung paano ako nakauwi.

O.T-bakit daw dancing with tears in my eyes ang pamagat nito? Sagot-kasi yun ang pinapakinggan kong plaka nung sinusulat ko ito. Gusto ko na ngang palitan ang pamagat ng "Desire" ng GLJ, kasi ito na ang nakasalang na tugtog.

Sunday, November 29, 2009

tomato

Ano na kaya ang nangyari sa shisha ko?. Mukhang tumatagal ay nagkakalabuan na yatang makarating sa akin ang nasabing toy. Pero hindi bale may bago naman akong toy, yung compactron. Halos magdamag naming inobserbahan ito. Pati nga si erpat at si ermat ay nakisali rin. Hindi sila makapaniwala na ganun kaganda ang ibibigay na tunog nitong bagong "tomato". Nasanay na kasi kami dati sa tunog nung analog, yun pala ay puede pa itong pagandahin. Kaya hayun habang nagsa sound trip kami nila erpat/ermat, ay sinabayan pa namin ng toma ng red wine (para kay erpat/ermat) at malamig na serbesa. Pero mas masarap pa rin siguro kung habang tumotoma ay humihitit kami sa hookah. Waaaaaah, naalala ko na naman yung shisha ko.

Wednesday, November 25, 2009

cool

Sunday, November 22, 2009

hookah

Buwakanbitz to pieces, groge pa rin ako hanggang ngayon. Ibang klase talaga itong si Pareng Kristopher ng damong maliit group kapag nagyaya ng meeting sa kuwadradong mesa. Halos mag-abot abot yung malamig na serbesa ko sa mesa. Ika nga sa kankaloo, nakapila na ang tantos mo. Paano ko ba naman mauubos yung malamig na serbesa ko kung ang nasa harapan ko ay adobong kambing (benkabz to us), kaldereta, papaitan, kilawin. Tapos may ilalapit pa sa iyo na inihaw na bangus, fried chicken at spagetti, spageti, spaghetti ah basta pancit na may pulang sarsa. Bigla tuloy nabunsol si Tito Ferds, lantakan ba naman yung pancit na may pulang sarsa. Ang akala nya kasi ay wala kaming tanpulutz kaya nagpakabusog na. Ang masarap pa nito nung dumikit na sa akin si Pareng Kristopher, kasi may ibinulong siya na may pasalubong daw akong Shisha. Yahooohooo, oops teka hindi pa ako dapat mag celebrate, kasi sa huwebes pa daw ang dating ng mga bagahe niya. I'll keep my fingers crossed hanggang huwebes, baka kasi mabulilyaso pa.

Friday, November 20, 2009

It's beginning to look a lot like Christmas

Yahohooo malapit na talaga ang pasko, halos kabi-kabila na ang tumatawag sa akin na mga tropa kong nagba-balik bayan para dito magpasko. Katulad na lang ng isang best friend ko jan sa damong maliit sa nova. Halos hindi pa naibababa ang mga bagahe niya ay tumawag na agad sa akin para sabihing magpapalamig na raw siya ng paborito naming serbesa at tanpulutz na mehehe (read: benkabs). Yung isa namang tropa ko ay pinapapunta ako sa bagong bahay niya para daw basagan namin ng...malamig na serbesa. Ang kinatatakot ko ay yung isang tropa ko, hindi ito tumatawag pero bigla na lang lumulutan sa haybol namin. Ang mabigat pa, nung huling lumutang ito sa haybol namin ay may dala pang pasalubong at ilang kilong tanpulutz (alimango, leimpo, pla-pla). Yan ang masarap dito sa pinas, kapag nakaramdam na tayo ng kaunting ginaw dahil sa papalapit na pasko ay...fire na agad.

Wednesday, November 18, 2009

supot na supot

Hanep amoy serbesang malamig pa rin ang dighay ko kahit 24 oras na ang nakakaraan mula nung ipagdiwang ni pareng del ang kanyang kaarawan. Akala ko nga nung dumating kami (yes kami, three kasi kaming nanupot) ay may miting de abanse sa dami ng tao. Iba talaga kapag magaling na lalaki ang may kaarawan, halos sarado yung kalsada sa tapat ng haus nila. Ang masarap pa nito, sankaterbang malamig na serbesa (pilsen, lights, red horse) at alak ang nakababad sa drum na puno ng yelo. Pero ang nakatawag ng pansin sa akin ay yung inihain sa aming kalderetang pabo, pritong tilapia, tustadong igat, lumpiang shanghai, mangga at bagoong. Sabi tuloy nung dalawang kasama ko, supot na supot. Ang naging problema lang namin ay nung bunsol na bunsol na kami sa malamig na serbesa at tanpulutz ay kung paano makakatakas. Tito Ferds and Taruc, sasama ba uli kayo sa akin next year o baka nadala na kayo.

Oops muntik ko pang malimutan na pasalamatan si tito ferds dun sa banlaw namin sa haybol niya at sa mainit na bulalong baka, da best.

Sunday, November 15, 2009

snaz

Habang nag-iinuman kami nung kajamming kong music lover ay ikinasa namin yung plakang Nazareth na live album. Natutuwa kami dahil halos wala pang gasgas ang nasabing album. Malinaw pa rin sa amin yung sinisigaw ni tito dan bago niya kantahin yung Java Blues. Pero ang nakatawag sa amin ng pansin ay nung tignan namin yung lalagyan ng plaka. Ugali kasi namin noon na kapag nabili namin ang isang plaka ay lagyan ito ng petsa kung kailan nabili. Nabigla kami nung makita naming ang petsa nung pagkakabili ng plakang Nazareth ay November 16, 1982. Namputza, beinte siyete taon na pala bukas ang nasabing plaka. Ganoon na ba kami katagal nag aano...nakikinig ng plaka.

Friday, November 13, 2009

in search of tonats

Saan na kaya si Nato (Tonats to friends) ngayon?. Bigla ko kasi siyang naalala dahil nahalukay ko yung plaka kong Anak album ni Freddie Aguilar. Si Tonats ay isang tagong musikero sa Cogeo Antipolo. Marami ang naghahanap dito kapag may inuman sa Antipolo. Kasi nga bukod sa magaling siyang gumitara ay maganda pa ang boses niya. Halos dukutin namin nung araw si Tonats sa ibang mga tropa niya sa Antipolo kapag doon kami nakapuesto dahil na rin sa galing ng pagtugtog niya sa gitara. Kaya ko siya biglang naalala ay dahil nung pumasok na yung kantang "kasaysayan, pag-ibig at ala-ala" ni Freddie Aguilar. Noong araw kasi ay tinutugtog niya ito sa amin at halos isang dipa lang ang layo namin sa isat-isa. Kaya kapag binira na niya ang mga pamosong musika, tahimik na kami lahat. Kahit pa sabihin nagkalat ang pulutang kambing at malamig na serbesa sa mesa. Nung huli kasi akong maakyat sa mga tropa ko sa Cogeo ay nabalitaan kong isa na lang piyon si Tonats. Para siguro maiahon sa hirap ang pamilya niya. Sayang ang talento ng mamang ito.

Bigla ko rin tuloy naalala si Lito, isa ring magaling na gitarista ng aming panahon na ngayon ay masaya nang nagkikipaglaro sa mga apo niya....pero ibang kuwento na ito.

Monday, November 09, 2009

sound trip













Wednesday, November 04, 2009

beer vitamins

Uso na naman ba trangkaso. Nung kasing makausap ko yung isang katropa ko sa kuwardradong mesa ay nabanggit niya sa akin na nadale silang lahat ng lagnat. Kinabahan agad ako, kasi parang pakiramdam ko din ay hindi ako makahinga at barado ang ilong ko. Sabagay tubig lang naman daw ang gamot kapag barado ang ilong. Ano yun parang alulod na may bara, bubuhusan mo lang ng tubig para bumaba yung bara. Parang mang kepweng style yata yung suggestion na iyon. Ah basta, isa lang ang alam kong gamot kapag barado ang ilong, may lagnat, masama ang pakiramdam at kung ano ano pang sakit. Malamig na serbesa lang ang katapat niyan.


Sunday, November 01, 2009

undas

Saan kaya ako pupunta mamaya, ito kasi ang mahirap kapag undas at yung mga nadedo na naming mga relatives ay kung saan saan nakabaon. Dapat talaga siguro ay mauso na yung may kanya kanya tayong libingan sa sarili nating bakuran. Kaya siguro dumarami na ang nagpapa cremate. Kasi nga naman mas madali mong madadala ang abo nung mga namayapa mo nang mga mahal sa buhay.

Thursday, October 29, 2009

atm

Marami kayang pila bukas sa atm. Doon kasi namin kinukuha yung sukli sa sahod namin. Bakit sukli?, kasi nauna nang kumuha yung pinagsanlaan namin ng sahod, kaya sukli na lang ang kukunin ko sa atm. Mahirap kasing makisabay dun sa mga magwiwithdraw bukas, lalo na dun sa mga papauwi ng kani kanilang probinsya para ipagdiwang ang undas. Ibang klase talaga ang mga noypi, lahat yata ng okasyon ay inaabangan. Siguro isa rin ito sa mga dahilan kung bakit mahirap ang pinas. Kahit kasi kaunting okasyon ay ubusan ng ubusan ng salapi ang mga noypi. Tapos kinabukasan nakatunganga na naman. Ah, siguro hindi na natin mababago ang ganitong tradisyon/kaugalian natin. Pero hindi bale masaya naman tayong mga noypi. Teka, bakit bukas pa ko pipila sa atm. Puede ko na namang kunin ngayon yung sukli ko. Anyway three hundred pesoses na lang naman yun. Pang iskor ng ten bottles of ice cold beer at yung sukli siguro konting tanpulutz at pantaya sa lotto. Noypi talaga.

Monday, October 26, 2009

tito jun bday





Friday, October 23, 2009

1200 a.d

Sa wakas ay nakaharbat na rin ako ng technics sl-1200 mk2 (turntable to baduy). Disgrasya lang ang pagkakaharbat ko sa nasabing unit. Yun kasing pinarerestore kong sony belt drive turntable ay hindi maayos ayos nung restorer dahil masyadong perfectionist yung mama. Ang gusto niya mangyari ay pag nirestore yung sony ay para bang bagong bago. Pinagbigyan ko ang trip ni loko dahil hindi naman ako nag aapura na marestore agad iyon. Isa pa mayroon pa naman akong ginagamit na lumang sansui na naharbat ko naman sa isang poging mama na nagsawa na sa plaka. Ito ngayon ang naging problema, napudpod yung stylus (ortofon) nung sansui kaya para akong nabalian ng pek...opps pakpak. In short, i was deprived of my favorite pass time, which is listening to music (esp vinyl) and i have to resort to drinking very (ice) cold beer every night to drown my loneliness asus. Kaya hayun takbo uli ako dun sa restorer para malaman kung oks na yung sony tt ko. Kaso hindi pa rin ayos, pero may isang nakatunganga doon na sl-1200 at mukhang nagmamakaawa sa akin. To make the long story short, pag uwi ko ay dala ko na ang nasabing sl-1200.

Kinabit ko agad siya sa vintage luxman ss ko at humalukay ng plaka. Ang una kong nadapule ay yung elton john greatest hits. Side two agad ang isinalang ko kung saan naroroon ang kantang rocket man. WOW, hanep ang tunog, parang nalimutan ko tuloy yung iba kong turntable. Ewan ko ba, siguro tahimik lang sa lugar namin nung ikinasa ko ang elton john greatest hits. Kaya muli akong naghalukay at nadapule ko naman ang isang michael franks album. Ganun din, da best din ang dating. Isa na lang ngayon ang kulang para ma enjoy ko ang nasabing tt. Magbukas ng malamig na serbesa, hindi para lunurin ang kalungkutan ko kungdi para ipagdiwang ang bagong dating kong TOY.

Thursday, October 22, 2009

tito ferdies bday


Taruc (Jun T), Tito Ferds, Tita Sonya, Coyote (Algene R) and Chicong (Ipe S)


Chicong, Taruc, Tito Ferds (standing), Coyote and SNY


Tuesday, October 20, 2009

why worry

Susana bagets, malapit na naman ang pasko. Sigurado puro gastos na naman ito. Bakit kaya nakasanayan ng mga pipol na magtapon na limpak limpak na salapi kapag birthday ni bosing? Kaya tuloy yung iba, sinasabi nila na ang pasko ngayon ay komersyalismo na lang. Wala na talaga yung tunay na dahilan kung bakit may pasko. Para sa akin, nandun pa din yung tunay na diwa kung bakit may pasko. Yun nga ang hiwaga jan, kaya masaya lahat ng tao dahil nga isinilang na si bosing. Pero teka, layo pa yata nun, hindi pa nga tapos ang...undas.

Sunday, October 18, 2009

the day after toma

Yehehey, ilang tulog na lang at bday na ni taruc at ni tito ferds. Sigurado dami na namang bisita sina bossing. Iba talaga kapag bagyo ang may beerday. Kaya lang dapat, kapag bday hindi na kami sana tumotoma, kasi madalas naman kahit walang okasyon ay tumotoma din naman kami. Para ba maiba naman. Nakakasawa na rin.

Friday, October 16, 2009

food tripping at kangaroo jack steak and grill

Wednesday, October 14, 2009

chibug

Ano kaya magandang iluto ngayon? jahi naman kasi kung monggo at paksiw na naman ang tirahin namin. Sabagay masarap ding ulam yun, kaya lang medyo late na lutuin ngayon yun, di bale next time na lang yung. In the meantime, magbubukas na lang ako ng dila...as in sardinas na dilata.

Tuesday, October 13, 2009

akustic

Nakatsamba na naman ako ng isang magandang cd (imho). Ang binabanggit ko ay yung shawn colvin live na cd. Kaya ko nasabing tsamba ay dahil merong mga cd na batbat ng promotion at kabi-kabila ang review. Pero kapag iniskor mo na yung cd ay alaws kuwenta pala. Sagad lang sa payola. Ito kasing kay shawn colvin (sc na lang para maiksi) ay hindi ko man lang nabalitaan na inilabas. Minsan lang akong nakabasa nung review nito sa isang jaryo (hindi tiktik). Naintriga ako kaya umiskor na rin ako. Pero nung pinakinggan ko na...da best, wala kang itatapon na track. Ika nga hindi ka mag skip para marinig agad yung magandang kanta sa nasabing cd. May katipo itong ale sa style ng pagtugtog niya ng accoustic. Si tita nancy wilson ng heart, ito yung utol ni ann at kilala sila sa pinasikat nilang kantang dog and the butterfly, barracuda, magic man (peborit ko yan). Kaya ko biglang naalala si tita nancy ay dahil naglabas ito ng solo album, Live at McCabe's Guitar Shop. Ang lupit (hindi nung bagyo) ng bersyon ni tita ann dito nung kantang even it up, kathy's song (simon at garfunkel original) at love mistake (peborit din). Pero teka, nasaan na kaya yung cd ko nung mcabe's, mukhang naestapa na naman nung mga "best friend" ko daw. Langya.

Saturday, October 10, 2009

huwaaahhhhhhhhhhhhhhhhh

Waahhh ano nangyari dito bakit lahat ng taypin ko ay may underline at iba ang kulay. Oopps, na virus na naman kaya ang computer ko? Teka off ko muna baka nadale nga. Busettttt.

Friday, October 09, 2009

dont argue with the nincoompoops

Ang sabi nila, kapag daw nag-iinuman kayo, ang una mong tatandaan ay huwag kang makikipagtalo sa katomaan mo. Ang isa pang pinakamahirap sa lahat ay kapag yung katomaan mo ay iisa lang ang direksyon ng utak-puro papunta sa kanya. Nakaranas kasi ako minsan ng ganitong kainuman (buhay pa naman siya). Simpleng music trivia lang ang pinagsimulan ng pag-uusap namin (ayokong isipin na nagtalo kami, dahil baka matalo ako). Ang nangyari ay ipinipilit niya sa akin ang isang nakataga sa batong (facts) katotohanan tungkol dun sa musikero. Ang hindi niya alam, noong ipinanganak ako ay nakatatak sa wetpu ko bilang birth mark yung nasabing musikero. Kaya alam ko mula sa ulo hanggang sa kinalalagyan ng tagay ko na mali ang sinasabi niya. Ang pagkakamali ko lang ay itinama ko ang pagkakamali niya. Ayun nagtampo ang loko at kung bigyan ako ng tagay ay laging kulang sa sukat. Hindi na lang ako nagpahalata na nahalata ko siya sa ginagawa niyang pagtaggay sa akin. Bilang ganti, kada kulang na tagay na natatanggap ko sa kanya ay binabawian ko naman sila sa pulutan. Ang ginagawa ko ay nilalantakan ko yung pulutan at hindi ko talaga sila (pulutan) tatantanan. Excuse me po.

Thursday, October 08, 2009

rust never sleeps

I'm just wondering on how to clean or take off the rust on one's guitar. It looks very annoying, to think that I seldom use the toy. I tried the WD-40 but nothing happened; it only added up in the gathering of dust. I went to some known malls that were selling anti-rust, but lo and behold, they are out of stock (of said anti-rust). Blame Ondoy for it. So the final solution I resorted to is to take out the strings and just wipe the toy with a damp cloth. Now here's the problem: I want to play the toy and I can't do something about it. Oh, I'd just rather count my blessings.



"Because something is happening here
But you don't know what it is
Do you, Mister Jones?"

Monday, October 05, 2009

time machine

May napanaginipan ako. Nagmotor (tig-isa kami) daw kami nung kasama ko sa isang lugar dahil may kukunin siya doon. Nung makarating na kami dun sa lugar ay nag-ikot ikot muna ako habang hinihintay ko yung kasama ko. Maya maya pa ay tinanong ko yung isang mama kung nasaan na yung kasama ko-umalis na daw sabi nung mama. Kaya mabilis kong pinaandar yung motor ko at binaybay na rin yung kalsada pauwi. Dito na nagsimula yung problema ko. Kasi hindi ko kabisado yung lugar. Nagtanong ako dun sa mama na nakita ko sa unang kanto kung paano makabalik sa lugar ko. Ngunit yung itinuro niya ay mali. Kaya nung may makita uli akong tao ay nagtanong uli ako kung paano ba makakabalik sa lugar ko. Sinabi niya na sundan ko lang daw yung mga jeep na pababa sa kalsada. Nung sinundan ko naman yung jeep ay nakarating lang kami sa dead end. Ang sabi nung driver nung jeep ay hindi daw dun ang pabalik sa lugar ko. Kaya bumalik uli ako sa itaas para muling magtanong kung saan ang daan pabalik sa lugar ko. Ginawa nung kausap ko na nagtitinda ng mga sisiw ay tinuro niya yung isang daan at dun daw yung pabalik sa amin. Nung napuna niyang parang nalilito na ako ay sinamahan na niya ako dun sa maliit na daan. Kaya lang ang itinuturo niyang pabalik sa lugar ko ay yung isang silong nung bahay. Inangat niya yung takip nung silong at sinabi niyang dun daw ako lumusot para makabalik sa pinanggalingan ko. Hindi ko siya sinunod dahil imposibleng mangyari iyon. Maya maya pa ay nakakita ako ng telepono at tumawag sa bahay namin. Nagulat na lang yung kausap ko sa telepono dahil apat na buwan na daw akong nawawala. Paano mangyayari iyon? ganoong halos isang oras pa lang akong naghahanap kung paano makakabalik sa lugar ko. Nung ibinaba ko ang telepono at pinaandar uli yung motor ay nagising na ako.

Sunday, October 04, 2009

It ended when you said goodbye

Ito mahirap kapag linggo at marami kang puedeng gawin sa haybol. Siempre pa bago ka kumilos ang unang seremonyas mo ay magbukas ng sounds para pampagana habang naglilinis ng haybol. Ang una kong hinalukay ay yung mga lalagyan ko ng cd at vinyl. Maganda kasi kapag maglilinis ka ay mabibilis na tugtog ang dapat. Led Zep, Deep Purple, Grand Funk, Blood Rock, buset ang daming puedeng pagpilian. Hindi pala ako puedeng DJ, kasi hindi ako mapakali sa iisang music. Pero teka ano kaya itong burned cd na walang title na nakatago sa mga lalagyan ng koleksyon ko ng cd at vinyl. Sigurado maganda ito kaya ko itinabi ito, maikasa na nga. Susana baget,s parang pamilyar yung boses nung singer ah. Tama si Skeeter Davis at yung kanta? The End of the World. Oops, parang nagpaparamdam yata ang hinayupak na ito. Katatapos lang ni Ondoy at ni Pepeng. Sabagay may nanghula nga na malapit na raw talaga ang pangkalahatang delubyo. Lahat ng senyales ay nakikita at nararamdaman na natin. Ayun nagka-idea tuloy ako kung ano ang susunod na cd na ikakasa ko. Yung Genesis at ilalagay ko agad sa track 6-9.

Saturday, October 03, 2009

anak ng pepeng

Buset talaga itong mga bagyo. Bakit na lang ba tuwing sabado kayo kung dumating. Ito lang halos ang araw ng pahinga ko na puede akong magpuyat "hangang magdamag"-parang kanta yata ito. Ang dami namang araw jan na puede kayong dumalaw sa pinas. Bakit hindi nyo gawing lunes hangang huwebes para suspendido lahat ng pasok. Nasira tuloy yung "iskidyul" ko. Ang dami ko pa namang natanggap na imbitasyon at pinapupunta ako sa ganoon at ganito. May nangumbida sa akin sa tomaan at walang limit na pulutan. Yung isa namang nag text sa akin ay nagpalamig na raw siya ng serbesa. Yung isa naman ay sa labas nagyayaya. Teka, teka, teka mukhang nakakahalata yata ako ah. Hindi naman mga regular na nagkukumbida sa akin ang mga hinayupak na iyon ah. Bakit kung kailan kalakasan ng bagyo ay saka nila ko pilit pinapupunta sa mga lugar nila. Ninos inocentes ba ngayon.


Thursday, October 01, 2009

ortofon or tapon

gumagana naman yung plater


ayos naman yung head-shell


tone arm, cuing level at anti-skate ay ok din


plinth at dust cover ay puede pa din, pero bakit hindi ko mapatugtog yung mga plaka ko? Anak ng mumurahing single (45) nasaan na yung stylus ko, bakit biglang naglaho. Pahamak talaga itong mga langgam na pula...o baka naman yung ipis ang may kasalanan. Marami kasing bubwit dito sa haybol. Waaaah, nasira yung karayom. Sabi ko na nga ba huwag kong gamitin yung maliit na brush sa lumang make-up kit ni ermat. Buset.

Monday, September 28, 2009

Im not the kind of man who tends to socialize



Oh what a rainy and disastrous weekend. Hope that everything's going to be fine after the storm. Whenever there is an approaching storm, I always remember my friends from the old days. We used to hang around in street corners, complete with our fave raincoats and a boom box/cassette player. We played our collection of rock and roll tapes while waiting for the storm to come. We had a friend (totoy rewind) before who loves to "rewind" our rock and roll tapes with his ball pen, because during those times, if you wanted to play your favorite music, you had to wait for it since you cannot just skip to that song. You had to rewind/forward it by using your cassette player, or in our case, by using a ball pen or a rolled scarf.