Tuesday, October 31, 2006

spooky


Ngayon ay all hallows' eve, kaya lahat naman ng mga pipol ay patungo sa sementeryo para linisin ang isang taon nilang pinabayaang libingan ng kanilang mga mahal sa buhay. Mapupuna mo na karamihan sa mga pumupunta sa sementeryo sa araw na ito ay puno ng mga parapernalya para iraos ang araw ng mga patay. May mga dalagita na naka ipod jan at halos kita na ang guhit ng puwit sa likod kapag yumoko para magturok ng kandila. Yung mga kalalakihan naman ay may dalang gitara, mga alak ng kung saan saan itinatago para hindi masita ng mga bantay at pulis na gusto ring lalaklakin yung mga alak na nakumpiska nila. Ang sabi nga ng iba, ang mga pinoy kahit anong okasyon laging may nakakabit na bisyo. Hindi lilipas ang ano mang okasyon na walang inuman, shabuhan, tsongkian (is that a chinese word?), sugalan at yung iba rambulan. Isipin mo, imbes na magdasal ang mga pinoy sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay, ang inatupag ay magbaraha, lumaklak ng alak, magpatugtog ng pagkalakas-lakas, magtext o kunan ng video ang mga seksing chiching na gusto namang pumorma sa pantiyon. Sabi nila bawal daw magpasok ng alak, baraha, matatalim na bagay, gitara, stereo, cassette, phono, kalan de koryente, bilyaran, karaoke, magic sing, hiwaga komiks, slot machine, video karera, poel (?), rolling machine at kung ano ano pang makaka istorbo sa paggunita sa araw ng patay. Pero lahat iyan ay makikita mo sa loob ng sementeryo kapag araw ng undas. Kasi ba naman nagtataka ako sa mga nagpapasunod ng sistema dito sa atin, gagawin mong taunang tradisyon ang katulad ng undas pero lahat naman ng ikasisiya ng mga tao para hindi sila maiinip sa pag istambay nila sa sementeryo ay ibabawal nila, ano kayo mga asshole? At sa palagay nyo naman susunod ang mga pinoy sa mga pinagbabawal ninyo, asshole. May tropa nga kami na kapag bisperas ng undas, kumbidado kami lahat ng tropas sa libingan ng mga kamag-anak nila at alam nyo ba ang baon namin, alak, yelo, pambukas ng alak at de lata, adobong sawa, ihawing bangus, tapang yokaba, cassette at sangkaterbang tape, pulbos at pomada para pangporma, hot towel, hot oil at condom. Kandila? bakit kami magdadala ng kandila sa sementeryo, saan namin gagamitin yun eh may dala na naman kaming uling at poel pang-ihaw ng bangus.

Sunday, October 29, 2006

the weather is cool, the folks are fine




All shots were taken on saturday night during the much awaited but delayed birthday celebration of Jun S. (Taruc to friends). As you can see there were no clear shots, and it showed the situation on what it really was on that saturday night. Pictures dont lie and you cannot hide if your intoxicated. But why is it that Taruc's birthday always tops the list?. Because we all know that after that date (October 26) Christmas is not far away and that means more get togethers and lots of ice cold beer. We always have time to see each other and talk about life, our past miseries, whats in store for our future and the "in-betweens" and I can tell that we have already matured maybe just a little bit but deep inside all of us there's always that childish bonding. The unwritten code of friendship. As to the pictures, you can see that the player's faces are all the same except for the venue. This time and because of Taruc's 'nth birthday celebration, we opted to celebrate it infront of his mama's house and not in our favorite hang-out, coyote's place.

Saturday, October 28, 2006

pretty maids all in a row

May libro akong nabasa noong araw na may pinamagatang " Goddesses of the Lust Triangle" na sinulat ni Arnel F. De Guzman, isang sociologist, UP Professor at Director ng Friends of Filipino Migrant Workers, Inc., isang non-government organization na mas kilala sa pangalang KAIBIGAN. Patungkol ito sa mga kababaihan na nagtratrabaho bilang "hospitality girls" o kung tawagin ngayon ay GRO at ang iba naman ay yung tinatawag na erotic dancers. Bigla kong naalala ang librong ito nang ako ay makumbida kasama ang dalawa ko pang "opusmeyt" sa isang club sa qc. Nakakaaliw panoorin ang mga babae habang sumasayaw sila ng walang saplot, bagay na hindi ko kinakaila bilang isang lalake. Isa sa mga host namin ng gabing iyon ang nagbanggit na ang edad ng mga sumasayaw na babae ay mula disiotso hanggang bente anyos. Nakuha pa nga niyang magbiro at sinabing kapag daw bente uno na ang mga babae ito raw ay "retirado" na. Habang minamasdan ko ang mga babae sa entablado, hindi mawala sa isip ko ang panghihinayang. Gusto ko sanang alamin kung bakit sa ganoong edad ay ito ang napili nilang pasuking trabaho. Dahil ba sa malakas ang kita dito o dahil na rin sa kawalan ng makukuhang maayos na trabaho. Tinignan ko ang paligid at pasimpleng sinulyapan ang ibang mga customer at mapupuna mo na halos karamihan sa mga nanonood ay kalahati ang tanda kesa sa mga babae sa itaas ng entablado. Ako rin ay isinama ng isa naming host sa tinatawag nilang "aquarium" kung saan ilan pa ring naggagandahang babae ang nakaupo sa sofa. Ipinaliwanag sa akin na puede raw isama ang mga ito sa isang VIP room kung saan ay may charge na limang daang piso kada oras ang mga babae. Pahabol pa niya, puede mo na raw gawin ang gusto mong gawin sa VIP room, kung ano man ang ibig niyang sabihin dun ay hindi ko na inalam.

Thursday, October 26, 2006

the kids are alright

Ilang araw na lang ay halloween na at siguradong lahat ng paligid niyan ay balot ng istoryang katatakutan. Pero bago tayo mapunta sa mga nakatitindig balahibong istoryahan, may ikukuwento muna ako sa inyo tungkol sa isang bata. Aktuwali nagsimula ang kuwentong ito nung taong 1966, medyo makulit ang batang ito at minsan nga ay bigla itong nawala sa isang piyestahan. Lahat tuloy ng bisita dun sa piyestahan ay nakisali sa paghahanap. Pero hindi naman pala siya talagang nawala kundi sumama lang sa musiko na nagbibigay ng aliw sa mga namimiyesta. Dumating naman ang panahon na dapat na siyang mag-aral. Ang ginawa naman ng batang ito ay madalas magtago sa silong ng bahay nila para hindi siya makita dahil na rin sa ayaw niyang pumasok sa iskuwela. Sabi nga ng matatanda sa lugar nila, lahat daw ay gagawin nito huwag lang pumasok sa iskuwela. Tapos madalas yang makitang naglalaro sa gilid ng bahay nila, kung saang pinaniniwalaang may nuno sa punso doon. Kapag tinatanong siya ay sinasabi niyang may mga kalaro siya dun na di nakikita ng ibang tao. Tinagurian din siyang anito king, hindi dahil madalas siya sa anito, kundi dahil kaya niyang maglaro ng puro lumang ballpen lang ang hawak at iniisip niyang mga basketball players ito. Nang magbinata na siya ay dun na niya nadiskubre ang musika. Nahilig siyang makinig ng kung ano anong klase ng musika-rock, jazz, blues, punk. Nahilig pa nga ito sa mga damit na itim at may pins ng mga sex pistols, ramones. Nung panahon niyan ay kasabay na rin ng pagkahilig niya sa alak at sa iba pang nagpapaligaya sa isip at katawan ng mga tao. Ito yung tinatawag ng "experimental years" kung saan dumarating sa tao yung gusto mong masubok lahat, tama man o mali. Sa panahong iyan ay dumami rin ang mga kabarkada niya na may kaparehong pakay sa buhay na katulad niya. Pero sabi nga dumarating sa buhay ng isang tao yung magiging mahinahon ka na rin. Isa rin siya sa unang sumayaw sa ganoong tugtog. Sa kilos lang siya naging mahinahon pero yung hilig niyang tugtog ay nanduon pa rin. Hanggang sa ngayon ay nakikita ko pa rin ang batang ito matapos ang apatnapung taon. Katunayan nga sa sabado ay may nakahanda siyang kaunting pagsasalo para magpasalamat sa ibinigay na buhay sa kanya mapabuti man o mapasama. Happy birthday Tol.

Tuesday, October 24, 2006

Hey hey hey, that's what I say.

Ngayon ay Eid’l Fitr (Feast of Charity) o yung katapusan ng fasting ng mga muslim at bilang respeto sa mga kapatid nating muslim ay idineklara na walang pasok ngayon. Nagkaroon tuloy ako ng oras para muling silipin ang mga nakolekta kong vinyl records. Sa paghahalukay ko sa mga kober ng plaka ay hindi ko maiwasang hawakan ang album ng Rolling Stone's, ito yung kulay puti ang kober at mga mukha nila ang nakalagay. Double album ito at naglalaman ng mga magaganda nilang kanta. Bigla tuloy pumasok sa alaala ko ang isang matalik na kaibigan nung panahong nasa kolehiyo pa ako, si Joey Morales. Sa kauna unahang pagkakataon kasi nang maisama ko siya sa bahay ay ang Rolling Stone's album agad ang kanyang napansin. Dito na kami nagsimulang magkaroon ng malawak na unawaan patungkol din lang sa musika ang pag-uusapan at isa lamang siya sa mga barkada ko na umiindak sa tugtog ng stones. Halos araw araw ay magkasama kami nito, sa pagpasok sa eskwela dahil malapit lang ang inuuwian niya sa akin, sa pagsabit sa jeep, sa pagtakbo sa siguradong rumble, sa pagtakas sa bayarin sa ininom at pinulutan namin sa gilid ng post office ng manila at sa pag-iwan ng relo ng isa pa naming kaibigan na si Fred nang hindi namin mabayaran ang "chit" namin sa Shakey's monumento. Pagkatapos ng kolehiyo ay naputol ang komyunikasyon namin at nabalitaan kong napadpad na lang siya sa Hongkong upang maging isang OFW at kung minsan ay biyakero ng mga nalulungkot na babae. Kaya't habang tinitignan ko ang lumang plaka ay di ko maialis sa sarili ko ang mapangiti dahil sigurado akong sa gilid ng hongkong ay may umiindak na biyakero at nag-iisip kung paano niya matatakasan ang "chit" niya sa restoran.

Monday, October 23, 2006

dave? dave's not here

Paano mo ba maipapakita ang pagmamahal mo sa isang kaibigan? Isang simpleng tanong pero magusot ang kasagutan. Maraming paraan, puede mo siyang samahan kung may gusto siyang gulpihin, hatian para sa titirahin niyang gamot, magbulag bulagan sa ginagawa niyang katarantaduhan, aminin sa kanyang asawa na girlfriend mo ang kabit niya, sabihing kasama mo siya kagabi kahit hindi naman, marami masyadong maraming dahilan. Pero lahat iyan ay mali kung pagkaka-ibigan rin lang ang pag-uusapan. Dahil ang tunay na kaibigan ay hindi kumukunsinte sa maling ginagawa niya. Napatunayan ko ang ganda ng samahan ng barkada namin nung magdiwang ng kaarawan ang isa naming kaibigan. Dito ko nakita na kahit pala marami na kayong nadaanang kasiyahan at kalungkutan at puede pa ring mamayani ang pagsasamahan. Pinatawagan ko lahat ang tropas upang bigyan ng isang sopresang handa ang may okasyon. Mismong ang tropa namin na may kaarawan ay nabigla sa hindi inaasahang pagdating namin sa kaniyang tahanan. Upang hindi naman siya maperwisyo ay inobliga ko ang lahat ng darating na magbigay ng isang daang piso para na rin tulong sa may kaarawan kung ano man ang magiging gastos niya. Siempre pa, hindi naman matatapos ang gabi sa isang daang pisong kontribusyon dahil habang dumadami ang naiinom at napupulutan ay kasabay na lumuluwang ang mga bulsa at pitaka ng nagsidalo. Ang lakas makalimot ng problema, lalo na't kasama mo ang lahat ng tinuturing mong kaibigan, kaya naiisip ko na dapat sigurong ipagpatuloy ang ganitong sistema tuwing may kaarawan sa mga tropa. Maaring mahirap ngayon ang panahon, pero ang sabi nga nila, basta magkakaharap tayo ay mairaraos lahat iyan may pera man o wala. Sa parteng iyan ay saludo ako.

mang-aawit ng ating panahon

Alay kay Fred Garcia...

Naging espesyal ang nakaraang sabado ng gabi para sa akin, dahil nagkaroon ako ng pagkakataong muling mapanood ang isa sa mga respetadong musikero ng ating panahon, wala iba kundi si Ginoong Heber Bartolome, titser, pintor, makata, kompositor at higit sa lahat mang-aawit ng ating panahon. Siya ang tampok ng mang-aawit sa My Brother Mustache (MBM) nung gabi ng sabado. Matagal tagal na rin naman mula ng mapanood ko si Heber na tumugtog ng "live". Ang pinakahuli ay yung isang konsyerto na ginanap sa isang parking lot sa Ayala na inorgisa ni RJ kung saan kasama niya ang kanyang dalawang kapatid na sina Levi at Jesse Bartolome at iba pang mga pinoy rockers na katulad ni Sampaguita, Anak Bayan (buhay pa noon si Edmund Fortuno) at marami pang iba. Maaring siya mismo ay hindi na rin niya matandaan ang konsyertong ito dahil na nga sa katagalan, pero para sa akin ay sariwa pa rin sa alaala ko ang konsyertong iyon pati ang dilaw na polong suot niya at natatandaan ko pa rin. Kaya naging espesyal sa akin nang malaman kong tutugtog siya sa MBM. Agad kong inaya ang aking kapatid at tumungo kami sa naturang lugar. Pagdating namin doon ay inabutan namin ang regular na mang-aawit ng MBM na si Albert De Pano. Pagkatapos ng ilang kanta ay nakita na naming dumating si Heber at isa isa niyang inispatan ang mga parokyano ng MBM. Lumapit siya sa mga tao upang pasalamatan ang mga nagsidalo at sinabing magsisimula na siya makalipas ang sampung minutong tonohan. Habang tinotono ang gitara ay pinakilala muna niya ang ibang mga bisita na dumating. Isa na rito si Professor Edru Abraham at Rogelio Mangahas. Matapos ang maikling pasakalye ay inawit na niya ang Tayo'y mga Pinoy at Almusal. Tinanong ang mga tao kung may gustong ipakanta sa kanya. Agad kong binanggit ang kantang Awit sa Kasal at kanya naman agad kinanta ito kasunod ng Awit ng Ating Panahon, Katotohanan Lamang, Kung Walang Pag-ibig. Ang sumunod na inawit niya ay ang Soldyer, Awit Ko at isang bagong komposisyon na pinamagatang Abe Aginaldo, isang kanta patungkol sa sama ng epekto ng shabu at ugmang ugma sa panahong ito. Muli kaming humiling ng isang pang kanta na may pamagat na Sonata at Leri, isang awit na inalay niya para kay Valerio Fuente-pinaslang na UP Librarian. Halos tumayo lahat ang balahibo ko nang awitin ang Huling Awit para kay Pepe. Pagkatapos nito ay nagpahinga muna siya at ipinakilala ang isang titser/gitarista/mang-aawit mula sa bacoor na si Joel. Nagpaunlak ng tatlong kanta si Joel, ang orihinal na komposisyon niyang may pamagat na Pumapatak ang Ulan, Siyam-Siyam- isang politikal na awit patungkol sa pagkayamot niya sa sistema ng gobyerno at ang nakakaaliw na Langgam. Ang sumunod na umawit ay ipinakilala sa pangalang Bong Baybay, isang Fiscal at binigyan niya ng panibagong buhay ang awit ni Heber na Karaniwang Tao, isang makatayong balahibong rendisyon. Nang muling sumampa si Heber sa entablado ay ibinigay na niya ang lahat ng hinihiling ng mga tao katulad ng Buhay Pinoy, Inutil na Gising, Nena, Paaaralan at ang pinakahuli ay ang Pasahero. Hindi ko maiwasang himayin ang mga panitik na naglalaman sa bawat kanta niya at dito ko nakita na halos tatlong dekada na pala ang nakaraan mula ng gawin niya ang mga awit na ito ngunit kung iyong papakinggan ay parang kahapon lamang nangyari. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkahabag sa ating bansa at sa pilipino dahil halos tatlong dekada na ang nakakalipas ay wala pa ring pinagbago ang pilipinas-mahirap pa rin tayo.

...Si Fred Garcia ay isang matalik na kaibigan, minsan musikero, panatiko ng Banyuhay at karaniwang tao. Siya ay kasalukuyang nagtratrabaho sa Italy kasama ang kanyang pamilya. Tapos ng kolehiyo ngunit napilitang mangibang bansa upang doon makakuha ng trabaho dahil na rin sa kawalan ng makukuhang trabaho dito sa Pilipinas.

Pagkat ako'y karaniwang tao
May simpleng trabaho
Katamtamang suweldo
Walang bahay at lupa o kotseng magara
Na meron sila ako'y wala
Ang tanong ko'y -Ba't nagkaganito?
Sobrang trabaho, di sapat ang suweldo
Walang bahay at lupa sa sariling bansa
Ba't meron ang dayuhan ako'y wala?


Karaniwang Tao by Heber Bartolome

Saturday, October 21, 2006

the art of sisig

ingredients:

1 1/2 kilo liempo, sinuso or pork head
1 head garlic (dikdikin hanggang sa magkaleche leche)
2 big onions (minced)
1 small luya (optional)
otsenta pesos na siling labuyo
pamintang high (durog)
small amount of vinegar
salt
kalamansi
pigs brain (ibaksak sa pinagpakuluan ng baboy)

procedure:

-pakuluan ang liempo, sinuso or pork head para lumambot
-kapag malambot na, ihawin o lutuin sa turbo (para tustado at mukhang chicharon)
-kapag luto na, hiwain ng maliliit at ilagay sa isang bowl
-isama ang pinahirapang bawang, sibuyas, dalawang pisong siling labuyo
kaunting pamintang high.
-pigaan ng kalamansi at lagyan ng sili
-magbukas ng malaming na beer
-inumin ng kaunti ang malamig na beer at tikman kung ayos na ang lasa ng sisig
-kung kulang sa sibuyas ay dagdagan pa
-inumin ng kaunti ang malamig na beer at tikman kung tama na ang dinagdag na sibuyas
-lagyan pa ng kaunting sili o paminta para medyo may kagat yung anghang
-inumin ang malamig na beer at tikman kung ayos na ang anghang
-dagdagan ng kaunting asin para mabalanse ang lasa ng kalamansi
-magbukas uli ng isa pang malamig na beer
-inumin ng kaunti ang malamig na beer at tikman ang sisig kung nag abot na ang alat at asim
-pigaan pa ng kaunting kalamansi
-inumin ang malamig na beer at tikman ang sisig kung kumagat na ang asim
-haluing mabuti ang sisig para hindi puro sibuyas ang nakikita sa ibabaw
-magbukas uli ng malamig na beer at inumin ang kalahati
-tikman ang sisig kung naghalo na ang sibuyas at hiniwang baboy
-inumin ang beer at tikman ang sisig para masigurong naghalo na ang sibuyas at baboy
-hinaan ang kalan para maiinin ng maayos ang kanin
-magbukas uli ng malamig na beer at inumin habang wala pa ang mga tropas
-tikman ang sisig at siguraduhing papasa sa mga darating na tropas
-ubusin na yung beer at parating na ang mga tropas
-ihanda na ang sizzling plate

Mukha yatang nalimutan natin kung ano ang gagawin sa pork brain.

-ilaglag ang miswa sa pinagpakuluan ng baboy at isama ang pork brain
-patayin na ang apoy ng kanin
-itabi na rin ang sizzling plate
-pagdating ng mga tropas ay iahin ang kanin at bigyan sila ng miswa dahil ubos na ang sisig at wala na rin serbesa. Tapos mga tol bahala na kayong magligpit ng kinainan nyo at matutulog lang ako sandali dahil pagod ako sa kakagawa ng sisig. goodnight




erbuk sa balsa

Hindi pa rin kumukupas ang sisig sa balsa sa niugan, masarap pa rin at ang maganda pa nito kapag maaga kang dumating (6:00 pm) katulad namin ng ankol ko, marami pa silang magbigay ng sisig. Kasi napuna ko kapag gumagabi na dun at umorder ka ng sisig, kaunti na lang ang binibigay nila. Kinakatar na siguro sa kusina. Maganda ang lugar na ito kaya kahit nasisira ang ulo ko sa timog ay naiisipan ko pa ring pasyalan sila paminsan minsan. Bukod kasi sa walang kamatayan nilang sisig, masarap din dito yung tilapia na tinabunan ng oyster sauce at plinatadahan ng tustadong bawang, yung grilled pusit nila masarap din, kaya lang bago ka umorder, tanungin mo muna si Rommel (yung floor manager nila) kung malalaki ba yung pusit nung araw na yun. Nakaorder kasi ako minsan ng grilled pusit sa kanila, ang problema muntik pa akong kasuhan ng bantay bata foundation, kasi masyadong maliit yung pusit na dumating sa akin. Isa pang madalas naming orderin ng ankol ko jan ay yung tuna belly nila na per 100 grams ang presyo. Maganda rin silang magluto nito, pero siempre dahil mahirap ang panahon, tatanungin mo muna kung ilang grams yung oorderin mo kasi baka mamaya kasing laki ng tiyan ni ike lozada yung ibigay sayo mawawalan ka na ng budget sa ice cold erbuk. Siempre pa ang dinadayo mo sa kanila bukod na nga rin sa ice cold erbuk ay yung lugar. Dahil dito puede kang uminom at isalampak ang yagbols mo sa balsa habang nagpipiga ng sili para sa darating ninyong tanpulutz. Kung hindi ka naman makakuha ng balsa, kasi dati lima lang ang available nilang balsa, ngayon aapat na lang dahil yung isa daw ay inarbor ni milenyo nung nakaraan septyembre, puede ka namang pumwesto sa dining hall nila, maganda rin para kang nasa lobby ng barko dahil nakalutang din yun sa tubig. Sabagay kapag sinabi mo namang malabon, ang unang iisipin ng mga makakarinig sayo ay baha, baha at baha. Ito naman talaga ang trade mark ng malabon at navotas, bukod sa tapang kabayo. Kaya karamihan tuloy sa mga gustong pumunta sa balsa ay nagdadalawang isip kapag tag-ulan , kasi kapag inabot ka nang ulan sa balsa ay malamang maparami at mahaba habang inuman ang mangyari sa inyo dahil na rin hindi agad kayo makaka-alis dun, kasi nga dapat muna kayong magpalipas ng baha bago kayo uli makalabas ng malabon. Nung minsan nga kami pa din ni ankol ko (siya lang naman lagi ang kasama ko jan) ay inabot ng malakas na ulan. Marami ring kostumer nung gabing yun at dahil na nga biglang umulan, nagmukhang Sullivan County yung balsa, nagsigawan kasi yung mga kustomer ng "no rain, no rain, no rain" at saka may tumayo sa gitna at nagsalita ng "if we think very hard, maybe we can stop this rain". Sabay pasok ng Crosby, Stills & Nash at nagsalita ng "this is our second gig, this is the second time we've played in front of people..."

Thursday, October 19, 2006

3 coins in the fountain (now youre messin with a son of a bitch)

Narinig nyo ba yung palitan ng pag-uusap nung isang internet subscriber at nung babaeng nag handle ng complaint sa call center. Mukhang naging masama ang kanilang pagpapalitan ng usapan. Pinadalan kasi ako ni coyote ng email na naglalaman nung usapan nung subscriber at nung babaeng nasa call center. Pinakinggan kong mabuti ang palitan nila ng pag-uusap at tinimbang kung bakit umabot sa ganoong sitwastyon. Nagtataka lang ako bakit umabot sila na magmurahan sa ere ganung ang reklamo lang naman nung lalaking subscriber ay yung kawalan niya ng internet connection. Maayos ang tanong nung lalake at maayos din naman ang sagot nung babae sa kabilang linya. Pero kung oobserbahan natin hindi sana aabot sa ganoong pagtatalo kung ang mismong mga internet provider natin ay iaayos ang dating ng internet connection sa atin. Kung ating titimbangin pareho silang may karapatang magsalita, una na sa lalaking subscriber, hindi mo maiaalis sa kanya ang pagkayamot dahil na rin sa nagbabayad ka ng internet connection mo na wala namang connection at para naman sa babaeng nasa call center totoong hindi niya kasalanan ang pagkawala natin ng internet connection dahil ang trabaho talaga ng mga ito ay ang "humarang sa kanyon", kung alam nyo ang ibig kong sabihin. Bigla tuloy akong naawa dun sa babae nung sinabi niyang nagtratrabaho lang siya at huwag sanang murahin. Pero saludo rin naman ako dun sa lalaking nagrereklamo dahil kahit ramdam mo sa kanya ang matinding kunsomisyon ay nakuha nya pa ring makipag-usap ng maayos. Kailan kaya darating sa pilipinas yung ibibigay talaga ng mga nagnenegosyo ang tamang serbisyo sa mga kostumer nila? Hindi na natin kailangang isa isahin ang mga reklamo pero ang dami talagang ang gusto lang ng mga negosyante dito sa pinas ay mahuthot ang pera ng mga kustomer at bahala na ang susunod. Amen.

Tuesday, October 17, 2006

upuan

Wow ang daming nakakalat na lespulayts kanina sa kakalsadahan ng makati, hindi naman sila nag aabang ng mga violators kundi itinalaga sila doon para mapanatili ang kaayusan ng paligid dahil na rin sa kaunting insidente doon na may kinalaman sa balak na pagsuspinde sa mga lokal na lider ng naturang lugar ng mga sangay ng DILG, para sa akin ay natutuwa ako sa pangyayari...endayy hindi dahil sa planong pagsuspinde sa mga lokal na opisyal wala akong pakialam jan. Natutuwa ako dahil sinuspinde ang pasok namin sa opis, kaya nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon na kutkutin ang yagbols ko maghapon. Bigla tuloy pumasok sa isip ko yung ginawang kanta ni Florante nung araw, yun bang upuan.

U P U A N

Nakaupo ako lumalamon sila,
masasaya itong aking mga kaibigan.

Abot kamay nila ang bunga ng puno
dahil balikat ko ang ginawang tuntungan.

Habang namimitas lalong natatakam,
sila ay para bang wala ng kabusugan

kahit alam nilang mayrong mga langgam
at ang aking paa ang siyang inu-upakan.

Nais ko ng magpahinga,
marami na kong nagawa at natulungan

Akoy labis na nag-aalala,
baka ang puno ay tuluyan ng maubusan ng bunga.

Nakaupo ako nagbabantay sila,
ang mga aso koy laging maa-asahan.

Hindi ko lang alam ang binabantayan,
ito bang puno o itong aking upuan.

Itali ko kaya sa bahay ng langgam,
maglilingkod ba o maghahari-harian.

Masasagot lamang ang malaking tanong
kapag ako ay nawala na ng tuluyan.

Nais ko ng magpahinga,
marami na kong nagawa at natulungan

Akoy labis na nag-aalala,
baka itong mga aso ay maulol at magwala

Nakaupo ako naiinggit sila,
silang nais na pumalit sa aking upuan

Ayokong tumayo sa upuang ito
kahit itoy sinusurot at ina-anay.

Ang upuang ito ay para sa bantay
ng punong ang ibinubungay kayamanan.

Nangangamba ako kung uupo sila
baka ang puno ay lalong mapabayaan.

Nais ko ng magpahinga,
marami na kong nagawa at natulungan

Akoy labis na nag-aalala,
marami ang magtutulakan makuha lang ang aking upuan




Monday, October 16, 2006

it's more fun to compute

Namputz muntik ko na namang patakbuhin si enday sa quiricada para bumili ng micardis, aspilet at valium. Kasi ba naman dalawang araw akong walang internet connection. Nung tinatawagan ko naman yung internet provider ko para ipaalam sa kanila, hindi ko rin makontak at puro background music ni chopin o ni mozart yung naririnig ko. Alam naman nating lahat na mas matagal na ang iniistambay ng tao sa harap ng computer kesa manood ng tv o magbate. Kung minsan masama rin yung masyado tayong natatali sa ganitong technology. Kami na lang ng mga tropas ko, dati kapag gusto naming magkita at umistambay, pupunta kami lahat sa kanto ay doon poporma at totoma. Ngayon text lang ang katapat, nagkaka-usap na kayo ng mga tropa mo. Kung minsan naman nagkikita-kita na lang kayo sa chat room at nagkukunwari kayong lahat na binata. Pero sabi nga nila lumiit ang mundo mula ng mauso ang internet, kasi katulad nung araw kapag may kamag-anak ka sa ibang bansa, bago kayo magka-usap ay kailangan mo pang sumulat ng pagkahaba-haba at lalawayan mo pa yung sobre at saka ipadadala sa kanya, samantalang ngayon isang e-mail lang nasabi mo na lahat ang gusto mong masabi at kung medyo sosi ka puede kayong mag-usap na nakaharap sa web cam. Kailan kaya mauuso sa internet yung pag nag search ka ng magagandang babae ay puede mong madownload sila at lalabas mismo sa loob ng kuwarto mo yung magagandang babae. Kapag nangyari yan, malamang balik na naman tayo sa panonood ng tv at pagbaba...te.

Saturday, October 14, 2006

i had a dream, crazy dream

Ano ba ang mensahe ng panaginip? Kasi kahapon, friday the 13th ng madaling araw ay nanaginip ako and this is what happened: Napasok daw ako sa isang law firm bilang isang typist at first day ko sa law opis. Nadatnan ko dun yung dalawang lawyer at isang seksing sekretarya, medyo bata pa yung dalawang lawyer ang isa medyo chubby at ang isa ay medyo payat ang pangangatawan. Siempre dahil na rin sa bago lang akong pasok sa opis nila, medyo shy pa ako. Yung tabachiching na lawyer ay pilit gumagawa ng paraan para ako maging "at home" sa opis, kaya inalok pa niya ako ng kinakain nilang chiz curls. Tapos nung yosi time na, inaya ako nung dalawang lawyer sa baba ng building at nagyosi sila sa tabi ng parking lot. May dumating na car na top down na parang chevrolet at may sakay na tatlong lalaki. Tapos nagtanong sa kay tabachiching na lawyer kung saan sila puedeng magpark. Itinuro ng lawyer yung baganteng area para sila magpark at nagpasalamat na yung driver sa amin. Nung paparada na siya ay ginitgit siya ng isang kotseng maliit na corola at nagkainitan sila. Bumaba ang apat na lalaki na sakay ng corola, mga lespulayts pala ito at ang isa ay may bitbit na baril (.45 cal), hindi naman niya niyabang yung baril sa tatlong lalaki, ipinakita lang niya agad ito para na rin maiwasan ang pagtatalo at pagktapos ay lumakad na ang apat na lespulayts papunta sa building na kinatatayuan namin. Walang nakapuna sa tatlong lalaki na mayroon palang armalite yung isa at kinuha sa chevrolet style nilang kotse ay sabay pinaputok sa direksyon ng mga lespulayts, ayun sapul si tabachiching na lawyer at ako, tumba agad ako ay may naramdamang mainit na tingga sa gilid ng tiyan ko at ang pakiramdam ko ay parang najijingle ako, kaya bigla akong nagising at nakita ko sa relo na alas kuwatro na pala ng umaga araw ng biyernes friday the 13th. Dahil na rin sa panaginip ko kaya napadpad ako sa search engine sa internet upang alamin ang ibig sabihin ng panaginip ko. Ang una kong tinignan ay ang kahulugan ng lawyer o law office sa panaginip. Ang ibig sabihin daw nito ay maari akong masabit sa isang iskandalo. Sumunod naman ay tinignan ko ang kahulugan ng baril sa panaginip at ang ibig sabihin daw nito ay maari akong magkaroon ng misfortune, mukhang interconnected nga ano. Sinilip ko rin ang ibig sabihin sa panaginip ng sasakyan at ito raw ay nagpapahiwatig ng gusto mong puntahan sa buhay mo. Ang huli kong sinilip ay ang ibig sabihin sa panaginip ng seksing sekretarya sa law opis. Kaya pala bigla akong nagising at nararamdaman ko na parang najijingle na ako, ito na pala yung may kinalaman sa seksing sekretarya sa law opis dahil pag gising ko ang tigas tigas nung etits ko. Pero hindi ko puedeng ligawan yung si seksing sekretarya kasi kay attorney tabachiching yun baka tanggalin ako sa trabaho ni tabachiching first day ko pa naman sa kanila ngayon. Kaya kinuha ko na lang yung walkman ko sa drawer at pinatugtog ko yung tape na nakakasa sa loob-Have you any dreams you'd like to sell? dreams of loneliness like a heartbeat .. drives you mad in the stillness of remembering what you had and what you lost ...and what you had...thunder only happens when it's raining players only love you when they're playing say women they will come and they will go when the rain washes you clean you'll know you'll know...sabay laklak dun sa chiz curls na bigay ni attorney tabachiching.

saturday the 14th

Hello everybody, kapag binabasa mo pa ito, ibig sabihin hindi ka nasama kahapon sa mga minalas. Bakit, ano ba ang mayroon kahapon? wala naman kaya lang ay friday the 13th kahapon, ito ay ang pangalawang pagkakataon na pumatak ng biyernes ang petsa trese sa taong 2006, ang isa ay noong Enero. Ang paraskavedekatriaphobia, paraskavidekatriaphobia, paraskevidekatriaphobia o friggatriskaidekaphobia basta yun ang tawag sa mga napapraning sa petsang iyan ay isang uri ng takot na kung saan ay iniiwasan mong gumawa o lumabas sa araw na iyan sa pangambang baka may mangyaring masama sa iyo. Pero alam nyo bang sa ibang bansa ang kinatatakutan naman nila ay yung tuesday the 13th. Saan nga ba nagsimula ang ganitong uri ng pangamba? Ang kuwento ayon na rin sa ibang mahilig magkwento pero wala namang kuwenta, ito ay nagsimula noong panahon ni King Philip the Fair ng France, dahil siya'y naiinggit sa kasikatan at yaman ng mga Knights of Templar. Kaya isang araw ng biyernes the 13th ay pinahuli niya ang pinaka bosing ng mga templars na si Jacques De Molay ay ito ay pilit niyang pinaaamin sa mga kasalanang hindi naman niya ginagawa. Siguro dating noypi itong si King Philip the Fair, kasi tignan nyo nung una nainggit siya sa mga templar, eh ang alam ko lang na maiinggitin ay mga noypi at ang pangalawa naman ay yung pinaaamin niya ang mga templar sa mga kasalanan na hindi naman nila ginagawa, diba noypi lang din ang mahilig gumawa niyan. Kaya pala marami ring noypi ang ayaw lumabas at kumilos ng friday the 13th. Pero ang alam ko dahil na rin sa kawalan ng trabaho sa pinas ang mga noypi ay ayaw ding magsilabas at kumilos kahit monday the 9th, tuesday the 10th, wednesday the 11th, thursday the 12th at everyday. Yan ang pinoy spirit.

Monday, October 09, 2006

120/60

(babala: ang mga sumusunod na kuwento ay kinakailangan ang patnubay ng mga magulang at mga totoong doktor)
Masyadong nakakaalarma yung balitang maraming naha high blood sa panahon ngayon at hindi lang yung mga may edad na ang tinatamaan ng high blood pressure kundi pati na rin yung mga medyo bata pa. Ano ba ang dahilan at parang dumadami ang nadadale nito?. Ang sabi ng iba, dahil na rin daw sa lifestyle natin ngayon, kasi masyadong bumibilis ang takbo ng panahon at hindi na tayo halos nakakapag ehersisyo. Pati na rin ang kinakain natin ay hindi na masustansya at puro artipisyal na lang. Pero hindi lang naman sa mga kinakain natin tumataas ang presyon natin, kasi kapag gising tayo ay marami tayong minsang gustong gawin at isa na rin ito para tumaas ang presyon natin. Kapag ang tao ay nagiging masaya o excited tumataas din minsan ang presyon natin. Maari ring ang dahilan ng pagtaas ng presyon natin ay yung bang stress o di kaya naman ay yung kawalan natin ng pera. Meron namang iba ay dahil na rin sa kanilang sistema sa buhay katulad na lang ng paninigarilyo o pag inom ng alak at kape at walang kasamang ehersisyo. Pero ito ay maari nating maiwasan kung aayusin lang natin ang ating sistema sa buhay. Alam nyo bang ang sex ang isa sa pinakamagaling na paraan para pababain mo ang iyong presyon. Pero kung hindi ka makadapuli ng makakasiping mo, puede ka naman maglakad kahit kalahating oras araw araw. Ako nga nung isang araw ay naglakad rin sa iskinita namin para naman makondisyon ang puso ko at upang maiwasan ang pagtaas ng presyon ko, ang kaso may nagbiro naman sa akin na kaya raw ako naglalakad ay dahil tumataas na raw ang presyon ko. HINDEEEE HINDE PA KO NAHA HIGH BLOOD BUSETTT HINDOROPOT , KAYA LANG AKO NAGLALAKAD AY DAHIL WALA AKONG MAUTUSANG BUMILI NG JARYO AT ANO BA ANG PAKIALAM MO SA BUHAY KO, WALA NAMAN AKONG PAKIALAM SA IYO, BUSETT HINDOROPOT FUCKIN "A"....SINONG TUMATAAS ANG PRESYON? AKO? BUSETTT HINDEEEE...(hingal hingal hingal)...ANG GAGALING NYO PORKET NGAYON NYO LANG AKONG NAKITANG NAGLALAKAD KINUKUTYA NYO AGAD AKO MGA INGITERO.

Sunday, October 08, 2006

at loose ends (idiomatic)

May mga nag text sa akin na tropa at nagtatanong kung bakit wala raw akong post sa blog nung sabado, kasi nasanay sila na kapag sabado ay marami akong nilalagay na post sa blog dahil na rin sa wala akong pasok sa araw na iyan, ano raw ba ang nangyari at hindi ako nakapag post. Pwes ang dahilan, nakumbida ako sa eskwelahan ng isa kong tsikiting na nag aaral sa isang catholic school para sa isang relocation. Ang sabi ko nga, iho hindi relocation ang tawag dun kundi recollection, ito ay ginagawa taon taon ng mga catholic school para ibalik ang isip natin sa poong maykapal upang muli tayong mapalapit kay bosing at mapasalamatan naman siya sa mga naibigay niya sa atin. Kaya ayun dala ang maliit na rosario (hindi ito si rosario na nakita nyong kasama ko sa gimikan), lumusob agad ako sa eskwelahan upang umatend ng recollection. Putz of all putz pagdating ko doon sa catholic school, yung ibang mga umatend ay naka short lang at t-shirt, para tuloy nababastos yung program. Para naman hindi ako mahalata na bihis na bihis, inalis ko na lang yung "as long as live" na polo ko na tinahi pa sa glenmore sa recto at nagtashert na lang din ako. Anak ng putz, paglapit ko ba naman ang sabi agad nung si Mother Abbess at Sister Margaretta ay pakibuhat ko na raw yung ibang blackboard at marami pa kaming ililipat na gamit. WHATTTTT maglilipat lang pala kami ng gamit dahil nga may relocation sila at hindi pala recollection. Susana bagets, nagbihis pa naman akong mukhang tao talaga ng simbahan tapos pagbubuhatin lang pala kami ng mga libro, blackboard at panty ng mga madre. Para naman hindi nila mahalata na galit ako, tinira ko muna yung micardis, aspilet at valium na baon ko, sabay kuha ng eraser at chalk para ilipat sa kabilang room habang sumisipol ako ng "the hills are alive with the sound of music" at "climb every mountain".

rosamunde

October na at kabi kabila na naman ang gimik ng mga grill house at mga maliliit na beerhaus para mag promote ng kani kanilang october festival. Ika nga baha na naman ang beer sa kalsada at para sa mga parokyano ng beer ito na ang pinakahihintay nila para mamula na naman ang hasang nila. Pero saan ba nagsimula ang ang tradisyon na october fest. Sa aking paghahalukay sa internet, ang kuwento pala dito ay ikinasal ang hari ng Bayern at umabot ang tsibugan at tomaan ng mga loko ng walong araw, sa dami na rin siguro ng mga taong "nanupot". Kaya mula noon ay nakasanayan na ang pagdaos ng october festival taon taon lalo na sa bayan ng Munchen (Munich). Pero osla rin tong mga german, kasi naghihintay pa sila na dumating ang october para may dahilan silang lumaklak ng lata latang beer, eh dito sa pinas huwag di magdikit ang mga yagbols ng mga manginginom laklakan na agad ng beer kahit na January fest, February fest, March fest, April fest, May fest (di ba kinanta pa nga ng bee gees ito), June fest, July fest, August fest, September fest, October fest, November fest at December fest. Talaga nga naman ang mga pinoy pagdating sa inuman puro fest-e (peste). Roll out the barrel, we'll have a barrel of fun, roll out the barrel, we've got the blues on the run, zing boom tararrel, ring out a song of good cheer, now's the time to roll the barrel, for the gang's all here....cheers....alak pa.

Tuesday, October 03, 2006

ad age

Mukhang gumana na naman ang pilipino mentality natin nang mapuna ang mga billboard na nagbaksakan dahil na rin sa bagyong milenyo. Halos lahat ay nakisawsaw na naman sa issue. Pati ako makikisawsaw na rin. Sabagay matagal na rin namang nananawagan ang mga noypi para ma-regulate ang mga paglalagay ng mga billboard dahil sa bukod sa delikado ito sa mga motoristang malilibog, nagiging "eyes" polution talaga ito. Nung minsan nga tinananong ko yung isang bata sa kalsada kung ano ingles ng langit, ang sabi ba naman sa akin ay billboard daw. Paano ba naman kapag tumingala ka talaga sa langit ay hindi mo na ito makikita at dahil natatakpan na halos ng mga billboard ang mga paligid. Sumakay ka naman ng bus sa EDSA, pag dumating ang kundoktor sayo at sinabi mong sa Ortigas ka lang bababa, ang sasabihin agad ng kundoktor sa driver niya ay may bababa sa Jhonie Walker, kasi mas kilala ng tao yung nakakabit na billboard sa Ortigas. Kapuna puna tuloy na guminhawa ang ating paligid ngayon dahil walang mga harang na billboard at pati tuloy ang hangin ay medyo lumamig dahil na rin nawala ang mga billboard. Para sa akin tama rin naman ang gustong mangyari ng mga trapo natin na ma-regulate ang paglalagay nito, kaya lang bakit ganyan tayong mga noypi, kung kailan mayroon nang nadisgrasya ay saka na naman tayo gagawa ng kung ano anong batas at imbestigasyon. Hindi ba puedeng maunahan naman natin ang sakuna bago tayo uli magkaroon ng mga imbestigasyon, ika nga manicure before pedicure. Paano naman kung bigla ngang magkaroon ng regulasyon sa paglalagay ng billboard at dumating ang panahon ng eleksyon, susundin din kaya ito ng mga tatakbong mga trapo at hindi nila ipaglalagayan ang malalaki nilang mukha at mga nagawa sa mga naglalakihan at nagtataasan na mga billboard na yan? Billboardin nyo mga mukha nyo.

Sunday, October 01, 2006

house of the rising sun

Namputz napuyat na naman ako kagabi, nagkaroon tuloy ako ng wrinkles sa puwet. Ang plano lang kasi namin sana kagabi ni taruc and coyote ay tumira ng tig apat na ice cold beer and then we will call it a night pero hindi ganun ang nangyari bigla kasing dumating si Jun D. no endayyy hindi D as in drugs kundi D as in Dequito, sabagay puede ring D as in drugs dahil ang trabaho niyan ay magtulak ng legal na drugs. Distributor kasi yang si Jun D ng drugs at connected yan sa isang kilalang pharmaceutical company na nasa kanto ng Buendia at Ayala Extension. Bigla ngang dumating si Jun D. kaya imbes na tig apat lang na ice cold beer sana kami naging tig tatlo na lang (12 devided by 4 is equals to 3), no joke lang, naparami lalo ang beer namin at napasarap ang kuwento. Nung gumagabi na, naalala namin na wala naman palang okasyon maliban lang sa disperas pala ng araw ng mga ANIMAL. Ayun kaya pala nagkita kita kaming mga animal at bilang respeto nga sa disperas ng mga animal, hindi kami kumain ng aw-aw at puro cholasterol free ang tsinibog namin para naman mabalanse ang LDL at HDL namin. Sa mga hindi medically inclined and LDL ay ang bad cholasterol at ang HDL naman ay yung good cholasterol, sige itanong nyo kay Jun Drugs este Dequito alam na alam nya yan dahil thats his line of work.

black night

Wow hindi pa rin matapos ang kuwentuhan tungkol sa bagyong milenyo, matagal tagal na rin naman kasi mula ng hagupitin tayo ng ganung kalakas na bagyo. Nung ngang biyernes nagkaroon kami ng pagkakataon na mapunta sa danny's grill sa quezon city, ang mga pinoy talaga kahit katatapos lang ng bagyo tuloy pa rin ang TGIF gimik. Ang daming tao nung gabing iyon kahit generator lang ang gamit ng danny's dahil halos kalahati ng quezon city ay blackout pa rin. Ang nakakatuwa pa nito halos lahat ng umiinom ang pinag-uusapan ay si milenyo. Pagkatapos namin sa danny's ay susubukan sana namin yung dampa sa qc, kaso hindi kami makakita ng mapaparadahan dahil ang dami ring pipol, kaya napunta kami sa pier 1. Pero hindi rin kami nagtagal dun dahil sa sobrang dami ng tao, halos makalimutan ng waiter ang order namin, kaya lumipat uli kami at napunta kaming dencio's sa tapat ng abs-cbn compound. Marami ring pipol dito ang maganda lang sa dencio's ang karamihan sa mga umiinom ay mga artistahin ang porma kasi nga malapit sa abs-cbn. Nung magpunta nga ako ng c.r ay may lumapit sa akin at kinukuha akong double ni robin. Tinanong ko tuloy yung mama kung totoo ba yun, kasi ang layo naman ng hitsura ko kay former bad boy. Sabagay sabi nga ng lola ko nung araw mukhang artistahin daw ako, kaya tinanong ko uli yung mama kung kailangan ko bang magpahaba ng buhok, kamukha nung buhok ni robin. Nung marining nya yun, parang nagtaka siya at sabi niya sa akin hindi ko na raw kailangang magpahaba ng buhok dahil magmamaskara naman daw ako sa shooting. Maskara? bakit anong pelikula ba ni robin ang gagawin at kailangan niya ng double na nakamaskara. Sabi ba naman nung mama sa akin, sino bang robin ang iniisip ko, ang gagawin daw pala nilang pelikula ay batman and robin at ako nga ang magiging double ni robin. Sa sobrang galit ko dun sa mama ay hindi ko na naipagpag yung itits ko at binigyan ko agad siya ng milenyo punch o di pati si spider man hiningan niya ng saklolo. Waiterrr yung chit namin ipakain mo dun sa mama, pakibilisan lang please.