Wow hindi pa rin matapos ang kuwentuhan tungkol sa bagyong milenyo, matagal tagal na rin naman kasi mula ng hagupitin tayo ng ganung kalakas na bagyo. Nung ngang biyernes nagkaroon kami ng pagkakataon na mapunta sa danny's grill sa quezon city, ang mga pinoy talaga kahit katatapos lang ng bagyo tuloy pa rin ang TGIF gimik. Ang daming tao nung gabing iyon kahit generator lang ang gamit ng danny's dahil halos kalahati ng quezon city ay blackout pa rin. Ang nakakatuwa pa nito halos lahat ng umiinom ang pinag-uusapan ay si milenyo. Pagkatapos namin sa danny's ay susubukan sana namin yung dampa sa qc, kaso hindi kami makakita ng mapaparadahan dahil ang dami ring pipol, kaya napunta kami sa pier 1. Pero hindi rin kami nagtagal dun dahil sa sobrang dami ng tao, halos makalimutan ng waiter ang order namin, kaya lumipat uli kami at napunta kaming dencio's sa tapat ng abs-cbn compound. Marami ring pipol dito ang maganda lang sa dencio's ang karamihan sa mga umiinom ay mga artistahin ang porma kasi nga malapit sa abs-cbn. Nung magpunta nga ako ng c.r ay may lumapit sa akin at kinukuha akong double ni robin. Tinanong ko tuloy yung mama kung totoo ba yun, kasi ang layo naman ng hitsura ko kay former bad boy. Sabagay sabi nga ng lola ko nung araw mukhang artistahin daw ako, kaya tinanong ko uli yung mama kung kailangan ko bang magpahaba ng buhok, kamukha nung buhok ni robin. Nung marining nya yun, parang nagtaka siya at sabi niya sa akin hindi ko na raw kailangang magpahaba ng buhok dahil magmamaskara naman daw ako sa shooting. Maskara? bakit anong pelikula ba ni robin ang gagawin at kailangan niya ng double na nakamaskara. Sabi ba naman nung mama sa akin, sino bang robin ang iniisip ko, ang gagawin daw pala nilang pelikula ay batman and robin at ako nga ang magiging double ni robin. Sa sobrang galit ko dun sa mama ay hindi ko na naipagpag yung itits ko at binigyan ko agad siya ng milenyo punch o di pati si spider man hiningan niya ng saklolo. Waiterrr yung chit namin ipakain mo dun sa mama, pakibilisan lang please.
Sunday, October 01, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
koya neloloku mo naman kame, kailan pa ba nagkaroon ng Pyir 1 sa quizon city, ang alam ko ang mga pyir ay sa manela lang kase deyan man gid aku nasakay kapag umoowe ng province.
Post a Comment