Saturday, October 21, 2006

erbuk sa balsa

Hindi pa rin kumukupas ang sisig sa balsa sa niugan, masarap pa rin at ang maganda pa nito kapag maaga kang dumating (6:00 pm) katulad namin ng ankol ko, marami pa silang magbigay ng sisig. Kasi napuna ko kapag gumagabi na dun at umorder ka ng sisig, kaunti na lang ang binibigay nila. Kinakatar na siguro sa kusina. Maganda ang lugar na ito kaya kahit nasisira ang ulo ko sa timog ay naiisipan ko pa ring pasyalan sila paminsan minsan. Bukod kasi sa walang kamatayan nilang sisig, masarap din dito yung tilapia na tinabunan ng oyster sauce at plinatadahan ng tustadong bawang, yung grilled pusit nila masarap din, kaya lang bago ka umorder, tanungin mo muna si Rommel (yung floor manager nila) kung malalaki ba yung pusit nung araw na yun. Nakaorder kasi ako minsan ng grilled pusit sa kanila, ang problema muntik pa akong kasuhan ng bantay bata foundation, kasi masyadong maliit yung pusit na dumating sa akin. Isa pang madalas naming orderin ng ankol ko jan ay yung tuna belly nila na per 100 grams ang presyo. Maganda rin silang magluto nito, pero siempre dahil mahirap ang panahon, tatanungin mo muna kung ilang grams yung oorderin mo kasi baka mamaya kasing laki ng tiyan ni ike lozada yung ibigay sayo mawawalan ka na ng budget sa ice cold erbuk. Siempre pa ang dinadayo mo sa kanila bukod na nga rin sa ice cold erbuk ay yung lugar. Dahil dito puede kang uminom at isalampak ang yagbols mo sa balsa habang nagpipiga ng sili para sa darating ninyong tanpulutz. Kung hindi ka naman makakuha ng balsa, kasi dati lima lang ang available nilang balsa, ngayon aapat na lang dahil yung isa daw ay inarbor ni milenyo nung nakaraan septyembre, puede ka namang pumwesto sa dining hall nila, maganda rin para kang nasa lobby ng barko dahil nakalutang din yun sa tubig. Sabagay kapag sinabi mo namang malabon, ang unang iisipin ng mga makakarinig sayo ay baha, baha at baha. Ito naman talaga ang trade mark ng malabon at navotas, bukod sa tapang kabayo. Kaya karamihan tuloy sa mga gustong pumunta sa balsa ay nagdadalawang isip kapag tag-ulan , kasi kapag inabot ka nang ulan sa balsa ay malamang maparami at mahaba habang inuman ang mangyari sa inyo dahil na rin hindi agad kayo makaka-alis dun, kasi nga dapat muna kayong magpalipas ng baha bago kayo uli makalabas ng malabon. Nung minsan nga kami pa din ni ankol ko (siya lang naman lagi ang kasama ko jan) ay inabot ng malakas na ulan. Marami ring kostumer nung gabing yun at dahil na nga biglang umulan, nagmukhang Sullivan County yung balsa, nagsigawan kasi yung mga kustomer ng "no rain, no rain, no rain" at saka may tumayo sa gitna at nagsalita ng "if we think very hard, maybe we can stop this rain". Sabay pasok ng Crosby, Stills & Nash at nagsalita ng "this is our second gig, this is the second time we've played in front of people..."

0 comments: