Paano mo ba maipapakita ang pagmamahal mo sa isang kaibigan? Isang simpleng tanong pero magusot ang kasagutan. Maraming paraan, puede mo siyang samahan kung may gusto siyang gulpihin, hatian para sa titirahin niyang gamot, magbulag bulagan sa ginagawa niyang katarantaduhan, aminin sa kanyang asawa na girlfriend mo ang kabit niya, sabihing kasama mo siya kagabi kahit hindi naman, marami masyadong maraming dahilan. Pero lahat iyan ay mali kung pagkaka-ibigan rin lang ang pag-uusapan. Dahil ang tunay na kaibigan ay hindi kumukunsinte sa maling ginagawa niya. Napatunayan ko ang ganda ng samahan ng barkada namin nung magdiwang ng kaarawan ang isa naming kaibigan. Dito ko nakita na kahit pala marami na kayong nadaanang kasiyahan at kalungkutan at puede pa ring mamayani ang pagsasamahan. Pinatawagan ko lahat ang tropas upang bigyan ng isang sopresang handa ang may okasyon. Mismong ang tropa namin na may kaarawan ay nabigla sa hindi inaasahang pagdating namin sa kaniyang tahanan. Upang hindi naman siya maperwisyo ay inobliga ko ang lahat ng darating na magbigay ng isang daang piso para na rin tulong sa may kaarawan kung ano man ang magiging gastos niya. Siempre pa, hindi naman matatapos ang gabi sa isang daang pisong kontribusyon dahil habang dumadami ang naiinom at napupulutan ay kasabay na lumuluwang ang mga bulsa at pitaka ng nagsidalo. Ang lakas makalimot ng problema, lalo na't kasama mo ang lahat ng tinuturing mong kaibigan, kaya naiisip ko na dapat sigurong ipagpatuloy ang ganitong sistema tuwing may kaarawan sa mga tropa. Maaring mahirap ngayon ang panahon, pero ang sabi nga nila, basta magkakaharap tayo ay mairaraos lahat iyan may pera man o wala. Sa parteng iyan ay saludo ako.
Monday, October 23, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment