Mukhang gumana na naman ang pilipino mentality natin nang mapuna ang mga billboard na nagbaksakan dahil na rin sa bagyong milenyo. Halos lahat ay nakisawsaw na naman sa issue. Pati ako makikisawsaw na rin. Sabagay matagal na rin namang nananawagan ang mga noypi para ma-regulate ang mga paglalagay ng mga billboard dahil sa bukod sa delikado ito sa mga motoristang malilibog, nagiging "eyes" polution talaga ito. Nung minsan nga tinananong ko yung isang bata sa kalsada kung ano ingles ng langit, ang sabi ba naman sa akin ay billboard daw. Paano ba naman kapag tumingala ka talaga sa langit ay hindi mo na ito makikita at dahil natatakpan na halos ng mga billboard ang mga paligid. Sumakay ka naman ng bus sa EDSA, pag dumating ang kundoktor sayo at sinabi mong sa Ortigas ka lang bababa, ang sasabihin agad ng kundoktor sa driver niya ay may bababa sa Jhonie Walker, kasi mas kilala ng tao yung nakakabit na billboard sa Ortigas. Kapuna puna tuloy na guminhawa ang ating paligid ngayon dahil walang mga harang na billboard at pati tuloy ang hangin ay medyo lumamig dahil na rin nawala ang mga billboard. Para sa akin tama rin naman ang gustong mangyari ng mga trapo natin na ma-regulate ang paglalagay nito, kaya lang bakit ganyan tayong mga noypi, kung kailan mayroon nang nadisgrasya ay saka na naman tayo gagawa ng kung ano anong batas at imbestigasyon. Hindi ba puedeng maunahan naman natin ang sakuna bago tayo uli magkaroon ng mga imbestigasyon, ika nga manicure before pedicure. Paano naman kung bigla ngang magkaroon ng regulasyon sa paglalagay ng billboard at dumating ang panahon ng eleksyon, susundin din kaya ito ng mga tatakbong mga trapo at hindi nila ipaglalagayan ang malalaki nilang mukha at mga nagawa sa mga naglalakihan at nagtataasan na mga billboard na yan? Billboardin nyo mga mukha nyo.
Tuesday, October 03, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment