Narinig nyo ba yung palitan ng pag-uusap nung isang internet subscriber at nung babaeng nag handle ng complaint sa call center. Mukhang naging masama ang kanilang pagpapalitan ng usapan. Pinadalan kasi ako ni coyote ng email na naglalaman nung usapan nung subscriber at nung babaeng nasa call center. Pinakinggan kong mabuti ang palitan nila ng pag-uusap at tinimbang kung bakit umabot sa ganoong sitwastyon. Nagtataka lang ako bakit umabot sila na magmurahan sa ere ganung ang reklamo lang naman nung lalaking subscriber ay yung kawalan niya ng internet connection. Maayos ang tanong nung lalake at maayos din naman ang sagot nung babae sa kabilang linya. Pero kung oobserbahan natin hindi sana aabot sa ganoong pagtatalo kung ang mismong mga internet provider natin ay iaayos ang dating ng internet connection sa atin. Kung ating titimbangin pareho silang may karapatang magsalita, una na sa lalaking subscriber, hindi mo maiaalis sa kanya ang pagkayamot dahil na rin sa nagbabayad ka ng internet connection mo na wala namang connection at para naman sa babaeng nasa call center totoong hindi niya kasalanan ang pagkawala natin ng internet connection dahil ang trabaho talaga ng mga ito ay ang "humarang sa kanyon", kung alam nyo ang ibig kong sabihin. Bigla tuloy akong naawa dun sa babae nung sinabi niyang nagtratrabaho lang siya at huwag sanang murahin. Pero saludo rin naman ako dun sa lalaking nagrereklamo dahil kahit ramdam mo sa kanya ang matinding kunsomisyon ay nakuha nya pa ring makipag-usap ng maayos. Kailan kaya darating sa pilipinas yung ibibigay talaga ng mga nagnenegosyo ang tamang serbisyo sa mga kostumer nila? Hindi na natin kailangang isa isahin ang mga reklamo pero ang dami talagang ang gusto lang ng mga negosyante dito sa pinas ay mahuthot ang pera ng mga kustomer at bahala na ang susunod. Amen.
Thursday, October 19, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment