May libro akong nabasa noong araw na may pinamagatang " Goddesses of the Lust Triangle" na sinulat ni Arnel F. De Guzman, isang sociologist, UP Professor at Director ng Friends of Filipino Migrant Workers, Inc., isang non-government organization na mas kilala sa pangalang KAIBIGAN. Patungkol ito sa mga kababaihan na nagtratrabaho bilang "hospitality girls" o kung tawagin ngayon ay GRO at ang iba naman ay yung tinatawag na erotic dancers. Bigla kong naalala ang librong ito nang ako ay makumbida kasama ang dalawa ko pang "opusmeyt" sa isang club sa qc. Nakakaaliw panoorin ang mga babae habang sumasayaw sila ng walang saplot, bagay na hindi ko kinakaila bilang isang lalake. Isa sa mga host namin ng gabing iyon ang nagbanggit na ang edad ng mga sumasayaw na babae ay mula disiotso hanggang bente anyos. Nakuha pa nga niyang magbiro at sinabing kapag daw bente uno na ang mga babae ito raw ay "retirado" na. Habang minamasdan ko ang mga babae sa entablado, hindi mawala sa isip ko ang panghihinayang. Gusto ko sanang alamin kung bakit sa ganoong edad ay ito ang napili nilang pasuking trabaho. Dahil ba sa malakas ang kita dito o dahil na rin sa kawalan ng makukuhang maayos na trabaho. Tinignan ko ang paligid at pasimpleng sinulyapan ang ibang mga customer at mapupuna mo na halos karamihan sa mga nanonood ay kalahati ang tanda kesa sa mga babae sa itaas ng entablado. Ako rin ay isinama ng isa naming host sa tinatawag nilang "aquarium" kung saan ilan pa ring naggagandahang babae ang nakaupo sa sofa. Ipinaliwanag sa akin na puede raw isama ang mga ito sa isang VIP room kung saan ay may charge na limang daang piso kada oras ang mga babae. Pahabol pa niya, puede mo na raw gawin ang gusto mong gawin sa VIP room, kung ano man ang ibig niyang sabihin dun ay hindi ko na inalam.
Saturday, October 28, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment