Monday, December 31, 2007

christmas pinoy style


food tripping at dampa farmers

Matagal ko nang nabalitaan na nagkaroon na rin pala ng dampa paluto style sa farmers market sa cubao. Ang una ko kasing napuntahang resto cum paluto sytle ay dun sa dampa paranaque, meron din nito sa Davao (ang famous dun ay yung hanging rice nila at siempre pa yung mga seafoods), mayroon din nito sa tacloban (umaanggi pa nga sa amin yung alon kapag tumatama sa mga batuhan), sa pangasinan din ay mayroon nito, sila pa ang maghahatid sa kubo ng mga pinaluto ninyo. Tapos nagkaroon din ng ganitong klase sa macapagal avenue. Kaya nung makarating sa akin ang balita na may paluto style na rin sa farmers cubao ay hindi ko na pinalampas ang holiday season at inaya ko sila erps at erms at isa pang buraot para subukan namin kung ano nga ba ang gimik sa lugar na ito.


Lumot/pusit P280.00 per kilo plus P130.00 paluto, ok ang timpla nila dito kaya lang medyo napraning ako, kasi yung ibinigay kong hilaw na pusit ay malalaki, pero nung bumalik na sa amin yung lutong pusit mukhang lumiit. Siguro natakot sa apoy.


solb


Ulo ng maya-maya P90.00 per kilo plus P130.00 paluto. Ang sabi ng iba dito daw sa pinagpalutuan namin ang pinakamasarap magluto ng sinigang sa miso. Siguro nga may kanya kanyang panlasa ang mga tao, kasi may nakainan ako sa dampa paranaque na mas masarap kung tungkol din lang sa sinigang na miso ang pag-uusapan.


solb


Sugpo P640.00 per kilo plus P130.00 paluto. Hindi kaya ako naholdap sa presyo ng sugpo? Sabagay malaki naman talaga yung nakuha ko, buti na lang at masarap ang pagkakaluto nito.


solb


Tahong P50.00 per kilo plus P80.00 paluto. Nampucha mas mahal pa yung paluto, ganung pinakuluan lang naman ito sa 7-up at binudburan ng sangrekwang bawang.

made us dance across the room, it ended all to soon

Ilang oras na lang bagong taon na naman, tapos na naman ang isang taong nakaraan. Ang bilis talaga ng panahon ngayon, halos hindi mo pa nalilimutan yung nakaraang pangyayari heto at tapos na pala uli ang isang taon.

Ma rewind nga sandali ang nakaraang isang linggo ko, naging masaya ba. Kanina kumain kami ng tanghalian sa Sis sa Dampa sa Ortigas, ulam? alimango na pinakuluan lang sa 7-up, sugpo na binalutan ng bread crumbs, hipon na niluto sa butter, sinigang na lapu-lapu, inihaw na liempo, chopsuey at beer.

Kagabi naman ay naghapunan kami sa Dampa sa Farmers at nagpaluto kami sa Trinity ng sinigang na ulo ng maya-maya, sugpo na niluto sa butter, pusit na inihaw ng kaunti at pinahiran din ng kulay pulang matamis at tahong na pinaliguan ng garlic, pag-uwi ay tumira naman kami ng beer habang nilalantakan yung natirang ulam.

Sabado naman ay nagluto ako ng mata ng baka at tinernohan ko ng gulay na galing sa Benito Farm na nilagyan ng sesame dressing para medyo healthy habang tumitira ng beer.

Friday ay nagpurga kami sa opis ng sari saring lutong kambing habang bumibira ng beer.

Huwebes ay nagtiyaga na lang ako sa nabili kong lutong kambing at sashimi.

Miyerkules ay sa chinesse resto naman at lumaklak ng kaunting bento sa resto habang tumitira ng malamig na beer.

In short ang buong isang linggo ko pala ay pinagagalaw na lang ng malamig na serbesa, busettt.

Saturday, December 29, 2007

bengcabs

Masarap din palang tanpulutz yung puro kambing lang. Sinubok kasi namin ito sa opis, kung saan lumaklak kami ng tig-walong latang beer in can at tapos ay kambing lang ang inihanda naming pulutan. Papaitan, kilawin, kaldereta, adobo, gising-gising, lahat na yata ng klase ng luto ng kambing ay sinubukan na namin. Naging maganda tuloy ang istoryahan namin sa opis dahil pare-pareho ang tama namin. Sabagay sino ba naman ang hindi tatamaan eh alas diyes lang ng umaga lumaklak na kami para maaga makasibat.

Friday, December 28, 2007

food tripping at Mr. Choi and kambingan ni Cabalen

May nakakainan akong kambingan diyan sa bandang novalichez kapag rin lang nagagawi ako sa lugar na iyan. Marami na rin akong napasyalang kambingan pero isa ito sa nagpasaya sa panlasa ko. Ang kambing kasi kapag hindi marunong ang nagluluto ay nalalasahan mo yung bang tinatawag nilang "ango", pero dito sa kainan na ito, wala ka halos malalasahan na "ango" kungdi lutong bahay talaga ang lasa, ika nga rapsadoodle.


kilawing kambing


lumpia shanghai and papaitan


new menu


hot tea at Mr. Choi


sugpo toppings


gising-gising


kalderetang kambing


shanghai part 2


seafood toppings


japanesse bento sa chinesse resto?


duck and asado


tofu at baboy?


solb

Thursday, December 27, 2007

foods galore

Ito ang mahirap kapag holiday season, kasi kahit saan ka magpunta ay may mga pagkaing nakahanda. Lumabas nga ako ng bahay namin dahil nasusuya ako sa lechon, salad at spagetti kaya pumunta ako sa bahay nila erpat. Pagdating ko doon ay hinainan naman ako ng crispy lechon kawali, salad at spagetti. Dumalaw naman ako sa mga tropa ko sa kankaloo, ang una agad ipinabili nung isang kaharap namin ay crispy ulo ng baboy at inaalok naman ako nung isa ng pancit, sus buti na lang malamig ang beer, pakiramdam ko tuloy parang sumasakit na ang batok ko.

Tuesday, December 25, 2007

pasko na

maligayang pasko sa inyong lahat!!! YAHOO, GOOGLE, erbukan na...

Sunday, December 23, 2007

what's the use of getting sober, when you're gonna get drunk again

Reunion [noun]- a meeting of people who have not met for some time. A gathering of relatives, friends. The time to splurge and forget about the diet.

That was what happened last night, December 22, 2007. The boys had an orgy of eating and drinking at our favorite place-Coyote's. They were the first to come, like SNY and Chikong (Ipe to us). I came a little bit late (pun intended), bringing with me my share of the healthy food like pig's head boiled to perfection and ready to eat a la tokwa't baboy style and some tasty and very salty adobo chicken feet and head.

While waiting for the others to come (pun intended again if your a sexist), we put in a large casserole the goat's head and feet courtouesy, courtosy, courtesy, ah basta its Bulldogs share. From out of nowhere, Serio the serious guy arrived. He's an authority when it comes to cooking especially goat's meat, because masarap siyang magluto period.

While waiting for the goat to be cooked, we started opening ice cold beer. Then the rest of the boys came, Ferdie, our friend from the old days, Bulldog and Jun D (the drug dealer par exelance).

Now that the boys are complete, what do you expect? First the usual kamustahan and the secret handshake (but no we're not a member of any gang or brotherhood-lum). Then the coded un-decipered whisper on who's got the thing, courtesy of chelsea drug store.

After which pandemonium broke out. Every body is eating, drinking and talking at the same time except for Jun D who is stoned busy listening to Jimi Hendrix Purple Haze.

Before we knew it, it was almost midnight again, so the serious guy gave us a very hot and delicious soup of the night, the sinigang na ulo ng kambing.

At the final stroke of midnight, i bade them goodbye after giving them the secret handshake, then rushed to my service vehicle afraid that my fairy godmother turned my service vehicle again into a pumpkin, mice, rat and lizard. Forget about my glass slipper, i have many of them in mahouse. YO!!!

Food tripping at Luk Yuen Noodle House








Saturday, December 22, 2007

lone veisalgia

Buwakanabitz, dalawang araw ng masakit ang ulo ko dahil sa dalawang latang lone star beer. Ganito kasi ang nangyari [put some music background here], maaga kaming tumira ng SMB pilsen in can, siguro alas diyes lang ng umaga, dahil sabi na rin ni bossing para maaga kaming makauwi dahil nga last day na ng opis baka maabutan kami ng traffic.

Kaya ang nangyari, tumira agad kami ng tig anim na pilsen. Kaso nung maubos na namin, medyo nabitin kami, eh ayaw na nilang bumili pa ng SMB, kaya sabi ni bossing magbanlaw na lang kami nung hinayupak na lone star beer na matagal nang nakabara sa likod ng pintuan ng opis namin.

Binuksan ko agad yung kahon (isang kahon din kasi siya) at nagbabad ako ng kalahati sa malamig na babaran namin. Maya maya pa ay malamig na rin ang lone star at yun ang pinangbanlaw namin.

In short, hindi ko maalala kung paano ako nakauwi, kala ko nawalan pa ako ng isang bulig dahil nawala sa pitaka ko. Buti na lang at nakita ko yung resibo ng gasolina at doon ko lang naalala kung saan napunta ang isang bulig ko. Moral lesson, hindi na ako uli iinom...ng lone star.

Friday, December 21, 2007

Bless the child who has no tin soldier

Ito mahirap kapag lagi kang may hang over dahil na rin sa walang tigil na tipar sa lahat ng sulok ng mga kakilala ko sa kuwadradong mesa. Kanina pa ako nakaharap dito sa computer at sumulat na ng ilang talata sa salitang banyaga (ingles), pero hindi ko matapos tapos, kaya ito balik ako sa tagalog bersyon ng aking tala arawan.

Kakainis naman kasi parang bitin ang araw ng disyembre kung tungkol rin lang sa lakwatsa ang pag-uusapan. Sana kapag buwan ng disyembre, gawing walumpong araw para walang bitin ang party.

Isipin mo apat na araw na lang pala pasko na. Ang dami ko pang hindi napapasyalang mga tipar. Minsan tuloy sa isang araw ay dalawang okasyon ang pinupuntahan ko para lang lahat mapagbigyan.

Ito ang nakakatuwa kapag disyembre, dahil na rin siguro sa lamig ng panahon kaya para bang bumabait ang mga pipol. Pati tuloy yung mga kilala kong asshole ay binabati ako. Yan ang spirit ng Christmas.

Kung ako lang sana ang masusunod, mas gusto ko sana lagi na lang Pasko, kasi walang masyadong bangayan ang mga tao. Isa sigurong dahilan dito ay karamihan kasi ay may hawak na pera (bonus, padala ng mga kamag-anak na OFW, bigay ng mga bossing etc). Sana lagi na lang ganito ang buhay minus the traffic.

Thursday, December 20, 2007

christmas won' be the same this year







Tuesday, December 18, 2007

sushi, sashimi, chonlit at black label

Yahoo!!! Christmas party na namin, sigurado sagaran na naman ang laban dito, pula na naman ang hasang nung mga opismeyt kong suputero (read: mayabang lang sa kuwento pero walang kuwenta). Ang siguradong menu for today, bukod pa dun sa darating na catering service ay ang walang kamatayang sushi plater (isa kasi ito sa paborito ng bossing namin). Tapos yung tuna at pink salmon sashimi (paboritong tanpulutz kasi ni bossing ito). Siempre pa, "a party is not a party without the roasted pig on the table" ika nga nung isang boraot na ipismeyt ko (yes mukha kasi siyang ipis, kung saan may libre dun siya nakadikit). Baket kanyo alam ko agad ang siguradong menu bukod pa dun sa pinaluto namin sa catering service? Simple lang iyan, kasi ako ang napagkatiwalaan (read: uto-uto) at naatasang dumaan sa lechon capital of metro manila para umiskor ng chonlit at pagkatapos ay dadaanan ko naman yung sushi at sashimi sa isang tagong lugar sa que-c, medyo iligal kasi ang bentahan nito kaya hindi ko mabanggit ang eksaktong lokasyon nila. Ang huling intel assignment ko today ay daanan na rin sa isang kilalang mall ang Jhonny, Jonnie, Jhonh-John ah basta dadaanan ko na rin sa mall yung black label na tinda nila. Beer? kahapon pa lang ay nakababad na dun sa palanggana namin sa opis at take note, beer in can, sosyal.


Saturday, December 15, 2007

food tripping at lydia's


phacvette a la bigtime


flalies and paksiw na chonlit


sinigang na dolphin


solb


solb but with table manners

Friday, December 14, 2007

mac xp

Susanabagets kala ko sira na naman ang pinakamalakas na computer desktop ko. Ayaw kasing magtuloy kapag binubuksan ko na, tapos yung monitor na tig otsenta mil ay walang lumalabas kungdi puro itim lang na tabing.

Friday pa naman, araw ng chat namin ng mga kainuman ko, kaya kailangang mapagana ko ang computer. Para maiwasan ko ang stress ay nag text muna ako dun sa technician ko kung ano ang dapat gawin sa ganitong sitwasyon. Ang sagot niya ay tignan ko daw yung BIOS at ireset sa default, tapos enter, tapos yes. Re start ang computer at hintayin kung may nagbago.

After 18.27 minutes, walang nangyari, kaya text uli ako sa technician. Tignan mo ang kernell, KERNEL? ano yun, sundalo ba yun?. Ang isa pang alam kong kernel ay yung palaman ko dati sa tinapay. May isa pang text yung technician ko pero hindi ko na binasa. So bura agad ang solusyon tungkol sa kernell dahil baka mapalaot pa ang CPU ko.

Dahil na rin sa kaatatan ko sa pag chat ay gumawa ako ng pinakamabilis na solusyon para mapagana ko ang computer. Pinagtatanggal ko ang mga nakakabit sa likod ng CPU, tapos kumuha ako ng screw driver yung Philips, binuksan ko ang CPU at isinuot ko ang ulo ko dun sa loob ng casing kung saan naroon lahat ang menudensya ng CPU. Huminga ako ng malalim at sabay hinipan ko ng pagkalakas-lakas ang mga piyesa. Hayun liparan lahat ang mga agiw at nagbabalak na maging agiw.

Nung naibalik ko na ang mga nakasaksak na wirings ay binuksan ko uli ang computer. Hanep ang bilis mag load, halos magkandasuka yung task manager sa dami ng running programs pero kaya niya. Ano na nangyari dun sa isa pang text ng technician ko?. Hindi naman ako bastos kaya sinagot ko pa rin ang text niya...Hu U?

Thursday, December 13, 2007

2biggggggg...alak paaaaaaa!

Ito na nga ba ang kinatatakutan ko mula nang masira ang pribadong nagsusuply ng tubig sa buong looban namin. Hindi sana mangyayari ito kung marunong lang makisama ang lahat ng nakatira sa looban.

Ang problema, marami ang pasaway sa amin at ayaw magbayad ng buwanang obligasyon, kaya hayun nawalan kami ng pondo. Nung masira tuloy ang motor ng tangke na nagbibigay sa amin ng tubig ay hindi na namin naipagawa tuloy ito. At siempre pa kapag wala nang nagbabayad ng buwanang obligasyon, pinutulan na rin kami ng metro ng meralco dahil hindi na nabayaran ang kunsumo ng koryente (koryente kasi ang nagpapatakbo sa motor ng tangke namin sa looban).

Ok lang sana sa akin yan para lahat kami ay makadama na mahirap talagang mawalan ng tubig. Ang hindi ayos sa akin ay yung umaga pa lang ay nagtext ka na sa mga nagdedeliver ng tubig, pero hapon na ay hindi pa rin dumarating. Hindi mo naman sila masita dahil kapag nagtampo ito, kahit na may pambayad ka ng trenta pesos kada drum, hindi ka nila bibigyan.

Mga busetttt, nag-iipon na ako at magpapagawa ako ng sarili kong deep well para hindi na ako magmukhang kawawa. Hindi habang panahon ay ngingitian ko ang mga nagdadala ng tubig kahit na gigil na gigil na ako sa galit. Wala na akong panahon sa pakikipagplastikan sa mga ganitong tao. Kesa ubusin ko ang oras ko kaaabang sa inyong mga hindoropot kayo, aabangan ko na lang yung dec. 22, dahil doon, sigurado kahit hindi ako nakapaligo ay makakainom ako ng malamig na serbesa, dahil yun ang taunang pagkikita namin ng mga tropa ko sa kuwadradong mesa. YAHOO!

Monday, December 10, 2007

dorobo, bakero

Nakakatuwa naman yung ginawa kong display na turning japanisa sa opis namin, pero teka baka naman magtampo yung mga kasamahan ko at isiping sinolo ko pa ang yabang.

Aktuwali ako talaga ang nag-isip ng konsepto nung ginawa naming design, pero hindi ko naman kayang gawing mag-isa iyon dahil unang una wala naman akong extrang bayad dun. Kaya ang ginawa ko ay itinuro ko sa mga kasamahan ko kung ano ang dapat nilang gawin.

Yung isa ay ipinalagari ko yung mga kawayan, yung isa naman ay tinuruan kong magtali ng kawayan at dikitan ng onion skin, habang yung iba ay minanduhan kong ibuhos na yung japanese sand at yung iba ay pinagdikit ko ng kawayan sa bintana na salamin.

Ika nga tulong tulong, ang papel ko lang doon ay yung pagsasalansan sa tamang lugar ang mga materyales at mata para makita kung maganda ba lalabas ang disenyo namin o hindi. Kasi kahit nanjan lahat ang materyales kung wala ka namang idea kung ano ang gagawin doon para mapalabas na mukhang kultura ng hapon ay hindi rin magagawa iyon.

Teka bakit nga ba bigla kong ibinida ang hindoropot na disenyo ko. Simple lang, kasi isa kami sa nanalo sa naturang kontes na pagandahan ng kuwarto. Yung ibang nanalo ay hindi ko sila masisisi, kasi marami silang mga pondo at perang gagastusin kaya umupa na lang sila ng magpapaganda (yun ang sabi nung mga natalo) ng mga kuwarto nila.

Kung hindi ba kami ang isa sa nanalo, akala nyo ba malalaman nyo pa ito, di na oy...kyawet, quite, quiette...ah basta sigurado tahimik na lang ako.

Sunday, December 09, 2007

highways and dancehall, a good song takes you far





Nakalawkaw ko na naman ang mga music collection ko (vinyl, cassette tapes, eight track tapes, cd at mp3) dahil na rin hindi ako makasingit sa sarili kong computer. Ayaw kasi akong pasingitin nung mga neighbor kong nakikicomputer sa bahay namin dahil may hinihintay daw silang mga ka chat.

Kaya wala akong magawa kundi ang kalawkawin na lang ang mga music collection ko. Isa sa mga nadapuli ko agad ay ang sinunog na album ni Jackson Browne. Matagal na rin naman ng huling marinig ko ang pamosong manganganta at kompositor na ito na laging naka istambay sa studio ng grupong Eagles.

Bigla tuloy parang nanumbalik ang mga kalamnan ko sa panahong ang pagkakakilala ko sa ornacol ay isang masarap na vitamins. Habang pinapakinggan ko ang nasabing album ay iniisa isa ko namang titigan ang ibang mga vinyl na naipon namin ni utol sa tagal ng pag iikot namin sa lumang ever gotesco sa monumento.

Tuwing hahawakan ko at tititigan ang cover ng vinyl ay lumilipad ang isip ko sa nakadikit na istorya ng bawat plaka na hawak ko. Istorya ng buhay ko at mga nakasama nung panahong pinapakinggan namin ang nasabing plaka.


Mga masasayang panahon na puede mong ibida sa mga bagitong adbenturismo na nakadiskubre na rin ng bagong vitamins na mas maliit pa sa ornacol pero mas malakas ang tama.