Thursday, December 13, 2007

2biggggggg...alak paaaaaaa!

Ito na nga ba ang kinatatakutan ko mula nang masira ang pribadong nagsusuply ng tubig sa buong looban namin. Hindi sana mangyayari ito kung marunong lang makisama ang lahat ng nakatira sa looban.

Ang problema, marami ang pasaway sa amin at ayaw magbayad ng buwanang obligasyon, kaya hayun nawalan kami ng pondo. Nung masira tuloy ang motor ng tangke na nagbibigay sa amin ng tubig ay hindi na namin naipagawa tuloy ito. At siempre pa kapag wala nang nagbabayad ng buwanang obligasyon, pinutulan na rin kami ng metro ng meralco dahil hindi na nabayaran ang kunsumo ng koryente (koryente kasi ang nagpapatakbo sa motor ng tangke namin sa looban).

Ok lang sana sa akin yan para lahat kami ay makadama na mahirap talagang mawalan ng tubig. Ang hindi ayos sa akin ay yung umaga pa lang ay nagtext ka na sa mga nagdedeliver ng tubig, pero hapon na ay hindi pa rin dumarating. Hindi mo naman sila masita dahil kapag nagtampo ito, kahit na may pambayad ka ng trenta pesos kada drum, hindi ka nila bibigyan.

Mga busetttt, nag-iipon na ako at magpapagawa ako ng sarili kong deep well para hindi na ako magmukhang kawawa. Hindi habang panahon ay ngingitian ko ang mga nagdadala ng tubig kahit na gigil na gigil na ako sa galit. Wala na akong panahon sa pakikipagplastikan sa mga ganitong tao. Kesa ubusin ko ang oras ko kaaabang sa inyong mga hindoropot kayo, aabangan ko na lang yung dec. 22, dahil doon, sigurado kahit hindi ako nakapaligo ay makakainom ako ng malamig na serbesa, dahil yun ang taunang pagkikita namin ng mga tropa ko sa kuwadradong mesa. YAHOO!

0 comments: