Matagal ko nang nabalitaan na nagkaroon na rin pala ng dampa paluto style sa farmers market sa cubao. Ang una ko kasing napuntahang resto cum paluto sytle ay dun sa dampa paranaque, meron din nito sa Davao (ang famous dun ay yung hanging rice nila at siempre pa yung mga seafoods), mayroon din nito sa tacloban (umaanggi pa nga sa amin yung alon kapag tumatama sa mga batuhan), sa pangasinan din ay mayroon nito, sila pa ang maghahatid sa kubo ng mga pinaluto ninyo. Tapos nagkaroon din ng ganitong klase sa macapagal avenue. Kaya nung makarating sa akin ang balita na may paluto style na rin sa farmers cubao ay hindi ko na pinalampas ang holiday season at inaya ko sila erps at erms at isa pang buraot para subukan namin kung ano nga ba ang gimik sa lugar na ito.
Lumot/pusit P280.00 per kilo plus P130.00 paluto, ok ang timpla nila dito kaya lang medyo napraning ako, kasi yung ibinigay kong hilaw na pusit ay malalaki, pero nung bumalik na sa amin yung lutong pusit mukhang lumiit. Siguro natakot sa apoy.
Ulo ng maya-maya P90.00 per kilo plus P130.00 paluto. Ang sabi ng iba dito daw sa pinagpalutuan namin ang pinakamasarap magluto ng sinigang sa miso. Siguro nga may kanya kanyang panlasa ang mga tao, kasi may nakainan ako sa dampa paranaque na mas masarap kung tungkol din lang sa sinigang na miso ang pag-uusapan.
0 comments:
Post a Comment