Friday, December 14, 2007

mac xp

Susanabagets kala ko sira na naman ang pinakamalakas na computer desktop ko. Ayaw kasing magtuloy kapag binubuksan ko na, tapos yung monitor na tig otsenta mil ay walang lumalabas kungdi puro itim lang na tabing.

Friday pa naman, araw ng chat namin ng mga kainuman ko, kaya kailangang mapagana ko ang computer. Para maiwasan ko ang stress ay nag text muna ako dun sa technician ko kung ano ang dapat gawin sa ganitong sitwasyon. Ang sagot niya ay tignan ko daw yung BIOS at ireset sa default, tapos enter, tapos yes. Re start ang computer at hintayin kung may nagbago.

After 18.27 minutes, walang nangyari, kaya text uli ako sa technician. Tignan mo ang kernell, KERNEL? ano yun, sundalo ba yun?. Ang isa pang alam kong kernel ay yung palaman ko dati sa tinapay. May isa pang text yung technician ko pero hindi ko na binasa. So bura agad ang solusyon tungkol sa kernell dahil baka mapalaot pa ang CPU ko.

Dahil na rin sa kaatatan ko sa pag chat ay gumawa ako ng pinakamabilis na solusyon para mapagana ko ang computer. Pinagtatanggal ko ang mga nakakabit sa likod ng CPU, tapos kumuha ako ng screw driver yung Philips, binuksan ko ang CPU at isinuot ko ang ulo ko dun sa loob ng casing kung saan naroon lahat ang menudensya ng CPU. Huminga ako ng malalim at sabay hinipan ko ng pagkalakas-lakas ang mga piyesa. Hayun liparan lahat ang mga agiw at nagbabalak na maging agiw.

Nung naibalik ko na ang mga nakasaksak na wirings ay binuksan ko uli ang computer. Hanep ang bilis mag load, halos magkandasuka yung task manager sa dami ng running programs pero kaya niya. Ano na nangyari dun sa isa pang text ng technician ko?. Hindi naman ako bastos kaya sinagot ko pa rin ang text niya...Hu U?

0 comments: