Nakalawkaw ko na naman ang mga music collection ko (vinyl, cassette tapes, eight track tapes, cd at mp3) dahil na rin hindi ako makasingit sa sarili kong computer. Ayaw kasi akong pasingitin nung mga neighbor kong nakikicomputer sa bahay namin dahil may hinihintay daw silang mga ka chat.
Kaya wala akong magawa kundi ang kalawkawin na lang ang mga music collection ko. Isa sa mga nadapuli ko agad ay ang sinunog na album ni Jackson Browne. Matagal na rin naman ng huling marinig ko ang pamosong manganganta at kompositor na ito na laging naka istambay sa studio ng grupong Eagles.
Bigla tuloy parang nanumbalik ang mga kalamnan ko sa panahong ang pagkakakilala ko sa ornacol ay isang masarap na vitamins. Habang pinapakinggan ko ang nasabing album ay iniisa isa ko namang titigan ang ibang mga vinyl na naipon namin ni utol sa tagal ng pag iikot namin sa lumang ever gotesco sa monumento.
Tuwing hahawakan ko at tititigan ang cover ng vinyl ay lumilipad ang isip ko sa nakadikit na istorya ng bawat plaka na hawak ko. Istorya ng buhay ko at mga nakasama nung panahong pinapakinggan namin ang nasabing plaka.
Mga masasayang panahon na puede mong ibida sa mga bagitong adbenturismo na nakadiskubre na rin ng bagong vitamins na mas maliit pa sa ornacol pero mas malakas ang tama.
0 comments:
Post a Comment