Friday, December 07, 2007

When the lights go down in the city


Susanabagan labingwalong araw na lang krismas na pero kakaunti pa rin ang nakikita kong kumukutitap na krismas light. Pati nga yung paborito kong pasyalan sa Policarpio street ay hindi pa rin naglalagay ng mga pailaw, ang dahilan nila kasi ay mahal daw masyado ang nagagastos nila sa kunsumo ng kuryente kaya baka sa akinse na lang ng disyembre nila simulan ang pailaw sa kalsada.

Nung araw na ako pa ang namumuno sa looban namin ay ginawa ko ring tradisyon ang maglagay ng pailaw sa kalsada namin. Sinisimulan ko ang paglalagay at pagbubukas ng mga ilaw pagpasok pa lang ng unang araw ng disyembre. Kaya kapag binuksan ko na ang mga pailaw ay kagulo na ang mga bata, halos hindi mo mabili ng salapi ang kasiyahan sa mukha nila.

Ang problema lang ay may mga kapitbahay kaming asshole at kinukuwestyon ang gastos na inilalaan namin sa paglalagay at pagbubukas nung mga ilaw, kaya hayun nahinto ang tradisyon.

Masaya sana kung laging may nakikita tayong kumukutitap na ilaw, kaya nga lang masyado talagang mataas ang nakukunsumo natin sa kuryente kaya siguro kakaunti na ang nakikita nating naglalagay nito.

Siguro balang araw ang mangyayari sa pinas kapag panahon ng kapaskuhan ay makakakita ka na lang ng mga pailaw sa mga malls dahil sila na lang ang may kakayahang bumayad ng kunsumo sa kuryente.

0 comments: