Tuesday, December 18, 2007

sushi, sashimi, chonlit at black label

Yahoo!!! Christmas party na namin, sigurado sagaran na naman ang laban dito, pula na naman ang hasang nung mga opismeyt kong suputero (read: mayabang lang sa kuwento pero walang kuwenta). Ang siguradong menu for today, bukod pa dun sa darating na catering service ay ang walang kamatayang sushi plater (isa kasi ito sa paborito ng bossing namin). Tapos yung tuna at pink salmon sashimi (paboritong tanpulutz kasi ni bossing ito). Siempre pa, "a party is not a party without the roasted pig on the table" ika nga nung isang boraot na ipismeyt ko (yes mukha kasi siyang ipis, kung saan may libre dun siya nakadikit). Baket kanyo alam ko agad ang siguradong menu bukod pa dun sa pinaluto namin sa catering service? Simple lang iyan, kasi ako ang napagkatiwalaan (read: uto-uto) at naatasang dumaan sa lechon capital of metro manila para umiskor ng chonlit at pagkatapos ay dadaanan ko naman yung sushi at sashimi sa isang tagong lugar sa que-c, medyo iligal kasi ang bentahan nito kaya hindi ko mabanggit ang eksaktong lokasyon nila. Ang huling intel assignment ko today ay daanan na rin sa isang kilalang mall ang Jhonny, Jonnie, Jhonh-John ah basta dadaanan ko na rin sa mall yung black label na tinda nila. Beer? kahapon pa lang ay nakababad na dun sa palanggana namin sa opis at take note, beer in can, sosyal.


0 comments: