Monday, December 10, 2007

dorobo, bakero

Nakakatuwa naman yung ginawa kong display na turning japanisa sa opis namin, pero teka baka naman magtampo yung mga kasamahan ko at isiping sinolo ko pa ang yabang.

Aktuwali ako talaga ang nag-isip ng konsepto nung ginawa naming design, pero hindi ko naman kayang gawing mag-isa iyon dahil unang una wala naman akong extrang bayad dun. Kaya ang ginawa ko ay itinuro ko sa mga kasamahan ko kung ano ang dapat nilang gawin.

Yung isa ay ipinalagari ko yung mga kawayan, yung isa naman ay tinuruan kong magtali ng kawayan at dikitan ng onion skin, habang yung iba ay minanduhan kong ibuhos na yung japanese sand at yung iba ay pinagdikit ko ng kawayan sa bintana na salamin.

Ika nga tulong tulong, ang papel ko lang doon ay yung pagsasalansan sa tamang lugar ang mga materyales at mata para makita kung maganda ba lalabas ang disenyo namin o hindi. Kasi kahit nanjan lahat ang materyales kung wala ka namang idea kung ano ang gagawin doon para mapalabas na mukhang kultura ng hapon ay hindi rin magagawa iyon.

Teka bakit nga ba bigla kong ibinida ang hindoropot na disenyo ko. Simple lang, kasi isa kami sa nanalo sa naturang kontes na pagandahan ng kuwarto. Yung ibang nanalo ay hindi ko sila masisisi, kasi marami silang mga pondo at perang gagastusin kaya umupa na lang sila ng magpapaganda (yun ang sabi nung mga natalo) ng mga kuwarto nila.

Kung hindi ba kami ang isa sa nanalo, akala nyo ba malalaman nyo pa ito, di na oy...kyawet, quite, quiette...ah basta sigurado tahimik na lang ako.

0 comments: