Wednesday, May 30, 2007

limited or no connectivity

Mahirap din palang maging tech savvy ang isang tao, kasi nauubos halos ang oras mo sa harap ng computer at habang nagkakalikot ka ng computer mo ay may iba ka pang iniisip na gawin katulad nung ipod mo kung bubuksan mo rin o yung bago mong cellphone kung nakakapag-on line ka dun. Ang tawag pala nila dito ngayon ay multi tasking, pero nung araw kapag marami kang gustong gawin ang tawag lang doon ay lakas tama. Sabagay mainam din naman ang naging resulta mula nung maimbento ang computer at ang internet, kasi ngayon ang mga bata ay bihira nang lumabas ng bahay, yun ay kung meron kang internet connection sa haybol nyo. Kung wala ka namang internet connection sa haybol, madali mo ring hanapin kung saan sila nagsipunta, mag-iikot ka lang sa pinakamalapit na internet cafe at presto dapuli mo na sila doon lahat. Ang isa pang maganda sa internet ay kapag may naiisip kang isang bagay at gusto mo agad malaman ang kahulugan nito, wala kang ibang gagawin kundi type mo lang yung balak mong malaman at ayun alam mo na agad ang kahulugan nito. Kaya lang kung may mga alaga kang chikiting na mahilig din sa on line, dapat ay sinisilip mo din kung ano anong mga site ang pinupuntahan nila, kasi may mga naka on line na nagpapanggap na mga bata pero yun pala ay mga pedophile.

Sunday, May 27, 2007

Lessons learned

Mga bagay na natutuhan ko matapos ang ilang taong pagkalat ko sa kalye:

1. Huwag na huwag kang makikipag-kaibigan sa mga kapit-bahay mo dahil kapag may bago kang gamit ay naiinggit sila at sisiraan ka nila.
2. Huwag maging palabati sa mga taong nakakasalubong mo, dahil kapag hindi mo sila nabati minsan ay magtatampo iyan at galit na agad kayo.
3. Kapag nagkita kayo ng dati mong kaibigan, huwag mo nang ituturo kung saan ka nakatira, kasi sigurado papasyalan ka uli niyan at malamang ay uutangan ka lang niya.
4. Kapag dadayo ka ng inuman ay siguraduhing isang daang piso lang ang laman ng bulsa mo dahil yung dadatnan mong mga katropa mo sa inuman ay singkuwenta pesos lang lagi ang nasa bulsa na inutang pa sa mga waswit nila.
5. Kung dadayo ka ng inuman sa ibang lugar, kumain ka na muna ng marami sa bahay mo para kahit wala kang datnang pulutan sa dinayo mo ay ok lang dahil busog ka pa naman.
6. Lagi mong dadalhin ang cellphone mo sa inuman para kung walang kuwenta ang harapan ninyo ay puede kang mag text sa mga kasama mo sa bahay at sabihing itext back ka nila at sabihing may bisita ka kunyaring dumating sa bahay, para makatakas ka agad sa walang kuwentang inuman. Hindi na kasi uso yung magpapaalam ka at sabihin mong tatache ka lang sandali pero hindi ka na talaga babalik.
7. Kapag hindi nagsisibunot ang mga kaharap mo sa inuman, sabihin mo sa kanila na hindi ka na rin umiinom dahil nagbago ka na at itinakwil mo na si satanas.
8. Kung gusto mong maka-inom ng masarap, bumili ka ng crispy ulo at magkulong ka sa kuwarto.
9. Huwag mong kalilimutan na bilinan ang mga kasama mo sa bahay na kapag may naghanap sa iyong tropa, ang lagi lang isagot ay naglayas ka na.
10. At ang pinakahuli, kung araw ng birthday mo huwag kang lalabas ng bahay at sabihing mong may family affair kayo.

family what?

Mga tol may bago na naman akong nadiskubre, aktuwali hindi ako ang naka-una dito kundi si beautius, siya ang nag tip sa akin nito. Enday before you jump into kung close yun (conclusion) hindi bagong tulak ng bato ang nadiskubre ko kundi tulak ng sushi, yung japanese rice na binalot sa kung ano anong pambalot huwag lang sa rolling paper. Si beautius ang nakadiskubre nito sa paligid ng malate, pero hindi talaga taga malate yung tulak ng sushi kungdi taga laong laan, kaya lang ay madalas silang magdeliver sa parteng malate kaya nakilala sila ni beautius. Mura lang ang isang bilao at magandang panregalo sa mga may birthday...Hmmmp naalala ko na naman ang birthday, kasi kahapon ay halos hindi kami magkandatuto ng mga tropas dahil alam naming may birthday sa isa naming tropa. Disperas pa nga lang ay hindi na ako nag erbuk para marami akong matoma sa araw ng birthday nung tropa namin. Ang problema, nung nagtext na kami para batiin ang hindoropot na celebrant ay hindi man lang nag reply, nung madapuli naman ni taruk, ang sabi sa kanya ay family affair daw. Busettt anong family affair ang pinagkakana ninyo bakettttt close ba kayo ng family mo at biglang parang nagkaroon kayo ng reunion sa araw pa mismo ng birthday mo. At paano naman kaming mga family mo rin sa kuwadradong mesa? hindi ba family affair din naman yun kung nagpa erbuk ka sa amin....Sushi? hindi, hindi po ako oorder ngayon dahil wala naman akong reregaluhan at may lakad po ako ngayon...family affair, busetttt.

Saturday, May 26, 2007

tsatsimi

Bigla akong napatakbo sa market market sa The Fifth, kasi ba naman ay naghamon ang bossing ko ng mamam. Sino ba naman ang tumanggi sa hamon ng bossing, gusto mo bang mapatapon sa babuyan island. Ang mabigat pa nito ay puro tuna tsatsimi (yes tsatsimi ang tawag nung isa kong kaopisina dito at ang text niya ay tek at ang shakeys sa kanya ay shakey) lang ang gustong tanpulutz ni bossing kaya abante ako at takbo ng market market. Mayroon kasi doong bilihan ng tuna product na direct sa gensan ang mga tinda, in short sariwa at vacuum sealed ito kaya from gensan waters ay direct na ito sa plastic seal niya. Matapos kong makapamili ng tanpulutz ay abante uli ako pabalik ng opis para naman makapagsimula kami ng maaga dahil mahirap ng gabihin sa kalye ngayon marami ng masasama ang loob baka maboga ko pa sila... joke lang pakibaba na ang kilay. Back at the office the beer flows like fountain at siempre pa nanjan na nga yung tuna tsatsimi na parang inararo ng piranha dahil sa dami naming nag iiskrimahan doon. Lagyan ko nga ng maraming wasabi yung sawsawan, hayun at naglalabasan daw sa ilong ang anghang, buti nga.

davao tuna

Marami ang nagtataka kung bakit halos isang linggo na naman akong nawala sa ere. Hindi ang koneksyon at bilis ng internet ko ang dahilan. Naputol kasi ang wire ng adapter ng laptop ko, kaya kapag sinaksak ko sa AC (Alternating Current) ay parang new years eve sa amin dahil ang daming lumalabas na spark yahoo. Yun namang desktop computer ko ay expired ang anti virus kaya hindi ko mabuksan. Ayaw naman akong pagamitin nung madamot kong neighbor ng computer niya kasi baka raw buksan ko yung mga triple X niyang video doon kung saan ay nirekord niya ang sarili habang bini bj siya nung aso niyang lalake. Dahil na rin sa wala na akong ibang choice kundi ipagawa ang nasabing adapter, agad kaming lumusob ni taruk sa North EDSA mall para ipagawa ang adapter. Pagdating namin doon ay tinignan muna nung ale kung kaya pang irepair ang nasabing adapter, pagkatapos ay sinabihan na kami na balikan na lang namin after 2 hours. After 2 hours? bakettttt kakalasin nyo ba lahat iyan bat ganun katagal. Para hindi namam kami mainip ay nag lunch muna kami sa nasabing mall. Ang napagtripan ng mga pagpag eaters ay ang davao tuna grill na matatagpuan sa food court nila. Ang inorder ko ay inihaw na panga ng tuna samantalang si taruc ang inorder naman ay....inihaw na panga ng tuna, sos of all soses di pareho kami ng ulam, sabagay its a free country from now on and if you're tired to chew thats enough sabi nga nung isang dj announcer sa woodstock. Masarap silang magluto ng tuna kaya lang may napuna ako sa kanila, kasi minsan hindi na sariwa ang tinda nilang isda. Ang tuna pa naman kapag hindi sariwa ay mapupuna mo agad kasi medyo makati sa labi iyan kahit sabihin mo pang inihaw na iyan. Ang isa pang hindi ko nagustuhan sa mga tindera ng davao tuna grill ay yung ipinagdadamot nila yung sabaw nila, totut binigyan na nila kami ng tig-isang sabaw, kaya lang bitin kaya humihirit pa kami ng tig-isa pa, alam nyo ba ang sagot nung tindera, may additional na charge daw iyon. Mga buwakang @%# nyo sabaw lang iyan o tubig lang na pinakulo at nilagyan ng maggi savor katas ng sampalok seasoning tapos ipagdadamot nyo pa ano kayo sinusuwerte, hindi nyo ba alam yung DTI law na kapag may binili ang isang kustomer sa inyo lalo na't pagkain ay kailangang bigyan nyo siya ng sabaw kahit isang drum pa ang hingin niya. Muntik ko tuloy kayong itext sa DTI (space) damot sa sabaw (space) name of establishment (space) date of purchase (space) kind of purchase (space) ilan ang kasama mong kumain (space) ilang kanin ang kinain ng kasama mong kumain (space) and text to 9361 DTI (space) damot sa sabaw (space). Fast forward to 2 hours....magkano ho ang repair nung adapter? ito po ang bayad at thank you.

malling

Enday first of all hindi ito yung iniisip mong palaman sa tinapay, maling yun. May bagong bukas na mall jan sa kanto ng EDSA at North Avenue, ang trinoma, isa itong project nila tito Jaime na banta sa katabing mall din jan kung sa negosyo rin lang ang pag-uusapan. Napasyalan namin kasama si taruc at "the erps" ang nasabing mall. Ang agad kong napuna ay ang apurahang pagbubukas ng nasabing mall, kasi halos wala itong laman at kakaunti pa lang ang mga aktibong negosyo, yung iba nga ay may mga karpintero pa sa mga puwesto nila at nagpupupukpok pa doon. Ang mga siguradong papasukin ng tao dito ay ang gerry's grill at dencio's kasi maganda ang nakuha nilang puwesto, puede kang kumain at uminom dito habang pinagmamasdan mo ang mga sasakyang nagdadaanan sa ibaba. Ang sinubok naming kainan ay ang bacolod chicken inasal dahil na rin bawal na kay the erps ang mga pagkaing nakakatuliro katulad ng inihaw na liempo kaya dito kami sa chicken inasal napadpad. Ang inorder namin ay yung grilled tuna belly, crispy daing na bangus at para sa isang pinagpala ng gobyerno ang inorder niya ay chicken inasal. Madalas na rin akong makakain sa bacolod chicken inasal mapa makati o mapa paranaque man ako at kahit saang resto nila ay laging ang inoorder ko ay yung tuna belly, masarap kasi silang magluto nito at laging sariwa ang isda nila. Isa lang ang napuna ko sa mga kainan sa trinoma, para silang mga kawawa na nagtatawag ng mga kustomer, hindi ba nila mahintay yung mga tao na kusang pumasok sa kanilang mga restoran. May isa pa akong naispatan na masarap na kainan, ito yung bangus restoran, nagkaroon na rin ako ng pagkakataon na makakain sa kanila dun sa branch nila sa mall of asia pero ibang istoryahan na iyon.

Saturday, May 19, 2007

paluto

Nagkaroon na naman ako ng pagkakataon na makakain dun sa dampa sa paranaque. Medyo kakaunti na ang kumakain ngayon, medyo nabawasan daw kasi ang mga kustomer nila mula nung magbukas yung paluto sa macapagal avenue. Pagdating namin ay iniwasan naming makipagtinginan sa mga waitress na kumakaway para sabihin sa iyo na dun ka na sa kanila kumain. Ang una naming ginawa ay dumirecho kami sa palengke kung saan ay namili kami ng iuulam namin. Ang unang binili namin ay ulo ng maya maya, isang kilo lang dahil tatlo lang naman kaming kakain. Tapos ay isang pirasong lumot o yung malapad na pusit at isang kilong tahong. Matapos naming mamalengke ay nagtungo na kami sa isang restoran upang ipaluto ang mga napamili namin. Yung ulo ay ipinasigang namin sa miso, yung pusit ihaw lang at yung tahong ay niluto sa butter na may kasamang bawang. May tip lang ako sa inyo kapag napagtripan ninyong kumain dito, una huwag mong basta basta gagamitin yung iniaabot nung waitress na mga wet tissue na mabango dahil may bayad pala ito na P7.00 pesos kada isa, raket kasi nila ito, siguro libre talaga iyun kaya lang diskarte na nung mga waitress. Kasi dapat pag-upo mo at binigyan ka nila ng ganitong tissue, sabihin sana agad nila na may bayad iyun ang kaso basta iiwan sa mesa mo kaya akala mo ay libre na, kaya ikaw naman na ulol at kalahati gagamitin mo agad at ipapahid mo agad sa mukha mo para presko ang pakiramdam, ayun nadali ka tuloy ng siete pesos. Ang isa pang raket dun ay yung oorder ka ng mga gusto mong kainin, huwag na huwag kang oorder ng gusto mong kainin dahil wala naman talaga silang stock na paninda doon dahil nga paluto lang talaga sila, kaya kapag umorder ka sa kanila ng gusto mong kainin ang sasabihin nila ay papabili ka ba. Siempre kapag sa kanila mo na ipinaubaya ang pamimili ay dun na papasok ang dayaan, kasi kung sabihin sa iyo na isang kilo yung binili nilang isda ganung mahigit kalahati lang pala iyon di talo ka na. Sabagay sa isang banda ay masarap naman ang mga luto nila, nakadalawang bandehado nga kami ng kanin sa sarap nung mga ipinaluto namin. Ang problema lang pagkatapos kong kumain ay inaantok ako, ang kaso wala pala sila doon serbisyo na pakama para naman sana makaidlip man lang ako sandali hoham.

where's michael?

Masarap din pala itong medyo paos kang magsalita, kasi naaalala ko yung pelikula ni Marlon Brando at Al Pacino na the godfather. Nung isang araw nga na wala akong magawa dahil na rin sa trangkaso ko ay humarap ako sa salamin ay nagsuot ng bulak sa loob ng bibig ko...oo enday ganoon kasi ang ginawa nung direktor kay Marlon Brando para magmukha siyang bulldog sa the godfather. Ayun matapos ko ngang maglagay ng bulak sa loob ng bibig ko ay humarap ako sa salamin at ginaya ang mga salita na pinawalan ni Marlon Brando bilang don vito corleone. Are you talkin to me, are you talkin to me...oo enday sinusubok lang kita kung magaling ang memorya mo sa mga movie trivia, tama ka hindi sa the godfather iyun kundi isang segment iyon dun sa taxi driver ni bobby de niro kung saan nakaharap din siya sa salamin at alam mo bang hindi actual shot iyon ng shooting kundi nageensayo pa lang si bobby de niro duon, kaya lang ay nagustuhan nung direktor yung sinasabi niya sa harap ng salamin kaya kinunan na rin nila ito at isinama na sa pelikula hayun at naging classic pa tuloy yung shot na iyon. Sa the godfather naman ay maraming magandang dialouge katulad na lang nung tinawag ni don vito corleone si sonny pagkatapos nung meeting nila nung isang mob at binulungan siya na "hey santino come here, what is happening to you? dont let anybody know what you are thinkin". Kaya nga nung pagharap ko sa salamin ay muling nabuhay yung alaala ko sa role ni don vito corleone, bigla lang nabulabog nung marining ko sa radyo yung intro ng stayin alive kaya bigla tuloy naitaas ko yung isa kong kamay ay medyo ibinuka ko yung isa kong paa at sabay umindak habang inaawit ko ng pabulong yung ah ah ah ah staying aliveeeeeeee.

then what?

Nabilang nyo na ba kung ilan sa mga manok ninyo ang nanalo sa katatapos na eleksyon? Mukhang nagiging wais na rin ang mga botanteng noypi, natututo na rin silang mamili ng puede talagang maglingkod sa atin at hindi na nila pinalulusot yung mga "gustong gustong maglingkod". Sabagay siguro panahon na rin para magkaroon ng pagbabago sa pinas, kasi ilan taon na rin tayong sadsad sa kahirapan. Kung mapupuna nyo nga kapag napunta kayo sa isang bahay ay makikita ninyo na halos isa o dalawa sa nakatira dun sa bahay ay walang trabaho. Sana itong natapos na eleksyon ay magbigay na nang kaunting pag-asa sa mga noypi at sana naman yung mga nanalo na trapo ay gumawa na talaga ng paraan para matulungan ang bayan natin at hindi lang para proteksyunan ang kanilang sariling interes. Pagod na pagod na rin kasi kaming mga pagpag eaters kung paano makakusad dahil na rin sa kagagawan ninyong mga hindoropot kayo na puro pansarili nyo lang ang iniisip ninyo at may lakas ng loob pa kayong kumaway at buhatin ang mga bata na kala ninyo ay close na close tayo, alam na rin namin ang mga style ninyong yan pero pagkatapos ay kami na mismong kinakawayan ninyo at halos akapin para makahingi ng boto ay kami rin mismo ang una ninyong hahawiin kapag napadaan kayo sa lugar namin dahil ang paniwala ninyo ay utang na loob namin sa inyo ang pagkakaupo ninyo sa puwesto mga buwakang&%a nyo, magbago na kayo mga busetttt, enday akina nga yung acetone at buburahin ko na tong putan&%ang indelible ink para makabalik agad ako sa presinto at makaboto uli busettt mga busettt kayong lahat.

virus

Isang linggo na ang sakit ko at mukhang walang pagbabago ang dami ko na tuloy naipong beer money kasi hindi ako makainom ng erbuk. Usong uso yata ang trangkaso ngayon at may kasama pang ubo, kasi nung mapasyal ako sa opis para kunin yung inteligence fund ko ay apat ang may sakit sa opis namin at para tuloy kaming nasa pelikula ng the godfather kasi lahat kami ay kaboses na ni don vito corleone, ika nga puro paos dahil sa sakit ng lalamunan. Halos isang linggo na rin akong umiinom ng ornacol pero parang hindi tumatalab, sabi nung magbabalot na kakilala ko ay airborne virus daw ang nakadali sa akin at usong uso nga raw ito ngayon, katunayan nga pati daw yung mayor na suki niya sa balot ay may sakit din. Ok sang-ayon na nga ako sa findings ni dr. balot pero mahigit isang linggo na ang nakakaraan, hindi ba't ang simpleng trangkaso ay halos tatlong araw lang dapat, pinagbigyan ko na nga ang luho ko at hindi muna ako nagpakita sa opis para makapagpahinga pero bakit parang hindi nagbabago ang pakiramdam ko. Ang masama pa nito ay ilan na rin sa mga kapitbahay ko ang nadamay, pero hindi ako ang may kasalanan nun ha, dahil sabi nga ni dr. balot ay airborne ito kaya maaaring sa "air" nila nakuha ang mga sakit nila at hindi sa akin. Masarap sana ang ganitong pakiramdam kasi nakahilata ka lang sa haybol ay pabasabasa lang ng tiktik at sagad magazine, ang problema lang ay nakakasawa din yung lagi kang nasa haus, buti sana kung kasing laki nung sa sultan yung haus ko ok lang, e kaso parang rat house lang yung haybol ko kaya pag ikot mo ng dalawang beses ay nakita mo na lahat ang buong bahay. May nagtext nga sa akin at may suggestion siya, bakit hindi ko raw samahan ng sisenta yung ornacol baka gumaling daw agad ako. Hayaan mo papakuha ako ora mismo.

Monday, May 14, 2007

mayo katorse

Ngayon ang araw ng eleksyon sa buong pilipinas kaya asahan nyo na parang fiesta na naman sa pinas. Ganito kasi kasaya ang mga noypi kahit sobra na ang hirap at gutom natin. Maaga pa lang ay hindi na magkamayaw ang paligid, dito lang sa looban namin ay hindi lang parang fiesta kundi parang disperas ng pasko ang pakiramdam dahil walang tigil ang labas pasok ng mga tao na puro may nakasabit na id ng watcher. Nagtataka lang ako sa mga politiko natin kung bakit sila nagpapatayan para lamang makapaglingkod sa bayan, ito ba talaga ang kanilang pakay o may iba pa silang mga nakatagong agenda? Kasi kung gusto ng isang tao na maglingkod, hindi mo na naman kailangang tumakbo sa eleksyon, diba't nagawa iyan ni mother theresa at ni martin luther king. At saka anong kataranta&%han yung gagasta ka ng ilang milyong piso para ka lang maupo sa isang posisyon. Kung ako lang ang may ganyan karaming pera hindi lang isang posisyon ang magagawa ko jan at sigurado ang dami ko pang kasamang chiching na beautious araw araw kaya sigurado iba ibang posisyon ang magagaganap sa amin. Ito lang ang paki-usap ko sa mga botanteng noypi na nakatanggap na nang kaunting panggasolina at pang meryenda sa mga kandidato, hawak nyo na rin lang ang pera na bigay nila, iboto nyo na rin sila dahil sigurado naman na hindi titigil ang mga taran&%dong yan na ubusin ang milyones nila para masigurado lang na manananalo sila. Binuksan na ang mga presinto kaya kita kita na tayo sa empierno.
isang maigsing dasal bago bumoto
panginoon ko bigyan mo sana ako ng tapang ng loob katulad ng tapang ng mukha ng politiko
ituro mo po sa akin ang tamang daan patungo sa mga nagkakabigayan
hayaan mo pong maiboto ko ang mga nagsipagbigay na sa akin ng maagang pamasko
at pagkatapos kong bomoto ay silaban sana kami lahat sa impierno

Sunday, May 13, 2007

13th of May

Namputch mother's day pala ngayon hindi ko man lang natawagan yung mga madir na kakilala ko. Diba ngayon din yung ika siyamnapung taong anibersaryo nung pagpapakita ni mama mary sa tatlong bata sa fatima portugal kung saan ay nagbigay siya ng mga message sa mga bata. Ang sabi nga ay nabasa raw nung dating pope yung huling message na iniwan sa mga bata at halos himatayin daw yung pope nung mabasa niya iyon. Ito rin yung pope na nakaligtas sa pagtatangka sa kanyang buhay nung May 13 din ilang taon na ang nakakalipas. Marami na akong nabasa tungkol sa apparition o yung pagpapakita ng mahal na birhen sa mga piling tao at lagi na lang ang iniiwan niyang mensahe ay puro tungkol sa pagmamahalan, ito lang naman talaga ang gusto ng lahat na matitinong tao. Ang problema nga lang ay may mga ota na medyo maitim ang mga nilalaman ng utak kaya nagkakawindang windang ang mga buhay natin. Siguro naman ay aware na rin tayo lahat sa mga nangyayari, di ba ang sabi nga sa hula ni Nostradamus ay bubuka ang langit at may lalabas na malaking apoy. Di bat ganito rin yung paliwanag ni Lucia, isa sa mga nakakita sa Mama Mary na kapag hindi raw nagbago ang ugali ng mga tao ay malamang na asiduhin na naman nila ang mundo para malusaw uli ito upang magkaroon ng pagbabago. Ang hirap kasi sa ating lahat ay masyado tayong mayayabang o ma ego pero kapag kaharap mo na si kamatayan ay halos lahat ng santo ay tinatawagan natin at humihingi pa tayo ng kaunting extension na mabuhay. Ganoong puede naman tayong lahat gumawa ng mabuti. Nung isang araw nga ay nanaginip ako na nagbago na raw ang tao sa mundo, yun bang nagsibait na, halos lahat ay gustong magbigayan, magparayaan, walang muhi sa isat isa, laging may nakakabit na ngiti sa mukha, di ba't ang sarap ng pakiramdam kung ganyan ng ganyan ang makikita mo sa tao, pero ika nga ni manong johnnie lennon "you may say i'm a dreamer, but i'm not the only one, i hope someday you'll join us and the WORLD will live as ONE".

look who's here

Dumating na pala si Jun D. (not drugs) at ang pamilya niya matapos magliwaliw sa Ues-A. Sigurado punong puno ng kuwento ang mga ito at hindi magkamayaw kung sino ang unang magsasalita. Yan ang maganda sa travel mapalokal man o mapa overseas, kasi personal mong madadama ang hininga ng lugar kaya kapag ikinuwento mo ay parang nasa palad mo lang ang iyong ibinibida, ika nga educational ang dating hindi lang basta pasyal. Ang maganda pa dito ay kapag kararating mo lang sa isang bakasyon ay sariwang sariwa ang iyong isipan, ika nga parang nabura lahat muna ang iyong mga iniisip, narecharge ang buong katawan mo kahit na sabihing pagod ka sa pag eempake ng mga kumot, tuwalya, flat tv, ashtray at iba pa na nadugas mo sa mga tinirhan ninyong service apartment. Hindi pa nagpaparamdam sa akin ang mga bagong dating maliban lang sa sokolate na kanilang ipinasalubong sa akin. Pero ang gusto kong marinig ay ang mga kuwento nila at ang kasiyahang nadama nila sa kanilang pamamasyal. Sayang nga at hindi tayo lahat pinagpala para makarating sa mga lugar na gusto nating puntahan kaya kapag may nabalitaan tayong nanggaling sa ganoong lugar ay agad tayong nag uusisa kung maganda ba sa lugar na yun, gaano ba kalaki ang mga pagkain doon, malamig ba lagi sa lugar, masarap ba ang serbesa nila. May pagkakataon na sana akong matanong sina Jun D. tungkol sa pamamasyal nila kaya lang ay bigla naman akong nagka tulo kaya nasa quarantine ako ngayon at naglilinis ng virus. Ang mabigat pa nito ay masakit na nga ang buong kaso kasuan ko dahil na rin sa tulo ay nasamahan pa ito ng sakit ng ipin dahil sa dami nung nakain kong sokolate na pasalubong nila. Busettt.

Saturday, May 12, 2007

BUSETTTTT

Busettt hindoropot mga anak kayo ng tinapa, tamaan sana kayo ng kidlat na tahimik, matapos nyo akong paghintayin ng isang linggo dahil kanyo mayroon lang technical activity sa base station ninyo ay ganito pa ang isusukli nyo sa akin, isang saksakan ng bagal na internet connection, mabilis lang kayo kapag pinadadala nyo na ang monthly billing nyo. Natural na ba sa mga noypi ang ganitong klaseng serbisyo yung dayain mo ang mga subscriber mo. Kaya pala kapag may nakasalubong akong foreigner ay napapailing na lang sa akin kapag nalaman na noypi ako kasi alam nila puro tayo mamdarambong kaya hindi tayo umasenso busett hindoropot mga anak kayo ng tinapa nasaan na ba yung kidlat at sasamahan ko kayo sa tower ng sm...............art.

Monday, May 07, 2007

shabu to the second power

Kahapon ay nagkaroon kami ng pagkakataon na magpanggap mayaman dahil may napuntahan kaming isang kainan sa The Block ng SM North EDSA, ito ay ang shabu-shabu restaurant. Maganda ang lugar at elegante ang dating, kaya pagpasok mo pa lang ay ang yaman yaman na agad ng pakiramdam mo. Siempre pa dahil nasa ganito kang lugar ay kikilos ka na kunyari na kamag-anak mo si Paris Hilton para hindi mahalatang mga pagpag eaters lang kami. Paglapit nung waiter ay binigyan na kami ng listahan ng mga pagkain. Halos himatayin kami sa mahal ng mga nakalista dahil puro thousand thousases ang presyong nakikita ko. Sinabihan ko muna ang waiter na kumuha ng tubig, nung makalayo na siya ay pilit naming hinahanap ang pinakamalapit na exit, pero kinakandado pala nila ang lahat ng daanan kapag nakapasok ka na. Pagbalik ng waiter ay tinanong ko siya kung may tapsilog sila na good for 4 person. Maigsi lang ang ngiti niya dahil nakuha nya agad ang joke ko. Dahil na rin bago kami sa lugar na ito ang pinili naming kainin ay ang seafood set kasi bukod sa healthy ito at magaan sa tiyan ang totoo talagang dahilan namin ay ito ang pinakamura sa lahat ng pagkain nila. Para naman hindi kami magmukhang kawawa ay umorder din kami ng drinks at isang rice topping na may nakapatong sa ibabaw ng rice (ano yun redundant). Pagdating ng chibug ay YAHOO ang ganda ang dami pala nung order na good for 4, puedeng anim nga ang lumantak ng hindoropot na seafood set. May kasama pa siyang apat na itlog dahil tig-isa raw kaming apat. Humingi nga ako ng asin dun sa waiter dahil kakainin ko na sana yung itlog, pero ngumiti uli ang waiter at sinabi niyang hindi nilaga ang itlog, ito raw ang ihahalo sa sabaw na kumukulo at pagkatapos ay puede na naming ihulog lahat ng nasa mesa namin. Ang una kong hinulog sa kumukulong tubig ay yung chopstick, tissue, yung lata ng coke lights. Kaya nagmamadaling bumalik yung waiter ay kinorek niya ang nauna niyang sinabi na puede nang ihulog ang lahat ng nasa mesa namin sa kumukulong tubig. Ang gusto pala niyang sabihin ay yung mga pagkain lang ang puedeng ihulog sa kumukulong tubig. Kaya hinango ko yung chopstick, tissue, lata ng coke lights at ang hinulog ko naman ay yung sugpo, tuna (sakana) slice, sea cucumber, si taruk nagsingit pa ng talaba, pechay baguio at pechay taiwan (yasai) kaunting vermicelli (noodles ito enday), meatball, tofu, mais, yam, beancurd, black mushroom, carrots. Ilang minuto pa ay "ATTTTACCCCKKK", wala muna kaming kuwentuhan dahil puro kami busy sa kalalaklak nung shabu-shabu, halos bumakat nga yung pawis ko dun sa suot kong lacoste na binili sa 168 mall. Muling sumilip ang waiter sa amin at nagsalita ng kaunting nihonggo, kaya medyo napikon ako at sinagot ko siya ng "Watakushi wa sakini yasai-supu ga hoshii" at sinabakan ko naman ng tanong dun sa waiter ng "Sakan wa nani ga oishii desu ka?" ayun atras siya, ako pa kakausapin nya ng japanese di nya ba alam na kumpare ko si emperor hirohito ng china sa may kanto ng middle east of columbia. Pagkatapos na halos kalahating oras na walang kibuan ay humupa na rin ang gutom namin. Nung mapuna nung waiter na medyo kalmado na kami ay lumapit uli siya at binigyan naman kami ng halo-halo, kaya napagsigaw pa ako sa kanya na wala naman kaming order nito baket dito mo ibinababa iyan. Ang sabi nung waiter ay kasama raw yun sa seafood set na inorder namin. Para hindi kami mapahiya ay tinanong ko siya kung seafood rin ba ang laman nung halo-halo, ngumisi uli siya at piniga yung isang baso hanggang sa mabasag sa mga palad niya. Siguro may family problem yung waiter ang nasambit ko na lang sa mga kasama ko.

mama mio sporty

Napupuna nyo ba na parang dumarami ng ang nagmamaneho ng motor ngayon. Nagmukha na nga tayong mga bombay. Sa taas kasi ng gasolina ay naging praktikal na ang mga noypi kaya naglipana ang mga motor, pero ibang klase pa rin talaga ang mga noypi, kasi hindi lang basta motor. Ang ginagawa nila ay minomodify pa nila ang kanilang mga motor, may mga nakikita nga ako na motor na pinalitan na ang tambucho kaya ang tunog ay parang big bike. Yung iba naman ay binabalutan ng bago yung upuan kaya ang cute tignan, tapos papalitan ang handle at ibababa ng kaunti kaya guapo points agad. Ang nakakatuwa pa rito ay nalalagyan nila ng sounds ang motor kaya puede mong patugtugin doon ang mga luma mong plaka habang bumabiyahe ka. Ano kamo enday baket bigla akong nagkuwento ng tungkol sa motor? Simple lang na sagot ko diyan, kasi may bago rin akong motor, buset masyado kang matanong.

Friday, May 04, 2007

tacloban city

May 3,2007-Alas tres pa lang ng umaga ay tumunog na agad ang cellphone ko at sinabi ng nasa kabilang linya na sila raw ay naghihintay na sa park and fly kung saan iiwanan ko ang aking sasakyan upang makasakay naman kami sa first available flight ng cebu pacific patungong tacloban city. Pagdating ko sa nasabing lugar ay nakaabang na ang mga makakasama ko sa tacloban at agad naming iniwan ang aking sasakyan upang lumipat naman sa isa pang sasakyan para ihatid kami sa domestic airport.

Medyo delayed na bente minutos ang flight namin patungong tacloban dahil na rin sa alibi nung piloto na hindi pa siya binibigyan ng clearance ng air tower, pero ang suspetsa ko ay dahil dun sa isang mama na nagpakilalang pulis at alalay ng isang politiko na nakabase sa mindanao sa hitsura ng kanyang suot. Napuna ko na kasi sila nung nakapila pa lang kami sa last security check ng nasabing airport at doon ay nakita sa xray machine ang dalang boga nung bodyguard na pulis. Sa madaling sabi pagkatapos ng ilang minutong paghihintay ay nakalipad na rin ang sinasakyan naming eroplano.

Matagal na rin naman ang huling punta ko dito sa tacloban city, siguro mga apat o limang taon na rin ang nakakalipas, pero nung lumapag ang sinasakyan naming eroplano at nakalabas na kami sa airport ay hindi ko maiwasang mapuna na halos kakaunti ang iniunlad na nasabing lugar. Yung mga dating nakita ko na negosyo dito ay iyun pa rin ang mga inabutan ko at halos walang nadagdag. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin lumulutang si henry sy sa lugar na ito para mamili ng lupa na tatayuan ng SM.

Matapos naming magampanan ang obligasyon namin sa lugar ay nagyaya na ang mga kasama ko na kumain muna kami ng tanghalian dahil ala una pasado na rin naman, kaya naisipan namin pasukin ang ocho seafood grill and restaurant na matatagpuan sa sen. enage street, halos katapat lang ito ng cebu airlines ticketing office. Umorder kami doon ng tinolang lapu-lapu, inihaw na pusit, chopsuey, lechon kawali, kanin at 3 ice tea, matapos naming laklakan lahat ay kinuha na namin ang bill, ang total P500 plus lang sa ganun karaming chibog. Bigla nga kaming nagulat sa mura ng presyo nila, kaya pala halos alas dos na ay marami pa rin ang kumakain. Maganda ang loob ng naturang kainan, kung ikukumpara mo sa maynila ay para ka na ring kumain sa mga sikat na kainan sa libis qc o sa makati ang pagkakaiba lang ay mura ang presyo nila, saludo ako sa inyo mga bosing.

Nung gumabi naman ay naisipan naming magpalipas ng ilang boteng malamig na serbesa sa socsargen seafood and grill resto na malapit lang sa tinutuluyan naming hotel alejandro. Dito ay bumira naman kami ng inihaw na tuna belly, bihod ng tuna, sisig at kinilaw na tuna square (ano yun?). Maganda ang lugar at tahimik ang mga umiinon, kasi ba naman ay may escort kaming tatlong pulis paanong makakapag-ingay yung ibang umiinom di ang takot lang ng mga hindoropot na yan. Halos hindi nga sila makatingin sa mesa namin, pero no problemo naman dahil likas namang mababait ang mga taga tacloban kaya beer pa.



May 4, 2007-Madaling araw pa lang ay nagising na ako, kaya naisipan ko na ring bumangon at simulan na ang lagi kong nakagawian na maglakad tuwing umaga. Sa aking paglalakad ay napuna ko na masyado palang mahilig sa computer ang mga taga tacloban, kasi halos alas singko pa lang ng umaga ay puro puno na ang nadaanan kong internet cafe, siguro kagabi pa ang mga hindoropot at inumaga na lang kaka internet. Matapos ang halos kalahating oras kong paglalakad para naman lumiit ang ti...err tiyan ko ay may napuna akong isang karinderya na puno ng tao kaya pinuntahan ko ito.

Napuna ko na may karatula itong "open 24 hours" kaya pinasok ko na rin at tinignan kung ano ang makakain. Isa pala itong kainan ng mga sinangag con itlog. Ang nakatawag ng pansin sa akin ay ang salitang TUSILOG-turon sinturon at itlog?, tuba sisig at betlog?, dahil na rin kuryus ako ay ito ang aking inorder. Pagdating sa mesa ko ay nakita ko na ang TUSILOG pala ay tuna sisig at itlog, yahoo peborit kaya hiniyawan ko agad yung waitress at pasigaw na humingi ako ng suka at SILI. Biglang nagsihinto ang mga kumakain at ang waitress at napuna ko na lahat sila ay nakatingin sa akin. Baketttt bawal bang sumigaw sa tacloban kapag maaga pa, hindi nalang ako nagpahalata at nilaklakan ko na ang tusilog ko at sabay eat pay and run ang ginawa ko.

Pagbalik ko sa hotel na tinutuluyan namin ay ikinuwento ko sa contact naming waray yung nagyari sa akin sa karinderya. Tinanong ko siya kung bakit parang nabigla yung mga kumakain sa akin nung humingi ako ng suka at SILI ganung yun naman talaga ang sawsawan ng tuna sinangag at itlog, wala bang suka at SILI sa tacloban? Nung marinig niya ang kuwento ko ay natawa siya at medyo nabigla din, kasi paliwanag niya ang suka raw talaga ang sawsawan sa tuna pero ang SILI raw sa tacloban ang ibig sabihin nito ay TITI, TARUGO, RATBURIRAYTS, DONG o ARMAS PANLALAKI, kaya pala natigilan lahat ng kumakain sa karinderya dahil suka at titi pala ang intindi nila sa hiningi ko sa waitress, pakialam ko manila boy yata ini.

Maya-maya pa ay dumating na rin ang escort namin na may dalang sasakyan na pula ang plaka dahil gusto nung isa naming kasama na makita ang san juanico bridge. Bago kami tumungo ng san juanico bridge ay idinaan muna kami sa munisipyo ng tacloban at mula doon ay lumarga na kami papuntang san juanico bridge. Ilang beses ko na ring nakita ang tulay na ito na nagdugtong sa samar at leyte, pero ngayon ko lang nalaman sa escort namin na ang tulay pala ay korteng L sa side ng leyte ay S naman sa side ng samar. Mapupuna mo lang daw ito kung ikaw ay nasa himpapawid. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang hitsura ni dante varona nung lumundag siya sa san juanico bridge. Pagkatapos naming magkuhanan sa pinakamataas na parte ng bridge ay nagyaya nang mag brunch ang kasama namin.

Kami ay dinala ng escort namin sa Leal St., Sangkahan district. Ito ay lokal version nila ng La Loma sa manila. Dito ay umorder kami ng lechon at gaway (gabi sa tagalog) dahil ito raw ang katerno ng lechon. Pagdating ng order namin na lechon ay humingi agad ako ng sarsa pero ang sabi niya ay hindi na raw kailangan ang sarsa ng lechon dahil malasa na ito, nagkaroon tuloy ako ng dahilan para unang lumaklak ng balat ng lechon para nga malaman ko kung talagang hindi na kailangan ang sarsa...ayos masarap nga at malasa ang lechon nila. Pinasubok din nila sa amin yung katernong gaway pero hindi ko type ang lechon with gaway kaya umorder din kami ng puso rice. ito yung rice na ibinalot sa dahon.

Sinabi sa akin nung kasama ko na ang lechon tacloban daw ang isa sa pinakamasarap na lechon katulad ng lasa ng lechon sa cebu at ipinaliwanag pa niya na yung lechon daw sa la loma ay hindi gaanong malasa kaya tinatago nila yung kakulangan ng lasa sa pagsasawsaw mo sa sarsa. Kung gusto mo raw malasahan ang lechon ay huwag ka munang magsasawsaw sa kahit anong sarsa para malasahan mo ang sarap nito, tumango na lang ako sa kanya dahil hindi ako makasagot sapagkat punong puno ang bibig ko ng lechon at gaway.