Sunday, May 27, 2007

Lessons learned

Mga bagay na natutuhan ko matapos ang ilang taong pagkalat ko sa kalye:

1. Huwag na huwag kang makikipag-kaibigan sa mga kapit-bahay mo dahil kapag may bago kang gamit ay naiinggit sila at sisiraan ka nila.
2. Huwag maging palabati sa mga taong nakakasalubong mo, dahil kapag hindi mo sila nabati minsan ay magtatampo iyan at galit na agad kayo.
3. Kapag nagkita kayo ng dati mong kaibigan, huwag mo nang ituturo kung saan ka nakatira, kasi sigurado papasyalan ka uli niyan at malamang ay uutangan ka lang niya.
4. Kapag dadayo ka ng inuman ay siguraduhing isang daang piso lang ang laman ng bulsa mo dahil yung dadatnan mong mga katropa mo sa inuman ay singkuwenta pesos lang lagi ang nasa bulsa na inutang pa sa mga waswit nila.
5. Kung dadayo ka ng inuman sa ibang lugar, kumain ka na muna ng marami sa bahay mo para kahit wala kang datnang pulutan sa dinayo mo ay ok lang dahil busog ka pa naman.
6. Lagi mong dadalhin ang cellphone mo sa inuman para kung walang kuwenta ang harapan ninyo ay puede kang mag text sa mga kasama mo sa bahay at sabihing itext back ka nila at sabihing may bisita ka kunyaring dumating sa bahay, para makatakas ka agad sa walang kuwentang inuman. Hindi na kasi uso yung magpapaalam ka at sabihin mong tatache ka lang sandali pero hindi ka na talaga babalik.
7. Kapag hindi nagsisibunot ang mga kaharap mo sa inuman, sabihin mo sa kanila na hindi ka na rin umiinom dahil nagbago ka na at itinakwil mo na si satanas.
8. Kung gusto mong maka-inom ng masarap, bumili ka ng crispy ulo at magkulong ka sa kuwarto.
9. Huwag mong kalilimutan na bilinan ang mga kasama mo sa bahay na kapag may naghanap sa iyong tropa, ang lagi lang isagot ay naglayas ka na.
10. At ang pinakahuli, kung araw ng birthday mo huwag kang lalabas ng bahay at sabihing mong may family affair kayo.

0 comments: