Isang linggo na ang sakit ko at mukhang walang pagbabago ang dami ko na tuloy naipong beer money kasi hindi ako makainom ng erbuk. Usong uso yata ang trangkaso ngayon at may kasama pang ubo, kasi nung mapasyal ako sa opis para kunin yung inteligence fund ko ay apat ang may sakit sa opis namin at para tuloy kaming nasa pelikula ng the godfather kasi lahat kami ay kaboses na ni don vito corleone, ika nga puro paos dahil sa sakit ng lalamunan. Halos isang linggo na rin akong umiinom ng ornacol pero parang hindi tumatalab, sabi nung magbabalot na kakilala ko ay airborne virus daw ang nakadali sa akin at usong uso nga raw ito ngayon, katunayan nga pati daw yung mayor na suki niya sa balot ay may sakit din. Ok sang-ayon na nga ako sa findings ni dr. balot pero mahigit isang linggo na ang nakakaraan, hindi ba't ang simpleng trangkaso ay halos tatlong araw lang dapat, pinagbigyan ko na nga ang luho ko at hindi muna ako nagpakita sa opis para makapagpahinga pero bakit parang hindi nagbabago ang pakiramdam ko. Ang masama pa nito ay ilan na rin sa mga kapitbahay ko ang nadamay, pero hindi ako ang may kasalanan nun ha, dahil sabi nga ni dr. balot ay airborne ito kaya maaaring sa "air" nila nakuha ang mga sakit nila at hindi sa akin. Masarap sana ang ganitong pakiramdam kasi nakahilata ka lang sa haybol ay pabasabasa lang ng tiktik at sagad magazine, ang problema lang ay nakakasawa din yung lagi kang nasa haus, buti sana kung kasing laki nung sa sultan yung haus ko ok lang, e kaso parang rat house lang yung haybol ko kaya pag ikot mo ng dalawang beses ay nakita mo na lahat ang buong bahay. May nagtext nga sa akin at may suggestion siya, bakit hindi ko raw samahan ng sisenta yung ornacol baka gumaling daw agad ako. Hayaan mo papakuha ako ora mismo.
Saturday, May 19, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment