Namputch mother's day pala ngayon hindi ko man lang natawagan yung mga madir na kakilala ko. Diba ngayon din yung ika siyamnapung taong anibersaryo nung pagpapakita ni mama mary sa tatlong bata sa fatima portugal kung saan ay nagbigay siya ng mga message sa mga bata. Ang sabi nga ay nabasa raw nung dating pope yung huling message na iniwan sa mga bata at halos himatayin daw yung pope nung mabasa niya iyon. Ito rin yung pope na nakaligtas sa pagtatangka sa kanyang buhay nung May 13 din ilang taon na ang nakakalipas. Marami na akong nabasa tungkol sa apparition o yung pagpapakita ng mahal na birhen sa mga piling tao at lagi na lang ang iniiwan niyang mensahe ay puro tungkol sa pagmamahalan, ito lang naman talaga ang gusto ng lahat na matitinong tao. Ang problema nga lang ay may mga ota na medyo maitim ang mga nilalaman ng utak kaya nagkakawindang windang ang mga buhay natin. Siguro naman ay aware na rin tayo lahat sa mga nangyayari, di ba ang sabi nga sa hula ni Nostradamus ay bubuka ang langit at may lalabas na malaking apoy. Di bat ganito rin yung paliwanag ni Lucia, isa sa mga nakakita sa Mama Mary na kapag hindi raw nagbago ang ugali ng mga tao ay malamang na asiduhin na naman nila ang mundo para malusaw uli ito upang magkaroon ng pagbabago. Ang hirap kasi sa ating lahat ay masyado tayong mayayabang o ma ego pero kapag kaharap mo na si kamatayan ay halos lahat ng santo ay tinatawagan natin at humihingi pa tayo ng kaunting extension na mabuhay. Ganoong puede naman tayong lahat gumawa ng mabuti. Nung isang araw nga ay nanaginip ako na nagbago na raw ang tao sa mundo, yun bang nagsibait na, halos lahat ay gustong magbigayan, magparayaan, walang muhi sa isat isa, laging may nakakabit na ngiti sa mukha, di ba't ang sarap ng pakiramdam kung ganyan ng ganyan ang makikita mo sa tao, pero ika nga ni manong johnnie lennon "you may say i'm a dreamer, but i'm not the only one, i hope someday you'll join us and the WORLD will live as ONE".
Sunday, May 13, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment