Saturday, May 19, 2007

paluto

Nagkaroon na naman ako ng pagkakataon na makakain dun sa dampa sa paranaque. Medyo kakaunti na ang kumakain ngayon, medyo nabawasan daw kasi ang mga kustomer nila mula nung magbukas yung paluto sa macapagal avenue. Pagdating namin ay iniwasan naming makipagtinginan sa mga waitress na kumakaway para sabihin sa iyo na dun ka na sa kanila kumain. Ang una naming ginawa ay dumirecho kami sa palengke kung saan ay namili kami ng iuulam namin. Ang unang binili namin ay ulo ng maya maya, isang kilo lang dahil tatlo lang naman kaming kakain. Tapos ay isang pirasong lumot o yung malapad na pusit at isang kilong tahong. Matapos naming mamalengke ay nagtungo na kami sa isang restoran upang ipaluto ang mga napamili namin. Yung ulo ay ipinasigang namin sa miso, yung pusit ihaw lang at yung tahong ay niluto sa butter na may kasamang bawang. May tip lang ako sa inyo kapag napagtripan ninyong kumain dito, una huwag mong basta basta gagamitin yung iniaabot nung waitress na mga wet tissue na mabango dahil may bayad pala ito na P7.00 pesos kada isa, raket kasi nila ito, siguro libre talaga iyun kaya lang diskarte na nung mga waitress. Kasi dapat pag-upo mo at binigyan ka nila ng ganitong tissue, sabihin sana agad nila na may bayad iyun ang kaso basta iiwan sa mesa mo kaya akala mo ay libre na, kaya ikaw naman na ulol at kalahati gagamitin mo agad at ipapahid mo agad sa mukha mo para presko ang pakiramdam, ayun nadali ka tuloy ng siete pesos. Ang isa pang raket dun ay yung oorder ka ng mga gusto mong kainin, huwag na huwag kang oorder ng gusto mong kainin dahil wala naman talaga silang stock na paninda doon dahil nga paluto lang talaga sila, kaya kapag umorder ka sa kanila ng gusto mong kainin ang sasabihin nila ay papabili ka ba. Siempre kapag sa kanila mo na ipinaubaya ang pamimili ay dun na papasok ang dayaan, kasi kung sabihin sa iyo na isang kilo yung binili nilang isda ganung mahigit kalahati lang pala iyon di talo ka na. Sabagay sa isang banda ay masarap naman ang mga luto nila, nakadalawang bandehado nga kami ng kanin sa sarap nung mga ipinaluto namin. Ang problema lang pagkatapos kong kumain ay inaantok ako, ang kaso wala pala sila doon serbisyo na pakama para naman sana makaidlip man lang ako sandali hoham.

0 comments: