Enday first of all hindi ito yung iniisip mong palaman sa tinapay, maling yun. May bagong bukas na mall jan sa kanto ng EDSA at North Avenue, ang trinoma, isa itong project nila tito Jaime na banta sa katabing mall din jan kung sa negosyo rin lang ang pag-uusapan. Napasyalan namin kasama si taruc at "the erps" ang nasabing mall. Ang agad kong napuna ay ang apurahang pagbubukas ng nasabing mall, kasi halos wala itong laman at kakaunti pa lang ang mga aktibong negosyo, yung iba nga ay may mga karpintero pa sa mga puwesto nila at nagpupupukpok pa doon. Ang mga siguradong papasukin ng tao dito ay ang gerry's grill at dencio's kasi maganda ang nakuha nilang puwesto, puede kang kumain at uminom dito habang pinagmamasdan mo ang mga sasakyang nagdadaanan sa ibaba. Ang sinubok naming kainan ay ang bacolod chicken inasal dahil na rin bawal na kay the erps ang mga pagkaing nakakatuliro katulad ng inihaw na liempo kaya dito kami sa chicken inasal napadpad. Ang inorder namin ay yung grilled tuna belly, crispy daing na bangus at para sa isang pinagpala ng gobyerno ang inorder niya ay chicken inasal. Madalas na rin akong makakain sa bacolod chicken inasal mapa makati o mapa paranaque man ako at kahit saang resto nila ay laging ang inoorder ko ay yung tuna belly, masarap kasi silang magluto nito at laging sariwa ang isda nila. Isa lang ang napuna ko sa mga kainan sa trinoma, para silang mga kawawa na nagtatawag ng mga kustomer, hindi ba nila mahintay yung mga tao na kusang pumasok sa kanilang mga restoran. May isa pa akong naispatan na masarap na kainan, ito yung bangus restoran, nagkaroon na rin ako ng pagkakataon na makakain sa kanila dun sa branch nila sa mall of asia pero ibang istoryahan na iyon.
Saturday, May 26, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment