Friday, February 05, 2010

For (S)He's A Jolly Good Fellow

Ano kaya magiging gimik sa opis namin? paretiro na kasi yung isang opismeyt ko. Sigurado bongahan iyon at sankatutak na tribute at plastikan sa mga kabutihan na nagawa niya KUNO. Pero hindi ganoon sa opis namin. Kasi nakikita ko sa kanila na kapag lang magkakaharap kami ay para bang close na close kaming lahat as in CLOSE. Pero pag tumalikod ka, PATAY kang bata ka. Lahat ng baho mo at lahat ng sama ng loob ng mga kasamahan mo ay ibibida sa iba. Ganoon naman daw talaga kahit saang opis. Pero hindi healhty ang ganoong environment. Ika nga ang lakas maka stress. Kaya lang hindi ko naman puedeng baguhin iyon dahil taga walis lang ako sa opis. Kaya ang lagi ko na lang bulong sa sarili ko kapag nakakarinig ako ng laplapan ng kaluluwa sa amin ay "2@&^ %#! ^%@$.

0 comments: