Saturday, January 30, 2010

Sad

Susana bagets, baket kasi naman biyernes na ay sinasagad ko pa rin ang trabaho. Ayun nung makatanggap tuloy ako ng text bandang alas singko ng hapon ay halos wala na akong ganang mag reply. Sayang kaarawan pa naman nung isang "mabote" ko ring kaibigan. Dyahi tuloy, hindi man lang ako nakasilip o nakalaklak kahit isang boteng serbesa man lang. Di bale babawi ako next time.



Ang malungkot pa nito dahil nga hindi na ako nakalabas ng bahay nung gabi ay minabuti kong panoorin na lang yung mga lumang video nung mga bakasyon namin. Hayun na "boracay sick" tuloy ako. Ano na kaya ang bago sa bora?, matagal na rin naman mula nung huli akong mapadpad doon. Sana palarin na ako sa susunod na lotto draw para makabili na ako ng isang maliit na kubo sa boracay katabi nung kay pacquiao.


Wednesday, January 27, 2010

bulb




Sunday, January 24, 2010

Oh my fuckin hangover

I'm beginning to enjoy a tv show that I started watching to when suddenly, I received a text message from my little brother, informing me that Jun D was in town and had a case of beer in his car's compartment. This is good news, especially on a Saturday night. But I did not jump with joy because I was still watching the tv show. But after a few minutes, I received a call. This time, a frantic voice was on the other end and ordered me to come ASAP. To lessen their anxiety, I obliged.

At coyote's place I found out that the boys from the old days were all there. The drinks and tanpulutz were all laid on the table, ready to be consumed. What are we waiting for? ATTTTACCKKK!!!.

Saturday, January 23, 2010

clean up time

Ano kaya ang magandang gawin ngayon?. Ayoko kasing matengga na naman ako sa harap ng computer. Marami na kasi ang nakakapuna na tumaba daw ako. Siguro dahil na rin nga sa kaiistambay ko sa harap ng computer. Malakas talagang makataba ito dahil wala kang kagalaw galaw man lang dito. Sana mauso yung upuan na may nakakabit na pampapayat para habang nag iinternet ka ay nilulusaw yung taba mo. Pero malabo yatang mangyari iyon. Ah alam ko na, linisin ko kaya yung aparador ko. Marami na rin namang damit doon na halos hindi ko na naisusuot, ipamimigay ko na lang iyun para naman mapakinabangan ng ibang tao. Tama yun na lang ang gagawin ko pagkatapos kong sumulat ng blog, bisitahin ang e-mail ko, makisilip sa facebook ng iba, twitterin yung nilalaman ng isip ko at maglaro ng texas poker face.

Kaya lang baka gabihin naman ako sa paglilinis. Bukas na lang kaya. Oops sino itong nagtext, si bisaya magpapa-inom daw dahil birthday nung sixteen.

Friday, January 22, 2010

bad

Waahhhh, biyernes na biyernes wala akong mapuntahang gimik.