Tuesday, October 24, 2006

Hey hey hey, that's what I say.

Ngayon ay Eid’l Fitr (Feast of Charity) o yung katapusan ng fasting ng mga muslim at bilang respeto sa mga kapatid nating muslim ay idineklara na walang pasok ngayon. Nagkaroon tuloy ako ng oras para muling silipin ang mga nakolekta kong vinyl records. Sa paghahalukay ko sa mga kober ng plaka ay hindi ko maiwasang hawakan ang album ng Rolling Stone's, ito yung kulay puti ang kober at mga mukha nila ang nakalagay. Double album ito at naglalaman ng mga magaganda nilang kanta. Bigla tuloy pumasok sa alaala ko ang isang matalik na kaibigan nung panahong nasa kolehiyo pa ako, si Joey Morales. Sa kauna unahang pagkakataon kasi nang maisama ko siya sa bahay ay ang Rolling Stone's album agad ang kanyang napansin. Dito na kami nagsimulang magkaroon ng malawak na unawaan patungkol din lang sa musika ang pag-uusapan at isa lamang siya sa mga barkada ko na umiindak sa tugtog ng stones. Halos araw araw ay magkasama kami nito, sa pagpasok sa eskwela dahil malapit lang ang inuuwian niya sa akin, sa pagsabit sa jeep, sa pagtakbo sa siguradong rumble, sa pagtakas sa bayarin sa ininom at pinulutan namin sa gilid ng post office ng manila at sa pag-iwan ng relo ng isa pa naming kaibigan na si Fred nang hindi namin mabayaran ang "chit" namin sa Shakey's monumento. Pagkatapos ng kolehiyo ay naputol ang komyunikasyon namin at nabalitaan kong napadpad na lang siya sa Hongkong upang maging isang OFW at kung minsan ay biyakero ng mga nalulungkot na babae. Kaya't habang tinitignan ko ang lumang plaka ay di ko maialis sa sarili ko ang mapangiti dahil sigurado akong sa gilid ng hongkong ay may umiindak na biyakero at nag-iisip kung paano niya matatakasan ang "chit" niya sa restoran.

1 comments:

Angelika said...

Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)