Ilang araw na lang ay halloween na at siguradong lahat ng paligid niyan ay balot ng istoryang katatakutan. Pero bago tayo mapunta sa mga nakatitindig balahibong istoryahan, may ikukuwento muna ako sa inyo tungkol sa isang bata. Aktuwali nagsimula ang kuwentong ito nung taong 1966, medyo makulit ang batang ito at minsan nga ay bigla itong nawala sa isang piyestahan. Lahat tuloy ng bisita dun sa piyestahan ay nakisali sa paghahanap. Pero hindi naman pala siya talagang nawala kundi sumama lang sa musiko na nagbibigay ng aliw sa mga namimiyesta. Dumating naman ang panahon na dapat na siyang mag-aral. Ang ginawa naman ng batang ito ay madalas magtago sa silong ng bahay nila para hindi siya makita dahil na rin sa ayaw niyang pumasok sa iskuwela. Sabi nga ng matatanda sa lugar nila, lahat daw ay gagawin nito huwag lang pumasok sa iskuwela. Tapos madalas yang makitang naglalaro sa gilid ng bahay nila, kung saang pinaniniwalaang may nuno sa punso doon. Kapag tinatanong siya ay sinasabi niyang may mga kalaro siya dun na di nakikita ng ibang tao. Tinagurian din siyang anito king, hindi dahil madalas siya sa anito, kundi dahil kaya niyang maglaro ng puro lumang ballpen lang ang hawak at iniisip niyang mga basketball players ito. Nang magbinata na siya ay dun na niya nadiskubre ang musika. Nahilig siyang makinig ng kung ano anong klase ng musika-rock, jazz, blues, punk. Nahilig pa nga ito sa mga damit na itim at may pins ng mga sex pistols, ramones. Nung panahon niyan ay kasabay na rin ng pagkahilig niya sa alak at sa iba pang nagpapaligaya sa isip at katawan ng mga tao. Ito yung tinatawag ng "experimental years" kung saan dumarating sa tao yung gusto mong masubok lahat, tama man o mali. Sa panahong iyan ay dumami rin ang mga kabarkada niya na may kaparehong pakay sa buhay na katulad niya. Pero sabi nga dumarating sa buhay ng isang tao yung magiging mahinahon ka na rin. Isa rin siya sa unang sumayaw sa ganoong tugtog. Sa kilos lang siya naging mahinahon pero yung hilig niyang tugtog ay nanduon pa rin. Hanggang sa ngayon ay nakikita ko pa rin ang batang ito matapos ang apatnapung taon. Katunayan nga sa sabado ay may nakahanda siyang kaunting pagsasalo para magpasalamat sa ibinigay na buhay sa kanya mapabuti man o mapasama. Happy birthday Tol.
Thursday, October 26, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
koya pakisabi kay koya hapi bertdi, goldin bertdi na pala niya, 40 yers
Post a Comment