May nadiskubre na naman akong kainan cum inuman sa may qc, kung inyong babaybayin ang kahabaan ng commonwealth avenue hanggang bago ka makarating sa jordan heights nova ay may pakanan na kalsada doon patungo naman ng SM Farview err Fairview. Pagkaliko mo pa lang ay uungaong na sa iyo yung kainan cum inuman. May mga nipa hut sila doon na puro bago pa, hindi katulad sa ibang nipa hut eatery cum beerhaus ay nakikipatagisan ka ng galing sa mga bukbok nung kubo. Dito dahil na rin sa bago pa yung puesto ay maganda at mabilis pa ang mga serbisyo nila and take note mura ang mga tinda nilang pagkain at pulutan, beer? medyo mataas ang presyo. Siempre pa kapag nasa bandang nova ka ang laging order of the day jan ay kambing, kaya ang inorder namin ay kalderetang kambing, papaitan at kilawin. Hoy mga bruho kakain lang kami ng tanghalian niyan bakit parang may bumubulong sa tenga ko ng BEER PRECIOUS BEEEEEER. Nirebesa ko ang menu nila at may nakita rin akong mga pulutang pampabata katulad ng crispy pata, tenga at ulo. May inihaw din silang tuna, plapla, bangus, liempo. Siempre pa hindi mawawala ang sisig dahil yung mga tira tira nung ibang umiinom ay hinihiwa yan ng maliliit at gagawing sisig. Kahit saang beerhaus ka pumunta ay ganyan ang praktis kaya huwag na kayong magselos.
Saturday, March 31, 2007
hypocrite #1
Naranasan nyo na bang magtrip o magwindow shopping sa mga tindahan ng kotse. Nakakatuwa kasing obserbahan ang mga SE (sales executive) doon. Minsan ay umistambay ako sa isang tindahan ng sasakyan kung saan ay inobserbahan ko ang galaw ng mga SE nila. Halos lahat ng pumasok ay kanila agad nilalapitan at tatanungin kung ano ang pakay mo. Ano ang pakay ko? gusto ko ng away baket papalag ka?. Matapos ka nilang tanungin ay aakayin ka pa nila (take note: holding hands pa kayo habang naglalakad) sa mga nakadisplay na sasakyan at ipapakita sa iyo yung mga mamahalin nilang tinda. Pagkatapos mong makita ang mga sasakyan ay aalukin ka naman ng kape or juice, kaya ang pakiramdam mo ay para ka talagang hari na bagong tuli dahil kung pagsilbihan ka ay bale bale, demonyo. Tapos heto na maiiganyo kang bumili dahil na rin puede naman palang utangin ang nasabing sasakyan. Ilang minuto lang ay isang bultong papeles na ang pinapipirmahan sa iyo at maya maya lang ay puede mo na raw iuwi ang sasakyang napili mo at ipapahatid pa sa mga in house driver nila ang unit para naman siguradong makakarating ang bago mong utang na sasakyan ng maayos sa bahay mo. Maya maya naman habang bumabiyahe na kayo ay tatawagan ka pa niyan sa cellphone mo at kakamustahin kung ok ka lang at kung nakarating na kayo sa bahay, para bang talagang close kayo. Tapos heto na ang siste, nung maidespose na ang sasakyan sa iyo at kailangan mo ang kaunting tulong niya para malaman kung kailan mo makukuha ang plate number ng sasakyan mo o ano pang mga tanong na may kinalaman sa inutang mong sasakyan ay hindi mo na sila makontak, subukin mo namang magtext at hindi sila nagrereply. Kapag naman nadapuli mo sila sa landline at tanungin mo kung nakarating ang text mo sa kanila ang isasagot nila sa iyo at wala raw silang natanggap na text galing sa iyo. Mga putang i.. nyo, gandahan nyo naman ang aftersales nyo kahit na mumurahin at utang lang ang sasakyang kinuha namin ay kumita rin naman kayo ng komisyon sa amin, huwag namang pagkatapos ninyong makuha ang kumisyon ninyo ay tatablahin nyo na kami dahil balak ko pa naman sanang bumili uli sa inyo ng dalawang sasakyan na gagamitin ko sanang pambara nung isa kong pinto sa bahay dahil ayaw nang sumara at yung isa naman ay ilalagay ko sa bubungan namin para hindi liparin yung bubong ko sa nalalapit na tag-ulan. Kas yes kas ko babayaran.
hypocrite #2
Nakakita na naman ako ng tinatawag nating pinoy system nung minsang mapasyal kami ni utol sa isang tindahan ng mga mp3 player. Dahil na rin sa hindi ako mahilig magsuot ng amerikana maliban sa luma kong tashert ay halos hindi kami pansinin ng mga tindera ng naturang tindahan. Mas aligaga silang sundan na para silang mga asong gala na sumusunod sa mga naglalakad dun sa mga tumitingin ng mp3 player na magaganda ang bihis at mukhang mga artistahin. Bakit kaya ganito ang natutuhang sistema ng mga noypi, porke ba mukhang maralita kami nung sumilip sa mga tindahan niyo ay hindi nyo na kami bibigyan ng pansin, dahil na rin sa mukha namang hindi kami magsisibili ng naturang mga tinda ninyo. Pero teka mga enday, di ba may kasabihan na lahat ng papasok sa inyong tindahan ay dapat ninyong ituring na kostumer mahirap man yan o mayaman. Hindi ba't ang mga nagwiwindow shopping ang mga bumubuhay sa inyong negosyo dahil kung makikita ng iba na walang laman ang inyong tindahan ay malamang na mahiyang pumasok ang ibang tao sa inyo dahil iisipin nung iba na baka mahal ang tinda ninyo o di kaya ay walang kuwenta. Matapos naming magtanong sa mga bantay ng tindahan ay basta na lang kami iiwanan ng mga hindoropot at muli nilang kakausapin yung magaganda ang bihis. Kaya lang nung maglinaw ang tubig lahat nung inaasahan nilang bibili na magaganda ang bihis ay nagsilabas ng shop at wala man lang binili sa mga tinda nila, pero kaming mga mukhang "pagpag eaters" ay nagluwal ng kaunting halaga na katumbas ng apat na buwan nilang sahod para bumili ng isang produkto nila doon. O ngayon pati telepono ninyo ay pinapayagan ninyo akong tumawag ganung nung unang pasok namin ang sabi ninyo ay sira ang telepono ninyo mga sira ulo.
the situation is under control...
Namonitor nyo ba yung nangyaring hostage sarzuela na naganap sa lungsod ng maynila kung saan isang negosyante na may-ari din ng daycare center ang namuno para ipahiwatig ang nilalaman ng kanyang puso at isipan. Kung inyong papakinggan ang kanyang tinatawag na impromtu state of the nation address ay talaga namang hindi ka na magdadalawang isip na lisanin ang bayan nating sinilangan. Isipin mo isang negosyante na nakakaluwang na sa buhay ang napupundi pa rin sa sistema ng ating gobyerno, ganung kung tutuusin ay hindi na siya apektado ng hirap ng buhay dahil na rin sa estado niya. Pero ano ang nangyari, napatid si manong dahil na rin sa kahipokritohang nakikita niya sa pamamalakad at pangkukunwari ng mga namumuno sa atin. Maganda ang kanyang mensahe pero may bahid din na personal na galit lalo na sa mga singkit ang mata. Maganda rin ang gusto niyang mangyari sa mga bata na kaniyang pinag-aaral na sana ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga ito, kaya lang kailangan talagang gumawa ang ibang tao ng mga drastik na hakbang para mapakinggan ka ng gobyerno. Kita mo naman matapos niyang pakawalan ang mga bata na hinostage niya ay biglang nagkaroon ng maliit na salo salo sa palasyo at mayroon pa silang digitalan (kodakan nung araw) nung nakatira dun sa palasyo na alam nyo na rin kung sino yon. Marami na akong napanood at nasaksihan na mga ganyang sitwasyon (hindi lagi yung hostage ha). Kung inyong natatandaan yung isang OFW natin na sumikat mula nung malethal injection sa singapore, di ba sankatutak na politiko ang nagsipunta sa lamay nun. May ilan pa ngang politiko ang naging kumare nung isang anak na buntis nung nalethal injection nating kababayan. Pero pagkatapos ng tinatawag na media exposure nung mga lintek na politiko ay iniwan silang lahat sa ere dahil napakinabangan na ang pagkakataon nila. Hanggang kailan kaya tayo magiging bulag sa mga ganitong pagsasamtala ng mga trapo, parang nakakasawa na rin talaga, buti na lang may isang mama na may bayag para isiwalat ang mga kataran...ng mga namumuno sa atin. MAGBAGO NA KAYO, HIRAP NA HIRAP NA KAMING MGA NOYPI. MAY MANYAYARI PA KAYA SA ATING KINABUKASAN?
Tuesday, March 27, 2007
may fiesta ba sa baryo nyo? punta at kain ako jan...
Napapasyal ba kayo sa bandang Norte? kunyari na sa bulacan. Kung sakaling mapapasyal kayo sa bandang bulacan at nakaramdam kayo ng gutom, huwag na huwag kayong magkakamali na kumain sa isang kainan doon na nasa loob ng isang kilalang mall sa bandang Marilao. Ganito ang istorya, nung lunes kasi ay may pinuntahan kaming recognition day at dahil na rin sa dami ng medalya na natanggap nung bata ay naisipan naming magselebreyt sa magandang kainan. At dahil na rin sa kilala ang naturang kainan na ito na may fiesta atmoshpere ang dating ay napagkasunduan naming doon na lang chumibug. Pagdating namin sa loob ay kapuna-puna na isang mesa lang ang may tao, ganoong tanghaliang tapat pa naman. Pagkaupo ay tinignan na namin ang menu, siempre pa ang una naming pinili ay ang kare-kare na paborito ng lahat. Ngunit nagsuggest ang waiter at sinabing mayroon silang promo na putahe na puro inihaw na seafood at may katernong gulay. Dahil na rin sa ang isang kasama namin ay bawal ang mga baboy at matatabang pagkain, kaya naisipan na rin naming orderin ang sinabi ng waiter. Habang naghihintay kami ay niribesa ko ang mga menu at halos himatayin ako sa sobrang mahal ng mga tinda nilang pagkain. Pero dahil na rin nga may celebration dahil na rin sa dami ng medalya na nakuha sa eskuwela ay ok na rin sa amin kahit medyo mahal ang mga presyo nila. Nagpahabol pa nga kami ng sinigang na boneless bangus dun mismo sa floor manager nila. Heto na, nang dumating na ang inihaw na seafood ay napuna ko agad na kakaunti lang ito, halos tinakpan lang nila ng tahong, talaba at arusep o yung seaweed ang isang pirasong inihaw na hito, isang alimasag, anim na pirasong hipon, isang maliit na liempo at hita ng manok (inihaw na seafood ba ito?), isang maliit na tilapia. Kasabay nitong dumating yung sinasabing pakbet na good for 4 persons daw yun kung kayo pala ay apat na paslit, good for 4 na yun. Nang nagsisimula na kaming kumain ay may dumating na inihaw na maliit na bangus, kaya nakuha pa naming magbiro dun sa waiter at tinanong namin kung yun na ba ang inorder naming sinigang na boneless bangus. Doon tuloy namin nalaman na hindi pala nila naihabol yung order naming sinigang na boneless bangus kaya pinakansel na lang namin ito. Ok na sana sa amin yung mga inihaw kahit medyo mahal ang presyo nila, kaya lang nung nilantakan na namin yung hinabol na bangus ay bigla kaming nawalan ng gana, dahil lasang panis yung bangus. Tinawag namin yung isang waiter at itinuro lang namin yung bangus. Alam nyo ba ang sabi agad nung waiter? "Sir bakit po may lasa po ba yung bangus?". Paano niya kaya nalaman na may lasa yung bangus kung wala naman kaming sinasabi, hindi nya kaya naiisip baka kaya lang namin itinuro ito ay dahil nasasarapan kami. Pagkatapos niyang magtanong ay agad niyang kinuha ang inihaw na bangus at papalitan na lang daw. Anong klaseng kainan ito, nagpapalusot kayo ng panis na pagkain para sa mga kustomer ninyo, ano ang akala nyo sa amin sanay kumain ng pagpag mga buwakang &%$ nyo. Kaya pala ganun na lang kakonti ang mga kumakain sa inyo. Ayoko sanang sabihin ito dahil nakakain din naman ako sa ibang sangay ninyo katulad na sa bandang Cubao at sa isang mall jan sa West Avenue, kaya nga ang expected ko ay katulad kayo ng ibang mga sangay ninyo na may kaunting pagmamalasakit sa mga kumakain sa restoran ninyo. Dahil dito ay tinawag namin ang pansin nung bruhang floor manager para ipaaalam sa kanila na medyo hindi na ayos yung inihain nilang inihaw na bangus sa amin. Alam nyo ang naging reaksyon niya? WALA as in WALA parang ok lang sa kanya na magpalusot sila ng panis na ulam na saksakan pa ng mahal. HULING KAIN KO NA SA INYO MGA BUWA.....
Sunday, March 25, 2007
sa batis na kung tawagin ay hi...hi..hinulu
Maganda na pala uli ang daan paakyat ng Antipolo. Nung araw kasi kapag nagyayaya ang lola ko para magsimba jan ay nagtatakbuhan na kami lahat sa ilalim ng silong namin kasi walang gustong sumama sa lola ko dahil nalalayuan kami. Kahapon ay nagkaroon na naman kami, kasama ang mga erms at erps na umahon sa Antipolo. Muli ko na namang nakita ang Padi's Resto kung saan isa ito sa may pinakamangandang view ng Metropolis. Pero ang nakapagpatayo ng balahibo ng alaala ko ay ang "eagles neck" oops bago nyo ko korekin na "eagles nest" ang tawag jan ay bigyan nyo muna ako ng isang oras at kalahati para maipaliwanang kung bakit naging "eagles neck" ang tawag ko sa lugar na ito. Kasi nung araw na umiistambay pa ko sa cogeo, kung saan sangkatutak ang naging tropa ko ay madalas kaming magkayayaan jan sa "eagles neck" na yan. Dahil na rin sa kakulangan pa namin ng budget noon ang madalas naming bilin na pulutan jan ay ang "chicken neck", ito kasi ang pinakamurang tanpulutz kasama na ang mga IUD, Adidas, Isaw at Mani. Kaya mula noon ay binansagan na naming "eagles neck" ang naturang lugar, ok getching achuching nyo na. Pagdating namin nila erms at erps sa simbahan ng Antipolo ay nakakapanibago na rin, kasi wala nang sumusugod sa akin para kabitan ako sa tashert ko ng mga santo na may nakadikit ng paldibre. Nung araw kasi tanda ko jan pag baba pa lang namin ng bus ay sinasalubong na kami ng mga nagkakabit ng nasabing imahen ng santo, minsan nga sa pag-uunahan nung mga nagkakabit yung ibang imahen nung santo ay sa noo ko na nila naitutusok yung paldibre. Nagbibiruan nga kami ni Taruk (da utol Jun) na medyo matanda na talaga kami dahil takot na silang lapitan kami at kabitan ng mga nakapadibreng imahen. Ang sabi ko naman sa kanya ay kaya walang naglakas ng loob na kabitan kami ng nasabing nakapaldibreng imahen ay dahil nakabukol yung dala dala naming baril-barilan, takot lang ng mga hinayupak na yan na lumapit sa amin. Matapos naming sumilip sa simbahan upang magpasalamat sa mga biyayang natatanggap ay humingi uli ako ng sangkatutak na pera sa mga santo dun sa loob ng simbahan, iyun ay kung palulusutin lang naman nila ang dasal ko, ba malay mo makalusot nga. Tapos ay nagtungo na kami dun sa gilid ng simbahan nila para ipalista yung aming sasakyan. Ipalista ang sasakyan? baketttttt? Mga baduy for your info, ang antipolo church ay tinagurian ding Our Lady of Good Voyage o sa kastilaloy na salita ay Nuestra Senora del Buen Viaje hindi safe passage bastos at hindi rin Viaje as in score, kuha or whatsover. Kaya kapag may bago kang sasakyan o car sa ingres, ingrish, ingles basta kapag may bago kang chekut ay dun mo agad dadalhin sa Antipolo para ipabless. Pagkatapos mabless ang chekut ay sinilip naman namin ang hinulugang taktak resort at dun ay kumain kami ng mangga, suman, kasoy at balimbing. Kaya magmadali ka at tayo ay sumama sa Antipolo. Last question please? kaninong chekut yung pinabless? Sa akin may bago ako, baket may angal kayo mga hindoropot busett.
Saturday, March 24, 2007
P200.00
Napanood nyo ba sa tv documentary yung mga farmers sa probinsya na two hunded pesos lang isang buwan ang sinasahod. Tapos kapag kailangan pa nila ng tubig para inumin o ipampaligo ay kailangang lumakad pa sila ng malayo para umigib. Ganito na ba talaga kahirap ang buhay sa pinas o masyado lang tayong tinitikis ng mga namumuno sa atin. Kasi ang iniisip ko ay kung paano ka mabubuhay sa halagang dalawang daang piso kada buwan, kahit lucky me ang kaiinin mo araw araw ay hindi pa rin kakasya ang ganoong halaga. Paano na ang pag-aaral ng mga anak nila, di masasakripisyo na. Hindi ako economist o henyo sa pagpapatakbo ng isang bansa, pero marunong ako ng simpleng mathematics para bigyang lunas ang kahirapan ng mga tao at mapaunlad kahit man lang papaano ang kabuhayan nating mga noypi. Huwag tayong magsipagdiwang sa mga pigura sa jaryo na bumaba na ang antas ng mga walang trabaho. Dahil lahat tayo mismo ay nakikita natin at nararamdaman ang kahirapan ng buhay ngayon. Sinong gago ba naman ang gustong umistambay maghapon sa bahay, maliban na sa mga retirado nating mga magulang. Pero sa ngayon ay napupuwersa ang mga kabataan at mga naiwanan na ng panahon na umistambay buong hapon sa bahay dahil kahit pudpurin mo ang sinelas mo kahahanap ng totoong trabaho ay hindi ka makakakita ngayon, maliban na lang sa mga jaryo na nakasaad doon na bumaba na ang antas ng mga walang trabaho. Manang pakidagdagan nyo naman ng isa pang tinapa ang binili ko sa inyo at pakibalot na lang sa putang inang jaryo na yan na nagsasabing marami ng trabaho para sa sambayanang noypi.
basketball jones
Namputz bakasyon na naman sa school kaya ang gulo gulo na naman ng bahay. Hindi tuloy ako makasingit sa computer o sa laptop (hu yabang)... nung kapitbahay namin kasi nandun lahat ang mga kids nila. Masarap nga sana kapag wala ng pasok ang school kasi hindi ka na gigising ng maaga para ayusin ang mga gagamitin nila pagpasok at medyo menos ka na rin sa gastos dahil wala ka munang baon na ibibigay sa kanila. Ang isa ko lang problema kapag ganitong walang pasok ang mga nagsisipag-aral ay hindi ko mabuksan lagi ang pintuan namin kasi lagi may kumakatok na mga bata at nagsosolicit ng kaunting donasyon para daw sa pampaggawa nila ng uniporme sa basketball. Hoy mga %@&$ lumang gimik na yan. Ginawa na rin namin dati ang ganyang style kahit tanungin nyo pa si Coyote at Bulldog, pero lahat ng nalikom naming donasyon noon na pangpatahi ng uniporme ay naubos lang sa alak at saka hindi naman ako tatakbong politiko dito sa lugar namin bat ako lagi ang sinasaputan nyo mga anak kayo ng....enday akina nga yung micardis at valium ko jan, mga busettt, kung gusto ninyong magbasketball, huwag na kayong mangmulestiya sa iba puede na naman ngayon ang naked basketball the next level.
Sunday, March 18, 2007
summer
Hindi na talaga maikakaila, tag-init na ulit at ang sarap na namang magsuot ng loose na tashert at mga puruntong shorts tapos teternohan mo ng wayfarer o kaya ay rayban sabay papaputpot mo yung buhok mo, hanep ikaw ang bigatin. Masarap din gunitain kung minsan yung mga nagdaang summer season sa atin, marami kasi ditong masarap na alaala, lalo na nung panahong malikot pa ang ating mga libido. Dito rin nagkakaroon ng pagkakataong maging solo kayo ng mga tropa ninyo o yung mga gusto ninyong syota-in nung araw kasi nagkakayayaan kayong magswiming at madalas naman ay overnight ang ganitong lakaran kaya nasosolo ninyo ang mga prospective target ninyong chiching. Siempre pa kapag nasa dagat kayo ay puro lang kayo naka trunks at two piece, tapos baha ng alak, chibug at in betweens or yung tinatawag nila sa kalsada na gas, small cigar, dobbies, juts, chongs, pampa-red eyes. Tapos magsisiga kayo sa gilid ng dagat at uupo kayo lahat dun na magkakapartner, enday hindi kayo uupo dun sa siga at baka matusta ang mga wetpu nyo dun ano ka ba? Newey habang nakapaligid kayo sa apoy ay nagbobolahan kayo ng mga kapartner nyo at sinasabayan ninyo ng laklak ng mga baon nyong pampahilo at siempre pa kapag medyo tipsy na lahat ay may nagbibiro na dyan ng mga green jokes. Tapos bigla na lang magpapa-alam ang mga tropa mo na kasama ang kapartner nila at kunyari ay lalakad sa dako pa roon ng dagat kung saan hindi na sila sapul ng liwanag ng apoy na sinindihan ninyo. Ano pa nga ba ang gagawin ng mga magkapartner kapag lumayo na kayo sa grupo ninyo, sabagay pareho naman kayong walang pananagutan. Umiinit na yata ang kuwento ko ha, tapos pagkalipas ng ilang minuto ay babalik na kayo dun sa grupo ninyo na nakaikot pa rin sa apoy. Siempre pa magtitinginan ang mga tropa ninyo kung bakit natagalan kayong magkapartner at bakit pareho kayong walang kibo. Pagkalapit ninyo sa kanila ay mapupuna nilang pareho kayong amoy marijuana. Mga buset kala ko pa naman ay nagkatikiman na kayong dalawa sa dilim yun pala ay tsumongke lang kayo, in short nagsolo. Tapos may lakas ng loob pa kayong tumugtog ng gitara ay mag duet habang kinakanta ang "Tag araw sa may dagat namasyal at pag dilim sa may baybay humimlay...at nagyakap sabay sa pag....mga buset wala na bang joint.
catarman
Mapublish kaya ang blog ko ngayon, kasi gusto ko sanang ikuwento yung napasyalan ko nung isang araw. Nagkaroon kasi ako ng pagkakataong mapunta sa Catarman, Northern Samar. Ang Northern Samar ay isa sa tatlong probinsya na tinatag nung June 19, 1965 dahil na rin sa RA No. 4221. Puede ka ring dumaan dito kung gusto mong magpunta sa Eastern Visayas at Mindanao kung medyo nagtitipid ka ng pamasahe sa eroplano at gusto mong sa bus lang sumakay. Medyo malaki rin ang sakop ng Northern Samar dahil may sukat silang 349,800 hectares or kung ikokonbert mo sa sq. km. ay lalabas itong 3,489 sq km. May bihaye dito ang eroplanong Asian Spirit tuwing martes, huwebes at sabado.
Ang una kong napuna sa catarman ay ang airport nila dahil pag landing ng eroplano namin ay napuna kong may mga tao sa gilid ng airport na parang ngayon lang nakakita ng eroplano. Pero nagkamali pala ako dahil pagkatapos lumampas ng eroplanong sinasakyan namin ay may naghudyat sa mga tao na puede na silang magsitawid. Natawa nga kami ng mga kasama ko dahil parang nasa ordinaryong kalsada ang airport nila at puedeng tawiran ng mga tao kung wala pang lalanding na eroplano.
Pagkalabas namin ng airport ay sinalubong na agad kami ng aming asset o kontak na si nonong. Ang una agad niyang sinabi sa amin ay wala raw magandang sasakyan sa Catarman at ang magiging service naming sasakyan pansamantala ay ang tricycle na inarkila niya at ang kanyang bagong honda xrm. Pagkatapos na kaunting kamustahan ay nagyaya na muna ang kontak namin na mag-agahan muna sa kanila para naman daw makita namin ang bahay niya. Pagdating namin sa kanilang bahay ay agad niya kaming pinatuloy na sa kusina kung saan nakaahin na ang halabos na sugpo, pritong salmon, sinigang sa kalamansi na tuna at monggo. Nang tinitira na namin lahat ang chibug ay napuna kong wala kaming sawsawang patis maliban sa toyo.
Naikuwento ni nonong sa amin na bihira daw ang nagsasawsaw sa patis sa kanilang lugar dahil nasanay na silang magsawsaw sa toyo, kaya bihira daw ang nadadayalisis sa kanilang lugar. Matapos naming kumain ay sinimulan na namin ang aming misyon sa naturang bayan at madali naman naming natapos kaya nagkaroon kami ng pagkakataon na ikutin ang ilang lugar sa catarman at sa paligid ng san jose kung saan sikat ang nasabing lugar sa mga tinda nilang alimango. Malas nga lang at masyado pang maaga kaya wala pang tinda.
Ang isa pang napuna ko sa lugar nila bukod sa maganda ito dahil na rin balot ng dagat ay ang kawalan ng mapipiling hanap-buhay dito maliban sa pagpapasada ng tricycle at pedicab. Ito na raw ang pinaka marangal na trabaho dito at ang maghuli ng isda. Puede sanang pagyamanin ang lugar dahil na rin sa paligid ito ng dagat, kaya lang ang problema dito ay ang tinatawag na farm to market road kung saan mabilis sanang maibebenta ng mga tao dito ang kanilang ani at produkto.
Ang una kong napuna sa catarman ay ang airport nila dahil pag landing ng eroplano namin ay napuna kong may mga tao sa gilid ng airport na parang ngayon lang nakakita ng eroplano. Pero nagkamali pala ako dahil pagkatapos lumampas ng eroplanong sinasakyan namin ay may naghudyat sa mga tao na puede na silang magsitawid. Natawa nga kami ng mga kasama ko dahil parang nasa ordinaryong kalsada ang airport nila at puedeng tawiran ng mga tao kung wala pang lalanding na eroplano.
Pagkalabas namin ng airport ay sinalubong na agad kami ng aming asset o kontak na si nonong. Ang una agad niyang sinabi sa amin ay wala raw magandang sasakyan sa Catarman at ang magiging service naming sasakyan pansamantala ay ang tricycle na inarkila niya at ang kanyang bagong honda xrm. Pagkatapos na kaunting kamustahan ay nagyaya na muna ang kontak namin na mag-agahan muna sa kanila para naman daw makita namin ang bahay niya. Pagdating namin sa kanilang bahay ay agad niya kaming pinatuloy na sa kusina kung saan nakaahin na ang halabos na sugpo, pritong salmon, sinigang sa kalamansi na tuna at monggo. Nang tinitira na namin lahat ang chibug ay napuna kong wala kaming sawsawang patis maliban sa toyo.
Naikuwento ni nonong sa amin na bihira daw ang nagsasawsaw sa patis sa kanilang lugar dahil nasanay na silang magsawsaw sa toyo, kaya bihira daw ang nadadayalisis sa kanilang lugar. Matapos naming kumain ay sinimulan na namin ang aming misyon sa naturang bayan at madali naman naming natapos kaya nagkaroon kami ng pagkakataon na ikutin ang ilang lugar sa catarman at sa paligid ng san jose kung saan sikat ang nasabing lugar sa mga tinda nilang alimango. Malas nga lang at masyado pang maaga kaya wala pang tinda.
Ang isa pang napuna ko sa lugar nila bukod sa maganda ito dahil na rin balot ng dagat ay ang kawalan ng mapipiling hanap-buhay dito maliban sa pagpapasada ng tricycle at pedicab. Ito na raw ang pinaka marangal na trabaho dito at ang maghuli ng isda. Puede sanang pagyamanin ang lugar dahil na rin sa paligid ito ng dagat, kaya lang ang problema dito ay ang tinatawag na farm to market road kung saan mabilis sanang maibebenta ng mga tao dito ang kanilang ani at produkto.
Saturday, March 10, 2007
busetttt
hello beke one beke two, baket kaya hindi mapublish yung mga journals ko, ang dami ko nang ginawa tapos ayaw namang malagay sa blog.
Subscribe to:
Posts (Atom)