Saturday, March 31, 2007

hypocrite #1

Naranasan nyo na bang magtrip o magwindow shopping sa mga tindahan ng kotse. Nakakatuwa kasing obserbahan ang mga SE (sales executive) doon. Minsan ay umistambay ako sa isang tindahan ng sasakyan kung saan ay inobserbahan ko ang galaw ng mga SE nila. Halos lahat ng pumasok ay kanila agad nilalapitan at tatanungin kung ano ang pakay mo. Ano ang pakay ko? gusto ko ng away baket papalag ka?. Matapos ka nilang tanungin ay aakayin ka pa nila (take note: holding hands pa kayo habang naglalakad) sa mga nakadisplay na sasakyan at ipapakita sa iyo yung mga mamahalin nilang tinda. Pagkatapos mong makita ang mga sasakyan ay aalukin ka naman ng kape or juice, kaya ang pakiramdam mo ay para ka talagang hari na bagong tuli dahil kung pagsilbihan ka ay bale bale, demonyo. Tapos heto na maiiganyo kang bumili dahil na rin puede naman palang utangin ang nasabing sasakyan. Ilang minuto lang ay isang bultong papeles na ang pinapipirmahan sa iyo at maya maya lang ay puede mo na raw iuwi ang sasakyang napili mo at ipapahatid pa sa mga in house driver nila ang unit para naman siguradong makakarating ang bago mong utang na sasakyan ng maayos sa bahay mo. Maya maya naman habang bumabiyahe na kayo ay tatawagan ka pa niyan sa cellphone mo at kakamustahin kung ok ka lang at kung nakarating na kayo sa bahay, para bang talagang close kayo. Tapos heto na ang siste, nung maidespose na ang sasakyan sa iyo at kailangan mo ang kaunting tulong niya para malaman kung kailan mo makukuha ang plate number ng sasakyan mo o ano pang mga tanong na may kinalaman sa inutang mong sasakyan ay hindi mo na sila makontak, subukin mo namang magtext at hindi sila nagrereply. Kapag naman nadapuli mo sila sa landline at tanungin mo kung nakarating ang text mo sa kanila ang isasagot nila sa iyo at wala raw silang natanggap na text galing sa iyo. Mga putang i.. nyo, gandahan nyo naman ang aftersales nyo kahit na mumurahin at utang lang ang sasakyang kinuha namin ay kumita rin naman kayo ng komisyon sa amin, huwag namang pagkatapos ninyong makuha ang kumisyon ninyo ay tatablahin nyo na kami dahil balak ko pa naman sanang bumili uli sa inyo ng dalawang sasakyan na gagamitin ko sanang pambara nung isa kong pinto sa bahay dahil ayaw nang sumara at yung isa naman ay ilalagay ko sa bubungan namin para hindi liparin yung bubong ko sa nalalapit na tag-ulan. Kas yes kas ko babayaran.

0 comments: