Hindi na talaga maikakaila, tag-init na ulit at ang sarap na namang magsuot ng loose na tashert at mga puruntong shorts tapos teternohan mo ng wayfarer o kaya ay rayban sabay papaputpot mo yung buhok mo, hanep ikaw ang bigatin. Masarap din gunitain kung minsan yung mga nagdaang summer season sa atin, marami kasi ditong masarap na alaala, lalo na nung panahong malikot pa ang ating mga libido. Dito rin nagkakaroon ng pagkakataong maging solo kayo ng mga tropa ninyo o yung mga gusto ninyong syota-in nung araw kasi nagkakayayaan kayong magswiming at madalas naman ay overnight ang ganitong lakaran kaya nasosolo ninyo ang mga prospective target ninyong chiching. Siempre pa kapag nasa dagat kayo ay puro lang kayo naka trunks at two piece, tapos baha ng alak, chibug at in betweens or yung tinatawag nila sa kalsada na gas, small cigar, dobbies, juts, chongs, pampa-red eyes. Tapos magsisiga kayo sa gilid ng dagat at uupo kayo lahat dun na magkakapartner, enday hindi kayo uupo dun sa siga at baka matusta ang mga wetpu nyo dun ano ka ba? Newey habang nakapaligid kayo sa apoy ay nagbobolahan kayo ng mga kapartner nyo at sinasabayan ninyo ng laklak ng mga baon nyong pampahilo at siempre pa kapag medyo tipsy na lahat ay may nagbibiro na dyan ng mga green jokes. Tapos bigla na lang magpapa-alam ang mga tropa mo na kasama ang kapartner nila at kunyari ay lalakad sa dako pa roon ng dagat kung saan hindi na sila sapul ng liwanag ng apoy na sinindihan ninyo. Ano pa nga ba ang gagawin ng mga magkapartner kapag lumayo na kayo sa grupo ninyo, sabagay pareho naman kayong walang pananagutan. Umiinit na yata ang kuwento ko ha, tapos pagkalipas ng ilang minuto ay babalik na kayo dun sa grupo ninyo na nakaikot pa rin sa apoy. Siempre pa magtitinginan ang mga tropa ninyo kung bakit natagalan kayong magkapartner at bakit pareho kayong walang kibo. Pagkalapit ninyo sa kanila ay mapupuna nilang pareho kayong amoy marijuana. Mga buset kala ko pa naman ay nagkatikiman na kayong dalawa sa dilim yun pala ay tsumongke lang kayo, in short nagsolo. Tapos may lakas ng loob pa kayong tumugtog ng gitara ay mag duet habang kinakanta ang "Tag araw sa may dagat namasyal at pag dilim sa may baybay humimlay...at nagyakap sabay sa pag....mga buset wala na bang joint.
Sunday, March 18, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment