Tuesday, March 27, 2007

may fiesta ba sa baryo nyo? punta at kain ako jan...

Napapasyal ba kayo sa bandang Norte? kunyari na sa bulacan. Kung sakaling mapapasyal kayo sa bandang bulacan at nakaramdam kayo ng gutom, huwag na huwag kayong magkakamali na kumain sa isang kainan doon na nasa loob ng isang kilalang mall sa bandang Marilao. Ganito ang istorya, nung lunes kasi ay may pinuntahan kaming recognition day at dahil na rin sa dami ng medalya na natanggap nung bata ay naisipan naming magselebreyt sa magandang kainan. At dahil na rin sa kilala ang naturang kainan na ito na may fiesta atmoshpere ang dating ay napagkasunduan naming doon na lang chumibug. Pagdating namin sa loob ay kapuna-puna na isang mesa lang ang may tao, ganoong tanghaliang tapat pa naman. Pagkaupo ay tinignan na namin ang menu, siempre pa ang una naming pinili ay ang kare-kare na paborito ng lahat. Ngunit nagsuggest ang waiter at sinabing mayroon silang promo na putahe na puro inihaw na seafood at may katernong gulay. Dahil na rin sa ang isang kasama namin ay bawal ang mga baboy at matatabang pagkain, kaya naisipan na rin naming orderin ang sinabi ng waiter. Habang naghihintay kami ay niribesa ko ang mga menu at halos himatayin ako sa sobrang mahal ng mga tinda nilang pagkain. Pero dahil na rin nga may celebration dahil na rin sa dami ng medalya na nakuha sa eskuwela ay ok na rin sa amin kahit medyo mahal ang mga presyo nila. Nagpahabol pa nga kami ng sinigang na boneless bangus dun mismo sa floor manager nila. Heto na, nang dumating na ang inihaw na seafood ay napuna ko agad na kakaunti lang ito, halos tinakpan lang nila ng tahong, talaba at arusep o yung seaweed ang isang pirasong inihaw na hito, isang alimasag, anim na pirasong hipon, isang maliit na liempo at hita ng manok (inihaw na seafood ba ito?), isang maliit na tilapia. Kasabay nitong dumating yung sinasabing pakbet na good for 4 persons daw yun kung kayo pala ay apat na paslit, good for 4 na yun. Nang nagsisimula na kaming kumain ay may dumating na inihaw na maliit na bangus, kaya nakuha pa naming magbiro dun sa waiter at tinanong namin kung yun na ba ang inorder naming sinigang na boneless bangus. Doon tuloy namin nalaman na hindi pala nila naihabol yung order naming sinigang na boneless bangus kaya pinakansel na lang namin ito. Ok na sana sa amin yung mga inihaw kahit medyo mahal ang presyo nila, kaya lang nung nilantakan na namin yung hinabol na bangus ay bigla kaming nawalan ng gana, dahil lasang panis yung bangus. Tinawag namin yung isang waiter at itinuro lang namin yung bangus. Alam nyo ba ang sabi agad nung waiter? "Sir bakit po may lasa po ba yung bangus?". Paano niya kaya nalaman na may lasa yung bangus kung wala naman kaming sinasabi, hindi nya kaya naiisip baka kaya lang namin itinuro ito ay dahil nasasarapan kami. Pagkatapos niyang magtanong ay agad niyang kinuha ang inihaw na bangus at papalitan na lang daw. Anong klaseng kainan ito, nagpapalusot kayo ng panis na pagkain para sa mga kustomer ninyo, ano ang akala nyo sa amin sanay kumain ng pagpag mga buwakang &%$ nyo. Kaya pala ganun na lang kakonti ang mga kumakain sa inyo. Ayoko sanang sabihin ito dahil nakakain din naman ako sa ibang sangay ninyo katulad na sa bandang Cubao at sa isang mall jan sa West Avenue, kaya nga ang expected ko ay katulad kayo ng ibang mga sangay ninyo na may kaunting pagmamalasakit sa mga kumakain sa restoran ninyo. Dahil dito ay tinawag namin ang pansin nung bruhang floor manager para ipaaalam sa kanila na medyo hindi na ayos yung inihain nilang inihaw na bangus sa amin. Alam nyo ang naging reaksyon niya? WALA as in WALA parang ok lang sa kanya na magpalusot sila ng panis na ulam na saksakan pa ng mahal. HULING KAIN KO NA SA INYO MGA BUWA.....

0 comments: