Namonitor nyo ba yung nangyaring hostage sarzuela na naganap sa lungsod ng maynila kung saan isang negosyante na may-ari din ng daycare center ang namuno para ipahiwatig ang nilalaman ng kanyang puso at isipan. Kung inyong papakinggan ang kanyang tinatawag na impromtu state of the nation address ay talaga namang hindi ka na magdadalawang isip na lisanin ang bayan nating sinilangan. Isipin mo isang negosyante na nakakaluwang na sa buhay ang napupundi pa rin sa sistema ng ating gobyerno, ganung kung tutuusin ay hindi na siya apektado ng hirap ng buhay dahil na rin sa estado niya. Pero ano ang nangyari, napatid si manong dahil na rin sa kahipokritohang nakikita niya sa pamamalakad at pangkukunwari ng mga namumuno sa atin. Maganda ang kanyang mensahe pero may bahid din na personal na galit lalo na sa mga singkit ang mata. Maganda rin ang gusto niyang mangyari sa mga bata na kaniyang pinag-aaral na sana ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga ito, kaya lang kailangan talagang gumawa ang ibang tao ng mga drastik na hakbang para mapakinggan ka ng gobyerno. Kita mo naman matapos niyang pakawalan ang mga bata na hinostage niya ay biglang nagkaroon ng maliit na salo salo sa palasyo at mayroon pa silang digitalan (kodakan nung araw) nung nakatira dun sa palasyo na alam nyo na rin kung sino yon. Marami na akong napanood at nasaksihan na mga ganyang sitwasyon (hindi lagi yung hostage ha). Kung inyong natatandaan yung isang OFW natin na sumikat mula nung malethal injection sa singapore, di ba sankatutak na politiko ang nagsipunta sa lamay nun. May ilan pa ngang politiko ang naging kumare nung isang anak na buntis nung nalethal injection nating kababayan. Pero pagkatapos ng tinatawag na media exposure nung mga lintek na politiko ay iniwan silang lahat sa ere dahil napakinabangan na ang pagkakataon nila. Hanggang kailan kaya tayo magiging bulag sa mga ganitong pagsasamtala ng mga trapo, parang nakakasawa na rin talaga, buti na lang may isang mama na may bayag para isiwalat ang mga kataran...ng mga namumuno sa atin. MAGBAGO NA KAYO, HIRAP NA HIRAP NA KAMING MGA NOYPI. MAY MANYAYARI PA KAYA SA ATING KINABUKASAN?
Saturday, March 31, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment