Nakakita na naman ako ng tinatawag nating pinoy system nung minsang mapasyal kami ni utol sa isang tindahan ng mga mp3 player. Dahil na rin sa hindi ako mahilig magsuot ng amerikana maliban sa luma kong tashert ay halos hindi kami pansinin ng mga tindera ng naturang tindahan. Mas aligaga silang sundan na para silang mga asong gala na sumusunod sa mga naglalakad dun sa mga tumitingin ng mp3 player na magaganda ang bihis at mukhang mga artistahin. Bakit kaya ganito ang natutuhang sistema ng mga noypi, porke ba mukhang maralita kami nung sumilip sa mga tindahan niyo ay hindi nyo na kami bibigyan ng pansin, dahil na rin sa mukha namang hindi kami magsisibili ng naturang mga tinda ninyo. Pero teka mga enday, di ba may kasabihan na lahat ng papasok sa inyong tindahan ay dapat ninyong ituring na kostumer mahirap man yan o mayaman. Hindi ba't ang mga nagwiwindow shopping ang mga bumubuhay sa inyong negosyo dahil kung makikita ng iba na walang laman ang inyong tindahan ay malamang na mahiyang pumasok ang ibang tao sa inyo dahil iisipin nung iba na baka mahal ang tinda ninyo o di kaya ay walang kuwenta. Matapos naming magtanong sa mga bantay ng tindahan ay basta na lang kami iiwanan ng mga hindoropot at muli nilang kakausapin yung magaganda ang bihis. Kaya lang nung maglinaw ang tubig lahat nung inaasahan nilang bibili na magaganda ang bihis ay nagsilabas ng shop at wala man lang binili sa mga tinda nila, pero kaming mga mukhang "pagpag eaters" ay nagluwal ng kaunting halaga na katumbas ng apat na buwan nilang sahod para bumili ng isang produkto nila doon. O ngayon pati telepono ninyo ay pinapayagan ninyo akong tumawag ganung nung unang pasok namin ang sabi ninyo ay sira ang telepono ninyo mga sira ulo.
Saturday, March 31, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment