Saturday, March 24, 2007

P200.00

Napanood nyo ba sa tv documentary yung mga farmers sa probinsya na two hunded pesos lang isang buwan ang sinasahod. Tapos kapag kailangan pa nila ng tubig para inumin o ipampaligo ay kailangang lumakad pa sila ng malayo para umigib. Ganito na ba talaga kahirap ang buhay sa pinas o masyado lang tayong tinitikis ng mga namumuno sa atin. Kasi ang iniisip ko ay kung paano ka mabubuhay sa halagang dalawang daang piso kada buwan, kahit lucky me ang kaiinin mo araw araw ay hindi pa rin kakasya ang ganoong halaga. Paano na ang pag-aaral ng mga anak nila, di masasakripisyo na. Hindi ako economist o henyo sa pagpapatakbo ng isang bansa, pero marunong ako ng simpleng mathematics para bigyang lunas ang kahirapan ng mga tao at mapaunlad kahit man lang papaano ang kabuhayan nating mga noypi. Huwag tayong magsipagdiwang sa mga pigura sa jaryo na bumaba na ang antas ng mga walang trabaho. Dahil lahat tayo mismo ay nakikita natin at nararamdaman ang kahirapan ng buhay ngayon. Sinong gago ba naman ang gustong umistambay maghapon sa bahay, maliban na sa mga retirado nating mga magulang. Pero sa ngayon ay napupuwersa ang mga kabataan at mga naiwanan na ng panahon na umistambay buong hapon sa bahay dahil kahit pudpurin mo ang sinelas mo kahahanap ng totoong trabaho ay hindi ka makakakita ngayon, maliban na lang sa mga jaryo na nakasaad doon na bumaba na ang antas ng mga walang trabaho. Manang pakidagdagan nyo naman ng isa pang tinapa ang binili ko sa inyo at pakibalot na lang sa putang inang jaryo na yan na nagsasabing marami ng trabaho para sa sambayanang noypi.

0 comments: