Sunday, March 25, 2007

sa batis na kung tawagin ay hi...hi..hinulu

Maganda na pala uli ang daan paakyat ng Antipolo. Nung araw kasi kapag nagyayaya ang lola ko para magsimba jan ay nagtatakbuhan na kami lahat sa ilalim ng silong namin kasi walang gustong sumama sa lola ko dahil nalalayuan kami. Kahapon ay nagkaroon na naman kami, kasama ang mga erms at erps na umahon sa Antipolo. Muli ko na namang nakita ang Padi's Resto kung saan isa ito sa may pinakamangandang view ng Metropolis. Pero ang nakapagpatayo ng balahibo ng alaala ko ay ang "eagles neck" oops bago nyo ko korekin na "eagles nest" ang tawag jan ay bigyan nyo muna ako ng isang oras at kalahati para maipaliwanang kung bakit naging "eagles neck" ang tawag ko sa lugar na ito. Kasi nung araw na umiistambay pa ko sa cogeo, kung saan sangkatutak ang naging tropa ko ay madalas kaming magkayayaan jan sa "eagles neck" na yan. Dahil na rin sa kakulangan pa namin ng budget noon ang madalas naming bilin na pulutan jan ay ang "chicken neck", ito kasi ang pinakamurang tanpulutz kasama na ang mga IUD, Adidas, Isaw at Mani. Kaya mula noon ay binansagan na naming "eagles neck" ang naturang lugar, ok getching achuching nyo na. Pagdating namin nila erms at erps sa simbahan ng Antipolo ay nakakapanibago na rin, kasi wala nang sumusugod sa akin para kabitan ako sa tashert ko ng mga santo na may nakadikit ng paldibre. Nung araw kasi tanda ko jan pag baba pa lang namin ng bus ay sinasalubong na kami ng mga nagkakabit ng nasabing imahen ng santo, minsan nga sa pag-uunahan nung mga nagkakabit yung ibang imahen nung santo ay sa noo ko na nila naitutusok yung paldibre. Nagbibiruan nga kami ni Taruk (da utol Jun) na medyo matanda na talaga kami dahil takot na silang lapitan kami at kabitan ng mga nakapadibreng imahen. Ang sabi ko naman sa kanya ay kaya walang naglakas ng loob na kabitan kami ng nasabing nakapaldibreng imahen ay dahil nakabukol yung dala dala naming baril-barilan, takot lang ng mga hinayupak na yan na lumapit sa amin. Matapos naming sumilip sa simbahan upang magpasalamat sa mga biyayang natatanggap ay humingi uli ako ng sangkatutak na pera sa mga santo dun sa loob ng simbahan, iyun ay kung palulusutin lang naman nila ang dasal ko, ba malay mo makalusot nga. Tapos ay nagtungo na kami dun sa gilid ng simbahan nila para ipalista yung aming sasakyan. Ipalista ang sasakyan? baketttttt? Mga baduy for your info, ang antipolo church ay tinagurian ding Our Lady of Good Voyage o sa kastilaloy na salita ay Nuestra Senora del Buen Viaje hindi safe passage bastos at hindi rin Viaje as in score, kuha or whatsover. Kaya kapag may bago kang sasakyan o car sa ingres, ingrish, ingles basta kapag may bago kang chekut ay dun mo agad dadalhin sa Antipolo para ipabless. Pagkatapos mabless ang chekut ay sinilip naman namin ang hinulugang taktak resort at dun ay kumain kami ng mangga, suman, kasoy at balimbing. Kaya magmadali ka at tayo ay sumama sa Antipolo. Last question please? kaninong chekut yung pinabless? Sa akin may bago ako, baket may angal kayo mga hindoropot busett.

0 comments: