Saturday, August 05, 2006

poolside na erbukan

mga tol kagabi may napuntahan kaming erbukan ng mga "opus"-mate ko sa quezon city, katapat ito ng isang hotel na parang palasyo, maganda yung lugar kasi nasa tabi ka ng mingming pool at ang panghatak nila dito ay yung mga serbedora nila dahil bukod sa magaganda na at mga bata pa, namputcha yung suot ang iigsi umurong sa itaas at umurong din yung suot sa ibaba, kaya bawal ang hipo sa kanila, siempre naman...tapos may tumugtog na mga bagets na banda, nung una ayokong bigyan ng pansin dahil puro rap ang binibira (samantala ay balikan natin si aw aw na anak na mang islaw...yesyesyoyesyesyo). Pero nung second set nila ang binira ay yung mga awit ng ating panahon katulad ng black betty ng ram jam, we will rock you, another brick in the wall...tayo balahibo ko, napa order tuloy kami ng crispy tuna tail...and speaking of tanpulutz ok yung crispy tuna tail nila masarap kaya lang yung na order namin na sizzling pusit..TALO, kasi ba naman yung nilagay sa sizzling ay yung pusit na nasa lata na maliliit na pusit, ang sama ng lasa, kaya nung nakalahati na namin yung pusit isinoli namin at wala namang angal si Cell PO (yun ang dinig ko sa pangalan nung waswit na nag served sa amin na may nunal sa ibaba ng pusod) at pinalitan naman ng sizzling sisig...pagdating ng sisig ang akala ko naman ay sizzling bopis ang ibinigay...TALO rin. Bago pa ako nakapag reklamo ay napuna ko sa stage na may limang beautius na all girrrrllll band, ang lilikot gumalaw parang nakatira ng cortal na made in binondo, pero ang da best sa kanila maiiksi din ang suot ang mahaba lang sa kanila ay yung mga buhok nila at yung dila. Napuna ko nga yung vocalist nila na may hikaw sa pusod at the distance of 30 meters, malinaw pa rin pala ang mga mata ko. Pagkatapos mag ingay ng mga suzie quatro wannabe ang sumunod naman ay walong beautius na chiching at nagsipag sayaw na parang high din sa cortal, siguro may tulak ng cortal dun sa lugar na yun. Ang gaganda din nila, naka tashert na puti sila at maigsing maigsing short na maong, halos kainin nga nung maong yung kaong. In short or sa maigsing salita enjoy ang beernes kaya nga pag sakay sa kartela ko ikinasa ko agad sa tape deck yung...We don't need no education We dont need no thought control No dark sarcasm in the classroom Teachers leave them kids alone..Hey! Teachers! Leave them kids alone! All in all it's just another brick in the wall. All in all you're just another brick in the wall. "Wrong, Do it again!""If you don't eat yer meat, you can't have any pudding. How can you have any pudding if you don't eat yer meat? ""You! Yes, you behind the bikesheds, stand still laddy!" jang jarang jang jang jang... jang jarang jang jang jang...

1 comments:

Anonymous said...

kagabi aug 8, 7:00 p.m. to be exact, uminom kami ni seryo tsaka si bro. bago kotse ni bro, naka 1 kahon din kami mahigit, si itoy itot nanaman bahay.nagpabili si seryo dami ihawin na tanpuluts. napasugod sila kase bigla nahilo si erpat tumumba sa silya. pero okey naman na sya, yung ininnom nya pala gamot masyado malakas kaya nag block-out. hinahanap ko nga kase nakita ko 2 banig pa yun!!!! bwahahaha!!!!!! rock n roll!!!