Friday, August 03, 2007

T.G.I.B.


Yahoo biyernes na naman, gimikan na naman mamayang gabi. Saan kaya makapunta, sawang sawa na akong gumimik dun sa hole in one na lugawan ni Mang Tanie, naubos na rin ang mga chicks sa Quezon Av dahil ang dami laging nakatambay na MMDA sa nasabing lugar. Mayroon palang mga inuman jan sa Q.C na tinatambayan ng mga chick na ika nga ay game sa mga indicent, indecint, incident, insider ah basta yung bang mga chick na "puede". Ang style pala diyan ay kakausapin mo na agad yung mga waiter na babae o lalaki, tapos ingunguso niya sa iyo kung sino yung mga "puede". Kung oobserbahan mo, kala mo ordinaryong gimikero lang din sila, kasi magaganda ang bihis at may hitsura pa (with imbestigador accent). Ang style pala jan, kapag may naispatan ka nang chick na "puede" ay makipag eye contact ka sandali. Kung kaya pa ng intel budget mo, padalhan mo ng red horse. Yun naman ang hilig inumin ng mga chiching ngayon sa bar para mura lang. Kapag medyo napuna mong papunta na siya sa powder room ay sabayan mo na kunyari. Tapos medyo kunyari ay magkakasalubong kayo sa gilid ng powder room. Siempre pa ihahanda mo na yung pinakamatamis mong ngiti, pero huwag mong ilalabas ang ipin mo dahil baka makitang nakasiksik doon yung sisig na pulutan mo. Kapag bumalik na siya sa mesa nila ay padalhan mo uli ng red horse yung grupo ng mga "puede". Ito na ang teknik, kapag nakita mo na yung waiter na babae na dala na yung red horse na pinabibigay mo ay sabayan mo na ng lapit sa mesa nila. Medyo ebokalays mo ang boses mo para magmukha kang DJ sa radyo at sabay pabulong na sabihin mo dun sa chick na "puede" ba tayong magmotel? PAK!!! aray ang sakit ng kanang pisngi ko, wrong number, hindi naman pala mga "puede" girls yun, kungdi mga undercover cops na may operation lang din sa nasabing lugar. Lesbian.

0 comments: