Saturday, August 11, 2007

You raise the blade, you make the change, you re-arrange me till i'm sane


Anong klase ba ito, halos dalawang araw ko na ginagawa ang computer, kasi ba naman hindi ako makakonek dun sa home network ko. Ito pa naman ang madalas kong gamitin kapag hindi ako makasingit dun sa sampung desktop namin sa haus. Kaya kapag may gumagamit ng desktop ay napipilitan tuloy akong buksan yung Nokia laptop ko para dun ko gawin ang mga intel report. Nagtataka nga ako bakit biglang hindi nagkita ang mga computer ko. Pilit ko namang kino conpicture, congfigsa, configture, confekfek...ah basta pilit ko namang inaayos, pero ganun pa rin, ayaw pa rin nilang magkita-kita. Hindi naman ako bago sa computer dahil panahon pa nung "pong" games ay nagko computer na ako. Humingi na nga ako ng live assistance sa mga kontak ko sa Romania, pero pati yung solusyon nilang ibinigay sa akin ay hindi rin umubra. Isa na lang ang alam kong magandang solusyon dito kapag rin lang hindi ako nakapagtiis. MARTILYO.

0 comments: