Monday, May 11, 2009

I said, they call it stormy monday


Buwakanabitz to pieces, ang ganda pa naman ng gising ko at maaga akong nakagoli para pumunta ng opis. Lunes kasi, kaya ritual ko na ang pumasok ng maaga. Ika nga the early birds catch the early cops, ganun nga ba yun. Neweis, hindi naman siempre ako aalis ng bahay ng hindi ko man lang matikman yung masarap na fried rice at kamto (pares?). OO enday kamto ang titikman ko at hindi kan...busetttt. Nung kumakain na ako ng masarap na agahan ay saka idiniga sa akin ng mga housemate ko ang mga dapat kong gawin ngayong isang linggo. Nung marinig ko ang mga obligasyon ko na dapat gawin ay halos hindi ko na tuloy nalunok ang chibug ko. Ok lang, next week na lang ako lulutang sa opis. Mas kailangan pala ako sa bahay dis wik.


0 comments: