Saturday, January 27, 2007

accidental tourist part 2


prancing along crisologo street vigan


side trip to vigan


Pagudpud means pagud ka na pudpud pa gulong mo


whiling away the time at terra rikas


top view of pagudpud


guess where i am?

January 23, 2007-Madaling araw pa lang ay nagising na ako, hindi dahil sa maaga talaga akong magising kundi dahil na rin sa ingay nung babae at lalaking nag-aaway sa katabing kuwarto namin sa marjs hotel. Pilit ko pa ring hinahabol si haring tulog pero hindi na ko nakahabol pa sa kanya, kaya naisipan ko na lang laruin ang ti err ang timer ng relo dun sa hotel. Maya maya pa ay kinatok na kami nung mga kasama namin. Pagtapos naming magsipag ayos ay tinungo na namin ang pakay namin dito sa isabela. Matiwasay naman naming natapos ang trabaho kahit medyo mabusisi ang unang sultada. Papalakad na kami pabalik ng maynila nang ako ay tawagin ng hepe ng gamu isabela at sabihing huwag kaming dumaan sa santiago dahil nandun ang balwarte ng aming nakasagupa sa trabaho. Agad ko itong ipinaalam sa mga kasama ko at napagkasunduan namin umikot sa likod o dun sa tugegarao cagayan papunta sa Ilocos Norte. Sinimulan na naman namin ang walang sawang paglalakbay. Maraming magagandang lugar at tanawin kaming nadaanan, nandiyan ang hanging bridge sa magapit, ito halos yung boundery papuntang aparri, mga picturesque ala amorsolo painting ng mga nagtatanim ng palay at walang katapusang bukid, bukid at bundok. Hapon na rin ng marating namin ang boundery ng Ilocos Norte. Marami na ritong magandang tanawin habang binabaybay namin ang kahabaan ng kalsada ng Ilocos Norte ay napagkasunduan ng grupo na magpalipas na lang ng gabi sa Pagudpud. PAGUDPUD? sabay sabay naming nabigkas. Hindi ba ito yung parang, yung bang, parang madalas kong marinig itong lugar na ito. Bigla ko tuloy natanong sa mga kasama ko kung maganda ba ang lugar na iyan, pero hindi nila alam nakabihis na ako ng pampaligo ko. Pagdating namin sa Pagudpud ay naghanap na muna kami ng puedeng tulugan, ang una naming pinuntahan ay ang Saud Beach Resort and Hotel, medyo madugo ang presyo nila para sa isang gabing tulog lang namin, kaya naisipan naming humanap pa ng iba. Ayos na sana kami sa Villa Del Mar Ivory Beach Resort, kaya lang ay wala silang mga lutong ulam at ang totot nun ay masyadong mahal ang beer nila, kaya lumipat kami sa emoh rou (binaliktad na Our Home). Sikat ang kanilang Terra Rika's restaurant dahil na rin sa masarap na luto at mababait na staff, bukod pa rito yung personal approach nung mismong may ari ng naturang hotel kaya ang dating mo ay parang close talaga kayo. May katabi itong kainan ang La Helene restaurant sa Apo Idon, pero kakaunti lang ang kumakain dahil na rin daw sa mahal at hindi masarap ang luto sabi nung kalaban nilang resataurant. Pero sa aking pagtatanong ay napag-alaman kong magkapatid pala ang may-ari ng La Helene at Terra Rika kaya lang ang nag-aaway ay yung mga staff nila asus chismis pa yun. Dahil na rin sa gabi na nga ay hindi na rin naming nagawang maligo sa dagat kaya naisipan na lang naming magdasal err mag inuman sa Terra Rikas at siempre pa pulutang ilocos and kinuha namin katulad ng papaitang kambing, igado, dinikdikan, bagnet with sukang iloko, isaw na hindi ko maunawan ang luto, sisig, sizzling bulalo at french fries.

0 comments: